Pangalawa

599 11 3
                                    

   Muntikan pang mabangga ang jeepney na sinasakyan naming sa ten-wheeler na papasulubong dahil sa kakatawa ng drayber. Bakit ba kasi may mga tao na pumipikit ‘pag tumatawa?  Haha. Comedy in the ride near death experience.

At nasa eskwelahan na kami, marami-rami ng estudyante. Inuubos ang oras bago magflag-ceremony. May mga naghahabulan at nagbabadminton. Meron ding mga nagsisipa. Maaliwalas at normal lang ang panahon sa isang tipikal na araw ng mga estudyante dito sa Contemplacion Adoracion Highschool. Dumako kaagad kami sa tambayan ng section namin. Sa mini rampus ng Science building. Dun kami lahat. Nag-uumpukan. Naki-umpok na din ako kasi pareho lang naman kami ng rason kung ba’t nagkukumpulan. Mga walang assignment at kailangan sa orasyon ng kopyahan. “UNITY” ang tawag ng section ko dito.

   “Kaninong sagot ‘yan Bryan?”

   Bigla akong tinabihan ni Roselle. Oo, si Roselle. Yung pinag-usapan namin kanina. Ang babae na kasingganda ng gising ng gumamela sa umaga. Higit pa sa kariktang taglay ng kalikasan. Walang panama ang talinghaga ng bahaghari sa kanyang mapang-akit na mata. Siya ang iniisip ko sa bawat twina. Putik, ito na naman! Dito ako mahina. Dito ako nanghihina. Pero siyempre, astang presko ako para cool sa paningin niya. Kahit nangangatog na tuhod ko. Tsaka may plano akong ligawan ‘to sa makalawang araw, Valentines day. Kailangan ng magtapat at sayang ang pagkakataon. Baka maunahan pa ako nung Sylester. “Kanino ‘to Bryan?” Nilapit niya pa ang mukha saken. .

   Mas natitigan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. Chinita at maputi. Basta, kamukha niya si Pauleen. Sobrang ganda. Tas’ may bangs pa na oneside sa kaliwa. Hayup! Kaya andaming nagkakagusto sa kanya dito sa skul. Andami kong karibal. Puro mga gangster pa. Badtrip tong puso ko, ito na naman.

   Parang nasa ere at yakap-yakap ang mga ulap. Sabik na sabik sa pagyayakapan namin  dalawa habang tumatakbo sa may dalampasigan na pinapagitnaan ng ang asul karagatan. Saksi ang papalubog na araw sa dilaw at pulang kalangitan. Ginapos niya ako sa mahigpit na yakap niya. Naramdaman ko ang init ng kanyang pisngi sa paglapat ng labi ko dito. Hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok. Masaya ko siyang iniikot sa tabing dagat na dalawang paa ang nakasabit sa baywang ko. Tumambling siya at nagbacklift rin ako. Sunod-sunod na exhibitions. Tinupi ko ang tuhod ko sa harapan at ipinasok ang ulo ko habang binabanat ng kaliwang kamay ang… yun nga, yung nakatupi ko na ding tuhod. Siya namang pagbending ng kapareha ko ng 360 degrees. May mga napa ‘Woooow’ sa sobrang mangha at nagpalakpakan ang maraming tao.

   “Bry, ui. Kaninong sagot yan?” Mabilis na tiningnan ni Roselle ang mukha niya sa salamin. Kung may dumi ba o wala. Wala naman. Nakatitig pala ako sa kanya 'di ko pa alam. Nawala na naman ako sa sarili ko, puro mga pantasya na naman. Bumalik ako sa ulirat at pahiyang sinagot ang tanong niya.

   “Ah. Kay Guisihan, ikaw naman oh. Tapos na ako eh. Hehe. Ito na oh.” Dinampot niya ang papel at aksidenteng napahaplos ang palad niya sa palad ko. Para akong kinuryente. Oo, si Volta yata siya. Tapos bumilis yung tibok ng puso ko. Oo, baduy ‘tong nangyayari sakin. Pero siyempre, ikaw ba naman ‘tong isang taon ng mainlab sa kaklase, first and last dance sa huling JS Prom, palaging asawa ko pag may play sa English, palaging girlfriend pag may dula dulaan sa filipino. Simula 4th year! Basta love team kami ng klase namin. Sa kanya walang malisya, pero sakin meron. Kasi nahulog na ako. Hulog na hulog sa gayumang ibinuhos niya sa pagkatao ko. At ba’t kami nagcircus kanina sa pagdedaydreaming ko?

   Nabulabog ng bell ang mga estudyante.

   Tulad ng lagi, magulo ang klase. Kanya-kanyang mundo sa loob ng silid-aralan. May mga nagpupulbo na mga kaklase kong nagpipilit maging maputi kahit mukha naman silang mga ‘crinkles’, may nag-uusap tungkol sa pagkakaimpeach kay Justice Corona, may mga kunwari walis walis para malakas kay ma’am, may nagtetext at gm ng gm ng kung anu-ano, may mga natutulog at puti na ang tuyong laway na kalat na sa kanilang bibig, mga bumubula na ding bibig sa nagpipilit na umintindi sa mga aralin at may mga nagsusulat ng kung anu-ano pampatay ng oras. Isa ako dun. Kunwari notes ang nilalapat sa notebook, pinagmamasdan ko lang ang mga kaklase ko na pinagtritripan ko na lang sa mga notes ko dito sa kwaderno.

Sa Aking DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon