Eyeball...sago lab story

43 0 0
                                    

Sa facebook ko lang sya nakilala at nagkataong umuwi ako para mag-holiday.

Tinawagan ko sya sa cellphone nya at sinabi kong...nandito ako ngayon sa Angeles City.
Puwede ba tayong mag meet? Sige sige sagot nya.

Ok aabangan kita sa harap ng Max resto ha?
Huh? hindi ko alam yun eh, diyan na lang sa ibaba at tatawagan kita pag nandiyan na ako.

Ok sige, ganun na lang.
Hindi naman masyadong malayo ang Nueva Ecija sa Marque Mall ano?

Natural kinakabahan ka na dahil malapit na ang time at kung ano ano na pumapasok sa isip mo.

May kasama kaya sya? naku baka marami akong pakakainin.
Pero dapat magisa lang sya.
Eh babae yun natural baka kasama nya brother niyang killer at nagtatago.

Eto na sya! nakatingin sakin, teka smile ako para alam nya.
"Hi! halos sabay lang tayong dumating, musta ka?"
Mabuti po, ikaw po ba si DL?
Ako nga! Maupo muna tayo, saan mo gusto?
Ay duon may bakante.

Gutom ka na ba o gusto mong mag halo halo muna tayo?
ay sige gusto ko yan! Sandali ha...

Habang nag oorder ka sinusulyapan mo sya.
Smile ka din kasi naka smile eh, parang kinikilig.
Pag balik mo sa upuan syempre duon ka sa harap nya uupo.
Hindi puwede yung tatabi ka agad, feeling gentleman ba.

Nasabi mo, bakit hindi ka nagsama ng friends mo kahit isa?
Sagot nya, puwede rin pero guguluhin lang nila ako eh.

Ayan na yung halo halo at may drinks pa na sago.
Sabi mo, sige kain ka muna.
Habang sinisipsip mo yung sago sa malaking straw, eh bigla kang nabahin.

Yung sago naging bala sa straw na parang sumpit at bulleye sya sa gitna ng kanyang cleaves.
Ayun, buti nagising ka na.
Panaginip lang pala.

(Partly fiction)

Anything About LoveWhere stories live. Discover now