Chapter Fifthteen- Reformed

2K 62 6
                                    


Andi's POV

GOOD NEWS 'YON, kung totoo ngang nagbago na si Nixon. Wala na sila ni Arabella, at ng Trista na 'yon. Magpapamisa na sana ko pero wala pang isang linggo, may ipinakilala na naman siya sa 'kin. Si Stephanie.

Tinawagan ako ni Nixon habang nasa restaurant ako at i-meet ko raw siya sa favorite naming coffee shop. Tinanong ko kung bakit dahil busy ako ng mga oras na 'yon pero wala siyang anupamang nasabi kundi sobrang importante raw. Kaya wala akong nagawa, kahit marami akong inaasikaso. Medyo nag-alala pa nga ako dahil akala ko, kung ano na ang nangyari sa kanya.

**********

Nadatnan ni Andrea si Nixon doon na naghihintay. Kinawayan siya nito at tumayo para salubungin siya. Maganda ang ngiti nito.

"Akala ko, di ka na darating."

"Marami ako'ng ginagawa. So, ano ba'ng importanteng bagay 'to?"

Naupo si Andrea sa couch at ini-order siya ni Nixon ng iced tea.

"Ano, may problema na naman ba?"

"Wala," nakangiti nitong tugon, at naupo sa harap ni Andrea.

"Bakit mo 'ko pinapunta rito?"

Muling tumayo si Nixon na ikinagulat ni Andrea. Mas lumaki ang ngiti nito at sinundan ni Andrea ang tingin nito. Natanaw niya ang isang matangkad na babae na nanggaling mula sa kung saan.

Matangkad ito at maganda. Sinalubong iyon ni Nixon at humalik ito sa labi ng kaibigan niya. Ito pala ang sinasabi nitong 'importante'.

"I'm sorry, I'm late. It's so traffic,"sabi nito.

Nakasuot ito ng sa tingin ni Andrea ay sinusuot lang sa mga pormal na pagtitipon.

Nakamasid lang si Andrea sa eksenang iyon. Hinatak ni Nixon ang upuan para sa magandang babaeng iyon.

"Andi, I'd like you to meet Stephanie."

Nakipagkamay siya at pinilit na itinago ang sobrang pagkabigla. Wala siyang kahit anong sinabi, hindi niya alam ang sasabihin.

"Babe, this is Andi."

Sabay na naupo sina Nixon at Stephanie. At ganoon pa rin ang mukha ni Andrea.

Babe. He called her babe. Hindi ko alam pero parang ang sakit sa tenga n'on. Tiningnan ko lang ang babaeng iyon na maganda ang ngiti. Maganda ito, mestisa, matangos ang ilong, matangkad. They look good together. And I don't feel good about it, honestly.

"I finally meet the famous Andrea in person. Nixon talks about you a lot."

Ano ang ibig nitong sabihin do'n? Tiningnan niya ang kaibigan at nginitian at kinindatan lang siya nito.

********

Nasabi niya kay Trina ang tungkol sa bagong girlfriend ni Nixon, na parang seryoso na sa pagkakataong iyon. Na iba si Stephanie sa lahat ng babaeng ipinakilala ni Nixon sa kanya. Hindi pa niya  nakitang sobrang attentive si Nixon sa isang babae. Ang mga babae ang palaging nag-aasikaso sa kanya. Pero kay Stephanie, kabaligtaran.

"What do you think?"tanong ni Nixon nang sandaling umalis si Samantha para sagutin ang natanggap na tawag.

Uminom lang ng iced tea si Andrea. Wala siyang masasabi dahil wala pang kalahating oras niya itong nakikilala. Bukod sa sinabi nitong upcoming model ito at nag-iisang anak ng isang business tycoon na nakalimutan na niya ang pangalan, wala na siyang alam tungkol dito.

Lovely Chef [KathNiel Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon