Nakikita ko na si Jam, naka talikod sa lugar ko at naka cross arms

“Hey!”

“Bakit ang tagal mo?!”

“Eh kasi po, nakatulog ako sa kotse” sabi ko nalang at kinuha ang bag niya at hinawakan ang kamay niya

“Kumusta kayo ng kapatid  mo?” tanong niya habang naglalakad kami

“Okay naman, I was  really shock when she came.”

“Oo nga, kahit nga kami di makapaniwala”

“San pala tayo?” tanong ko

“Ahh sa National Bookstore tayo, bibili ako ng libro”

“Okay”

Ayun Holding Hands while walking ang peg namin! Habang pinag-uusapan ang kapatid ko

Ganito kami ni Jam sweet sa isa’t isa kaya akala ng lahat ay kami na pero hindi pala, hindi pa rin ready si Jam eh kaya wala akong magagawa

“Omy! Ang cute ng guy oh!” – Girl 1

“Oo nga, ang swerte ng ka holding hands niya girl. Sana ako yan!” –Girl 2

Hay nako!

Naramdaman ko na lang na humigpit ng pag hawak ng kamay ko si Jam

Alam kong hindi niya gusto ang mga naririnig niya

“Hayaan mo na, bakit kasi ako pa sinama mo yan tuloy marami ang kaagaw mo” bulong ko sa kanya

“Eh kung kalbuhin kaya kita! Gusto mo?!”

Leche! Under na naman ako nito

Ngumiti lang ako ng malapad at kinurot ang pisngi niya

“Tara na” sabi ko na lang at hinila siya papasok sa National Bookstore

“Sige hanap ka na ng libro, hahanap rin ako” sabi niya

“Okay boss”

Humiwalay na ako ng daan kay Jam at naghanap na ng mga libro sa shelf

Binabasa ko ang mga details sa likod ng libro ng may bumangga sa likod ko

“Oh sorry” sabi niya

“No it’s okay” hindi ko na siya nilingon kasi nga binabasa ko summary ng libro

Just Once (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon