Simula

12 1 0
                                        


"Move!"


Halos masubsob ako sa tulak ng lalaking nagdadala sakin papunta sa helicopter. Nililingon ko ang mga kasama ko na halos kasing edad ko lang, walo hanggang sampu ang edad. Kitang kita sa mga mukha nila ang takot at kaba na nadarama.

"San nyo po ba kami dadalhin?!" Tanong nung medyo chubby-ng batang lalaki

"Shut up kid and just move!" Lalo lang kaming pinagtulakan nung armadong lalaki papunta dun sa chopper.

Pagkasakay na pagkasakay namin agad na sumahimpapawid ang sinasakyan namin patungo sa kung saang lugar na pagdadalhan nila sa amin.

Habang nasa ere hindi ko maiwasan na pagmasdan ang mga kasama kong mga bata at kaawaan sila lalo na sa isang batang babae na nanlilimahid na dahil sa kakaiyak.

"What are you staring at?!"

Pagpuna nya sa paninitig ko sa kanya kaya nag iwas na lang ako ng tingin.

"Nothing" Sagot ko.

"Kids, tsk! Bakit ba kasi itong mga gusgusin na ito ang gustong gusto ni Lord 1?" Nakabaling pala yung isang mama sa amin saka bumaling sa kasama nya na nakabusangot ang mukha.

"Stop stressing yourself about what he wants, you're just wasting your time, 34"

Nakapagtataka kung bakit ang tawag nila sa isa't isa ay mga numero. Hindi ko nalang iyon pinagtuonan ng pansin bagkus ay hinintay na lang ang pagbaba ng chopper at tingnan kung anong magiging kapalaran namin sa oras na lumapag ito.

Flashback...

"No!! Stop!! P-please stop hurting them!!"

Pagsusumamo ko sa mga armadong lalaki na hawak hawak ang mga magulang ko, si Dad na halos hindi na makamulat dahil pagang paga na ang kanyang mga mata dahil sa walang tigil na pambubogbog sa kanya.

Binalingan ko si Mom na nakalupagi sa semento at halos mawalan na ng ulirat dahil sa paglalatigong ginagawa sa kanya.

Awang awa ako sa kanila pero wala akong magawa kundi ang panoorin silang nahihirapan.

Sinubukan kong kumawala mula sa pagkakahawak ng lalaki sakin pero hindi ko nagawa, sadyang mahigpit ang pagkakahawak nya at talagang malakas sya.

Wala na akong tanging paraan para matigil ang pagpapahirap sa mga magulang ko kundi ang sumama sa mga mamang ito. Ayokong mawala ang mga mahal ko sa buhay dahil hindi ko ata kayang mabuhay na iniisip na kagagawan ko kung bakit sila nawala.

"Please!! Stop! I'm going! Just please stop hurting them!"

Sa wakas ay nasabi ko na rin ang mga salitang makakapagpatigil sa ginagawa nila.

"No! My son! Not my son! P-please stop these! Please!" Hawak hawak ni Mom ang binti nung mama habang nagmamakaawa na tigilan na iyon.

Para namang walang pusong hinampas ng baril nung mama si Mom para lang bumitiw ito sa pagkakahawak sa kanya. Nagpumiglas ako dahil sa ginawa nya.

"I said I'm coming! Wag nyo na po silang saktan parang awa nyo na po!"

"No Damien! Hi-hindi k-kita hahayaan n-na suma-ma sa ka-kanila!"
Iyak ng iyak si Mom na parang mauubusan na ng hininga.

"Cassandra.. Let them.. hindi kaya ng anak natin na mamatay tayo.. hindi nya pa kaya.." Namumungay ang mga mata ni Daddy habang kinukumbinsi si Mommy sa desisyon ko.

"Don't worry wife... gagawa tayo ng paraan para mabawi ang anak natin..." pagkasabi non tuluyan ng nawalan ng malay si Daddy.

"Don't worry Mom.. I won't let myself die there. I love you, Mo-"

Hindi ko pa natatapos ang pagpapaalam ko kay mommy ay hinila na nila ako palabas ng mansion. Iniwan namin ang mga magulang ko na halos hindi na makilala ang itsura dahil sa sugat na natamo. Nagsisigaw naman ang mommy ko ng inilayo ako sa kanya.

"Let's go! Lord will be mad! We're so damned" anang nauunang lalaki sa paglalakad...

End of flashback..

Nakarating kami sa isang abandonadong maliit na bahay pagkababa ng chopper. Hindi ko maintindihan kung bakit dito kami dinala.

"Move! Move!"

Pinagtulakan kami papasok sa abandonadong bahay

Sa loob ng bahay kitang kita ang mga naglulumaang mga gamit at halos gulong gulo ito. Nagkalat rin ang mga babasaging bote sa sahig. Dito na ata kami papatayin, sakaling gumalaw sila para patayin kami dun ako kikilos para tumakas.

Naghahanda na ako sa pagtakas ng biglang tumakbo yung chubby-ng bata halos magkandatalisod sya sa pagtakbo palabas ng biglang isang nakabibinging putok ang narinig namin, sabog ang ulo nya at nagkalat ang dugo sa lupa.

Nanlalaki ang mata ko at laglag ang pangang tiningnan ang lalaking nakataas parin ang umuusok na baril.

Humagulhol ang mga kasama kong bata dahil sa nangyari takot na baka magaya sa sinapit nang isang kasama namin.

"Anyone who wants to join that stupid boy?"

Itinutok nya ang baril sa amin na naging dahilan ng panginginig namin. May isa pang naihi dahil sa takot. Sabay sabay kaming umiling para hindi magaya sa kanina.

Itinapat nung lalaki yung mata nya sa mata nung ulo nung usa na nakasabit sa pader. Umilaw iyon ng kulay green na para bang iniiscan yung mata nya.

Pagkatapos nun biglang gumalaw ang kinatatayuan namin at bumukas, napaatras kami sa gulat.

"Get in"

Utos nya na agad naman naming sinunod, pagkababa naming lahat agad namang sumarado ang pinto.

Pagkatigil ng elevator pinababa kami para makita kung ano ang nasa loob. Isang napakalaking underground tunnel ang nakita namin. Maraming private plane, chopper, kotse at kung ano ano pa, may mga iba't ibang klase rin ng bomba ang naroon.

"Amazing, right?" Isang matipunong lalaki ang nakaagaw ng atensyon namin mula sa pagkamangha sa nakikita namin.

"You can have your's someday" sabi nya na may kasamang kindat.

"But first you need to train."

The Target (Black Venom Corporation S#1)Stories to obsess over. Discover now