"Strange Feelings"

19 5 0
                                    

Yin's POV

Nakatingin ako ngayon sa kung sino ang nasa harapan...

iisa lang naman ang nagpapa guilty sa'kin 'diba? at walang iba kundi si Yang, my EX-BESTRIEND...

Teka..Ex-bestfriend ko na nga ba sya?

"Uy Yin! nakikinig ka ba?"

Ay,Oo nga pala katabi ko si Meg >_<" nawala na naman ako sa katinuan ko.

"Uhm, sorry Meg. Ang awkward kase eh. Ayoko nang ganitong feeling >_<"

"Aysus,masasanay ka rin. Tsaka hindi naman ikaw ang sadya ni Yang dito,napilitan lang yan na lumipat ng section kase pumanaw na si Ms. Agustin."

"Hmm,kung sabagay. Tama ka naman."

Haist.. nag-aalala ako sa mga mangyayari.Lalo na't magkaklase na kami.

Pagkatapos nyang magpakilala sa kanyang sarili ay naupo na sya sa vacant seat doon sa kabilang row.Buti nalang talaga at wala nang vacant seat dito sa row namin.

Habang nagdidiscuss si prof. at imbis na makinig ako,ay hindi ako makapaniwalang tinititigan ko si Yang ngayon...

Oo! >_< si Yang!


Jusmiyoooo! T_T langyang mata! panay titig kay Yang! huhuhu. T_T ano ba'ng nangyayari sa'kin? lalayo na nga si Yang diba? para makafocus na ako kay Drew -,- eh ba't parang nawala tuloy ang focus ko kay Drew simula nung nag confess si Yang sa'kin? huhu T_T hindi pwede toooo.

Yang's POV

Ano bang ginagawa nya? kahit nakikinig naman ako kay prof., ay nararamdaman kong kanina pa sya nakatitig sa'kin eh. Hayy naku Yin.

"Hi,uhm.... I'm Sandy ^_^"

bati sa'kin ng isang babae na maiksi yung buhok,maganda,tsaka may pagka inosente yung mukha na nakangiti.


Ba't ba nagpapakilala to sa'kin? Hindi naman ako nagtatanong ah.

"Hi. I'm Yang." sagot ko at ngumiti naman sakanya.



Pagkatapos ko syang batiin ay sinabihan ko na sya na makinig kay prof upang makasagot sa mga inibibigay na tanong.


Parati'ng nakatitig sa'kin eh.

Tsk.


Yin's POV

Aish.>_< ano bang nangyayari sa'kin?!

"Huy,Yin!"mahinang tawag ni Meg sa'kin habang kinakalabit ako.

Binigyan ko naman sya ng nagtatakang tingin.

"Ano ka ba! magfocus ka sa discussion ni sir...baka batuhin ka ng chalk.Kainis naman eh,kanina ka pa kase tinitingnan ni sir nakakakahalata na sya.maswerte ka talaga't kaibigan mo ako."pagsesermon nya atsaka ako inirapan.

Haist. >_< Suplada.Tutal tama rin naman sya eh.


"Oo sige na!"mahina ko ring sabi sakanya.

Natapos yung discussion ni Sir pero ni isa wala akong naintindihan.Natawag pa nga ako ni sir sa harap eh, pinasasagutan yung mga tanong.Ayun, -,- wala akong nasagot.

"Yin,umayos kana kase."tumabi si Meg sa'kin dito sa canteen.

Haist. Grabe naman pala ang impact ni Yang sa buhay ko eh.

"Ayos naman ako ah!"pagdedepensa ko sa sinabi nya.


"Ows?talaga?FOCUSED ka nga kanina eh! diba?diba?Haaayyys."
napailing sya atsaka nagcross-arms.

Napangiwi naman ako sa sinabi nya.

"Meg,sa tingin mo makaka
get-over pa ako kay Yang?"napataas naman yung kilay nya.


"Seriously?Oo,bakit naman hindi!.Kung gusto,may paraan at kung ayaw,maraming dahilan." sabi nya tsaka humigop sa juice na binili nya.


"Meg,pa'no kaya kung makipagkaibigan ako ulit kay Yang? Ayos?"

Nabilaukan sya matapos marinig yung sinabi ko.

"Nagpapatawa ka ba Yin?
Move-on nga eh diba? Paano naman sya makakamove-on sa'yo kapag palagi ka nalang didikit sakanya?"

Napaisip ako sa sinabi ni Meg.

"Haist."napabuntong hininga nalang ako.

"Naku Yin,mas mabuti pa mamasyal nalang tayo mamayang gabi.Ano,game?" nakangiti nyang sabi.



"Okay."napangiti narin ako.

****



To be continued...






-Vote and Comment-



Author's Note:

Next time ulit ah? ^_^ salamat sa pagbabasa. At sa patuloy na pagsubaybay sa story na to.God Speed Everyone! Mukhang matatagalan pa yata ulit ako mag-update. Tinatapos ko pa kase muna ang Panaginip (book2) eh. Ciao! ^_~

Yours Truly,
MM_HoneyLemonBh6


Parang Tayo,Pero Hindi [On-Going]Where stories live. Discover now