“Ren tapos na ako” sabi ni Jam

“Okay, tara na sa cashier, wala akong mahanap na maganda. Ikaw lang yung nakikita ko eh!”

“Loko ka!” sabi niya at tinalukaran ako at naglakad na papunta sa cashier

“Asus kinilig ka lang” sabi ko na lang pero mahina

Natapos kami sa National Bookstore

“O asan na tayo?”tanong ko

“Sa School kasi may classes pa tayo” sabi niya

Oo nga noh, akala ko walang pasok hahaha

“Tara na?!”

“Let’s go!” sabi niya

Kinuha ko na ang kamay niya at puumunta na ng elevator at naglakad papuntang parking lot

HHWW ulit Ayee kinilig ako! HAHAHAH

“Hop in” sabi ko at pinagbuksan siya ng pinto

Ngumiti lang siya at sumakay na

Sumakay na rin ako at nagdrive na papuntang University

“Alam mo ang sasaya ko ngayon”sabi ko

“Bakit naman?”

“Eh kasi andito si Dad at si Dawn, lumipat na kami ng bagong bahay at may kotse na ako” nilingon ko siya sa gawi niya at nakita ko na nakangiti siya sa akin

“Masaya ako para sayo Ren” sabi niya at hinawakan ang kamay ko

“Salamat rin kasi andito ka parati sa tabi ko”

“Dapat lang ako ang nasa tabi mo palagi?!”

“Haha oo naman noh?!”

“Teka lumipat na kayo  ng bahay?”

“Oo, hindi ko ba nasabi sa inyo?”

“Hindi”

Talaga?

“Sorry kung hindi ko na sabi, well nung isang araw pa kami lumipat. Dad wanted us to move in kasi simula na ng bagong buhay namin.  Ipapakilala na ni Dad kami ni Dawn sa Corporate world this weekend kaya sabi niya na kailangan ng dobleng ingat kasi lahatng mata ay nakatingin sa amin”

Just Once (gxg)Where stories live. Discover now