CHAPTER 14-THE DEAL and THE PAST

344 3 4
                                    

CLYDE'S POV

Nandito ako ngayon sa tambayan namin sobrang aga pa kaya dito muna ako nag stay bago pumunta ng school hindi kasi ako makatulog kagabi at hindi na ako mapakali after namin gawin ni Joey ang deal kahapon ewan ko basta excited na ako bukas na yung laban namin. Bakit kaya nag kagusto ako sa katulad niya nasa kanya lahat ng ugali ng girl na ayaw ko pero bakit ganun unang kita ko pa lang sa kanya iba na ang nararamdaman ko 

"jeez! bakit hindi ka na maalis sa isipan ko?" kausap ko sa sarili ko hayst kahapon kahit binabara niya ako sobrang saya ko parin dahil nakalapit ako sa kanya, ngayon nalang ulit ako naging tunay na masaya mula nung nag hiwalay kami ni Michelle.

Gusto niyo ba malaman ang naging deal namin?

weh?

wag nalang nagbago na isip ko..haha

sige na nga baka umiyak pa kayo eh

**FLASHBACK**

"ganito nalang LET'S MAKE A DEAL" ako umalis na kasi siya ayaw niya ako na maging kaibigan niya pero hindi ako titigil

"anong deal naman yun" siya tapos napabalik sa tabi ko

"If I win kasama na kami nila Aljun at Renz sa inyo PALAGI--" ako diko pa tapos sasabihin ko nagsalita na siya

"NO WAY!!ayuko nga!" siya

"hindi pa ako tapos pwede ba pagsalitain mo muna ako singit kasi ng singit eh" ako

"....." hindi siya nagsalita it means ituloy ko sasabihin ko 


"as I was saying magiging part na kami ng barkada niyo PAG NANALO ako pero pag natalo ako kahit ano pwede mo ipagawa sa akin" ako at nag smile siya bigla na para bang may binabalak..patay napasubo ata ako ah..(T_________T)

"talaga lang ha kahit ano??pss!imposible kaya mo kaya ung mga ipapagawa ko" pairap na sabi niya bigla

"ako na mismo nagsabi di ba na KAHIT ANO okay lang" sabi ko manalo matalo pabor pa rin sa akin dahil mapapalapit pa rin ako sa kanya..diba? ako na matalino..hehe

" kahit gawin kitang punching bag ko? kahit kawawain kita? kahit utusan kita araw araw?okay pa rin yun sayo?" sabi niya wew napa isip ako sa mga sinabi nya aa..bahala na nandito na to hindi naman siguro ako matatalo eh. Halos lahat ng sports magaling ako kaya nga naging sikat ako eh bukod sa pagiging pogi syempre

"okay lang KAHIT ANO" pinag diinan ko talaga para naman hindi na siya mag tanong pa kahit ano na nga eh..hay naku bigla siyang lumapit sa akin as in sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa..kaya lumunok ako ng dawalang beses bakit ganito nararamdaman ko nanlalamig na ewan tapos ang puso ko

dug---dug---dug---dug---dug--dug 

bakit ganun lumapit lang siya nagkasakit na ako sa puso agad?baka bigla nalang ako magka heart attack sa harapan niya at mag collapse kahiya ata yun. Tumingin ako sa mga mata niya at nagkatitigan kami ang ganda talaga niya ang mga mata niya bakit ganun walang ka buhay buhay? Blangko lang ang nakikita ko doon walang ka reaksyon reaksyon man lang

The Girl who Captured my Heart (the playboy meets the devilchiqq)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon