Namiss ko talaga sya. Sa loob ng isang taon na sya lang lagi ang iniisip ko nung makita ko sya kanina hindi na ako makapag isip pa ng tama. Pero paano kung may minamahal na pala syang iba?

Tiningnan ko kung may suot sya na engagement/wedding ring.. buti wala. Paano kung may boyfriend na sya?? Boyfriend pa lang naman. Kasi gagawin ko ang lahat para magkabalikan kami. Hindi ko na ulit uulit yung pagkakamali ko nung pakawalan ko sya dati. 

GAB'S POV: 




Nagising ako na hindi ko alam kung nasaan ako. At hindi ko din alam kung nasaan ang yung taong nagdala sa akin dito. Ipinikit ko ulit ang mata ko. Ang sakit lang sa ulo na hindi mo alam kung ano ang mangyayari. 

Pagmulat ko ulit sya naman paglabas nya sa cr. Nakatapis lang sya ulit. Naalala ko na naman yung paggiling nya kagabi. Hindi ko alam kung saan galing yung lakas ng loob ko o hindi ko lang talaga napigilan na ibulalas ang nasa isip ko. 

"sasayaw ka ulit?" 

Ngumiti lang sya. Yung nakakalokong ngiti. Yung ngiting hindi pumapalya sa pagpapabilis ng tibok ng puso ko. Saan kasi naman nya namana yang pag ngiti ng ganyan. Yung ngiting nakakapanghina ng tuhod. 

"gusto mo ba?" 

"si sponge bob ba ulit design ng boxer?" 

"HAHAHAHA hindi.. ANGRY BIRDS na" 

ANGRY BIRDS?!!!!!!! 

Alam ko namumula ako lalo ngayon. ANGRY BIRDS?? Anong kulay kaya? RED? Kung sisilipin ko ba si ANGRY BIRDS magagalit ba sya?? Hindi ata.. depende kung hahawakan.. Dahil sa kakaisip ko sa ANGRY BIRDS nya..

I mean sa ANGRY BIRDS na design daw ng boxer nya hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sa akin. Hindi ko namalayan na sobrang lapit na ng mukha nya sa akin. 

"grabe VINCE.. ang PULA ng mukha mo HAHAHA" 

VINCE??? ang tagal na din na walang tumatawag sa akin ng VINCE. Kakamiss din pala. Mas lalong nakakamiss SYA. 

"lumayo layo ka nga ng konti VINCE.. ang adik mo" 

"VINCE? bumalik na ba ang VINCE DUO?" 

"huh?" 

"bumalik ka na ulit VINCE" 

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Babalik nga ba ako sa kanya? 

Nawala ba ako sa kanya? 

......................................................................................................................... 

saturday na ulit or sunday. magseseryoso muna ako sa trabaho..hahaha 

_casper_

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon