2 - Just the girl

20.1K 87 10
                                    

A/N : Sino po pwedeng gumawa ng facebook at twitter ko? Lagi kasing nabblock yung mga ginawa ko eh :(

___________________________________________________________________________________

Chapter 2 : JUST THE GIRL

“Debssssss!” hiyaw ko ng makita ang nag-iisa kong bestfriend. Dahil sa day-off namin ngayon ay napagkasunduan naming magkita.

“Brooookee! I missed you girl!” Yumakap ito sakin pagkalapit ko dito. Kahit everyweek kaming nagkikita nakakamiss padin itong babaeng ‘to. Paano ba naman sya nalang ang natitirang bestfriend ko. Hays, sa panahon ngayon mahirap ng malaman kung sinong pagkakatiwalaan at kung sinong plastik na dapat ng ibasura para maibaon sa lupa.

Nandito kami ngayon sa Rockwell, BFF bonding time namin ang Saturday, buti nalang talaga at parehas yung day-off namin. Every Sunday naman, syempre Family day.

I am working at Ayala Incorporated as CEO Assistant while Debby or “Debs” for short is working at her family’s Broadcasting Industry.

“Anong balita sayo Brooke? Hindi ka naman ba pinapahirapan nung Witch mong boss?” Binigyan na nya ng alias ang boss ko bilang isang “Witch” dahil na din siguro sa mga naikwekwento ko dito. Kung idedescribe ko in one word kung bakit witch eh, NAKAKATAKOT, malalaman nyo yan pag pasok ko sa opisina. Ewan ko ba kung bakit nakakatagal ako sa pag-uugali nun, pero infairness, ayon sa bali-balitang nasagap ko, ako lang daw ang tumagal ng 3 months bilang assistant nung boss ko. Sa kagaspangan daw kasi ng ugali ay walang tumatagal dito, yung iba nag reresign dahil hindi na kaya, yung iba naman nafifired dahil sa konteng pagkakamali lang. Sa ngayon wala pa naman akong nagagawang ikinagagalit nya ng husto para tanggalin ako, pero hindi lilipas ang araw na hindi nakasigaw iyon sa akin at madaling umiinit ang ulo.

“Talagang kinareer mo ang pagtawag ng Witch dun sa boss ko ah? Hindi naman sya ganun kawitch, tignan mo tumagal ako ng 3 buwan sa kanya, dahil kung masamang masama talaga ugali nun eh baka wala pang isang linggo umalis na ako sa kompanya nila” wika ko dito kay Debs.

“Wag mo ng ipagtanggol yang boss mo, basta ang alam ko isa syang witch” hindi talaga sya magpapatalo sakin. Naglakad na kami patungo sa isang cinema, panunuodin kasi namin yung first ever movie ni Jiro. Actually napanuod ko na ito, nung premier night palang, pero si Debs hindi pa, kaya sasamahan ko nalang. Saka hindi kaya nakakasawang makita sa big screen yung mukha ng taong mahal mo.

Nakapila palang kami hindi na magkamayaw ang tilian sa paligid ng mga babae dahil meron isang malaking poster si Jiro kung saang cinema pinapalabas ang movie nya.

“Kyaaah dali papicture tayo”

“OMG, kahit sa poster ang gwapo nya talaga”

“I’m gonna die! I’m gonna die! I’m gonnaaaaa” at ayun yung isang babae nahimatay na ata dahil sa paghanga kay Jiro. Sorry nalang kayo, dahil mahal nya ko.

“Bru, grabe iba talaga epekto ni Jiro noh? Biruin mo yun, poster palang yan nahimatay na, paano pa kaya kung personalan na, baka nadedo na yun ng wala sa oras” parehas pala kaming nakamasid ni Debs sa mga babaeng nagpapantasya sa Jiro ko. Grabe talaga ang nagagawa ni Jiro sa mga fans nya, hindi ko nga alam kung paano ba nila natanggap na may asawa na ito. Hindi naman kasi ako mahilig manuod ng TV, depende nalang kung may Tv series or guesting si Jiro kaya pinapanuod ko ito, wala akong pinapalagpas ni isa sa mga ito. Updated naman ako sa lahat ng mga activitie nya sa showbiz.

“Syempre, sya lang naman si Jiro Silva” pumasok na kami sa cinehan.

Love Conquers All ang title ng movie, kwento ito na paghadlang ng magulang ng babae sa pag-iibigan nung lalaki, which is si Jiro ang gumaganap, yung girl ay nalimutan ko yung name dahil hindi naman na kelangan tandaan pa. Handa silang harapin ang lahat mapatunayan lang ang pag-iibigan nilang dalawa. Mahirap lang kasi ang role ni Jiro doon, kaya hinahadlangan ito, kesyo kayamanan lang daw ang habol nito sa babae, kesyo wala itong pangtutustos sa magiging pamilya nila. Umabot sa puntong nagtanan sila, subalit may naiwan yung babae na nagdurusa dahil sa gustong gusto sya ng bestfriend nitong lalaki. Hindi makakapayag yung bestfriend nya na mapunta ito sa iba, kaya naman pinatay nya ito at si Jiro, sya rin ay nagpakamatay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon