Part 2

11 0 0
                                    

Tyra's POV

2 more days.

I groaned as I looked at my calendar. Ba't ang tagal ng araw? Pwedeng i-fast forward na lang? Excited na akong matawag na Mrs. Saavedra!

3  days na kaming hindi nagkikita ni Dale. I've tried everything to contact him but he's ignoring me. Siguro busy lang sa kasal? But how come? I've already prepared everything: the venue, the church, the invitation at nakasalalay naman sa kanya ang papeles ng kasal namin, foods at iba pa. Maybe, he's spending his remaining time before our marriage. Unwinding? Hope so

Araw-araw, sa bawat paglipas ng oras at pagdaan ng araw, I can't help but imagine what it would look like to be his wife. Of course, alam ko na ang feeling na makasama siya pero iba pa rin ang maging asawa niya. I mean, we're free to do everything we desired now unlike during those teenage days na kailangan mo pang mapagalitan at mapagsabihan ng milyong beses bago ka palabasin.

"Ma'am? Andyan po si Ma'am Leiza sa baba" rinig kong katok ni Manang Sandra sa pinto.

"Ok. Tell her I'll be there in two minutes" tumayo ako at inayos ang sarili ko bago bumaba. Nadatnan ko si Leiza na prenteng nakaupo sa sofa na walang manners at nakapatong pa ang paa sa coffee table. I rolled my eyes in annoyance. Always the carefree girl she is.

"What brought you here?" Napaayos siya ng upo at napatingin sa akin pero nagtaka ako kung bakit hindi nakangiti ang mga labi niya. Hesitation and Seriousness is written all over her face.

"Hello to you too" she sarcastically said before rolling her eyes.

"So what brings you here?" Bumuntong hininga siya ng umupo ako sa tabi niya. Hinarap niya ako at hinawakan ang tigkabila kong kamay.

"I know you love my brother so much. Please promise me not to hurt him okay? Look, I want you and my brother to be together but..." Kinagat niya ang ibabang labi. Habit of Leiza when nervous. Napakunot naman ang noo ko sa inasta niya. May dapat bang kwestyonin sa relasyon namin?

"W-What? May dapat ba akong malaman?" Nauutal kong pahayag.

"N-Nothing. Nevermind. Basta kung ano mang mangyari, please don't hate my kuya. If he did something unforgivable, please... don't loath him" sincere niyang sabi. May gagawin ba si Dale na hindi ko ikatutuwa? Hindi ba siya sisipot sa kasal? Ipagpapalit ba niya ako? I shook my head to clear those thoughts. Dale would never do that.

"Just trust him"

*******

I sighed as I look myself in front of the mirror. I am indeed beautiful. Daring ang wedding gown ko, it's not my fault anyway since Leiza chose this gown for me. Hindi ko na siya sisisihin, it perfectly suits me and my personality.  I just feel contended. Oh, Dale will never regret marrying me.

I've been waiting for this day to happen for God knows how long and I'm really really happy. Feeling ko, lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok. Baka mautal din ako mamaya dahil sa sobrang kaba. I've never been this nervous in my entire existence!

"Tyra, my daughter. You look beautiful" Napalingon ako sa likod ko to see my father wearing his suit with a big and wide smile on his face. Honestly, Daddy's girl ako and I'm really grateful na umuwi pa si Daddy galing sa buisness trip niya in Canada just to attend my wedding.

"Dad! I missed you!" Napatakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Now tell me honestly dad, sinong mas maganda sa amin ni mommy pag naka-wedding gown?" Napatawa kaming pareho at saktong bumukas ang pinto at pumasok si mommy.

"Tyra, you wouldn't look that gorgeous if I'm not your mother" Pinaikot niya pa ang mata niya at natawa na lang kami ni daddy sa inasta niya. Childish as always.

Living with the pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon