Yan ang life cycle ng araw ko sa paaralan, sisimulan ng magalang na ‘’Good morning Ma’am….Mabuhay!” ‘tas lahat ay magiging anghel ng limang minuto na magiging mga kapre pagkatapos ng mga sandaling yon. Hindi na namin na sasabihang “Goodbye Ma’am….Thank you for teaching us today, goodbaaay!” dahil nagwo-walkout na siya sa kunsume, mangiyak ngiyak pang ihahampas ang pintuan palabas. Alam ng mga kapwa ko highschool yan, na walang matino sa mga panahon na ‘to. Dahil lahat ng kasiyahan sa mundo pwede mo ditong matikman, simula sa pagkakaroon ng mataas na score sa mga long test na hindi ka naghihirap hanggang sa pagkakaroon ng mga syota. Kasama din dyan syempre at pagsubok uminom ng alak at humithit ng sigarlyo. Hiyang ako sa nauna pero kinasusuklaman ko ang pangalawa. Hindi din malayo ang pagkahumaling sa mga iligal na dahon ng mga demonyo na nakakapagbigay daw ng mala-paraisong kasiyahan ngunit nakakasira ng kinabukasan, ang Marijuana.

   Ugali ko din na umiihi muna sa palikuran sa gilid ng canteen bago umuwi. Madalas na 6pm na ako lumalabas ng skul kasi tumatambay pa ako sa library para magabasa o magsulat. Kaya ito, binalik ko na ang “Mythology” ni Edith Hamilton sa shelf ng literature at on the way na ako. Mga tatlo ang cubicles ng CR na yun. Isa lang ang bukas sa dalawang ilaw kaya magmumukhang itong unoccupied. May umiiri sa unang silid-ebakan, narinig ko pa ang mga tambol. Walang tao sa pangalawa. Pero umuusok yung pangatlo. Hindi ko alam yung amoy ng drogang yun pero may mga tuyong dahon sa ilalim ng pintuan. Alam ko na kung anong klaseng session meron sa loob. At mukhang ‘solo flight’ pa ‘to. Wala ako sa lugar para magsumbong, baka mabugbog lang ako. Tinakpan ko na lang agad ang bibig ko. Ayokong maimpeksyunan.

   Sabi nila gamot daw ng asthma ang marijuana, may mga herb medicinal benefits ito sa pagluluwag ng hanginan ng baga natin. Tranquilizer rin din ito ng mga pabago-bagung mood ng mga tao. Anti-cancerous pa nga daw ito eh. May mga bansa na mayroong mga restaurants kung saan pwede kang humithit ng Marijuana. Yung mga Hollywood stars alam ko adik din dito. Napanood ko kasi yung Video ni Rihanna sa kanta niyang We Found Love na Humihigop ng usok gamit ang marijuana ng kanyang partner. At masaya pa silang nagbubugahan sa isa’t isa. Kaya ibig sabihin, sa lugar nila ito ay may unlimited dosage. Magsawa ka sa kasiyahan.  Pero siyempre, nakakaadik. Kaya sa bansa natin naging illegal. Nakakagawa ka ng mga masasamang bagay para masustentuhan lang ang bisyo na ‘to. Simula sa pagnanakaw hanggang sa pagpatay. Nakakatakot ang mga side-effects. Patigasan din daw ng utak ‘to, pag hindi mo kinaya ang mga lagpas na sa imahinasyong pagdedeluryo pag sabog ka dito, sira ang isipan mo. Magiging ‘wang-bu’ ka sabi ng step father ko sa nanay kapag lasing ‘to.

Kakauwi ko lang sa bahay. May basag na baso. Kalat ang kanin sa lamesa at nakatumba ang kaldero. Wala sa mga lugar ang mga gamit. Mga damit, kumot at unan,lahat nakasalampak sa sahig. Nakahiga ang tatay-tatayan ko. Nakatalukbong sa kama nila ni mama. Humihilik. Lasing. Nanggigil na naman ako. Bumalik sa diwa ko ang eksena na sinuntok niya sa mukha ang nanay ko. Dumugo talaga ang ilong. May malaki din akong pasa sa bandang kaliwang leeg ko dahil sa pagsangga ng inihampas niyang upuan sa mama ko. Ang dahilan ng pangbubugbog, kalasingan. Amoy gin bulag pa siya nung sinabihan akong, “Gago, paharang-harang kang bata ka ah.”

   Sarap na sarap sa pananaginip. May suka pa sa sahig. Bwisit.

   Binaba ko ang bag sa may ibabaw ng maliit na aparador. Sinampay ko na din ang uniform at blackslacks ko. Kumuha ako ng bimpong pamunas sa may lababo para punasan ang suka niya. “Nginunguya niya pa ba ‘to?” Reklamo ko na pabulong habang dinadakot ang mga buo-buong sisig at mga latak ng bopis. May isa pang tansan. Kumukulo na naman ang dugo ko. Waah! Ng di sinasadya, tinitigan ko siya. Simula sa mukha hanggang sa paa. Naisip ko, wala ni isang tulo ng dugo ang meron ako sa katawan na galing sa kanya. Wala na ang ama ko. Kaya lang naman yata nag-asawa ulit si mama ay para magkaroon ako ng Ama. Pero hindi ko siya kaanu-ano. Nagsalubong na ang kilay ko sa poot.

Sa Aking DemonyoWhere stories live. Discover now