Chapter 1 - Daig ng malandi ang mabait, maganda at seksi

38 0 0
                                    

Owtor's Note: Continuation of the one shot story, dedicated to @jecyl16

Kasabay ng paglipas ng panahon ay dumalang na rin ang pag-uwi ni James sa lugar namin. O kung umuuwi man siya saglitan nalang at bumabalik agad sa syudad. Guess what mga freinds, sosyal na kami ngayon dito. Dahil may byahe na ng airplane mula rito sa amin papuntang Manila. Lumevel up na rin talaga ang transportasyon dito sa amin.

Yun na nga, lumipas na ang panahon at dumami na rin tuloy ang mga manliligaw ko. Well, nag-move on na po ako sa kung ano ang meron kami este kung ano ang meron ako para kay James noon. Bata pa kasi ako ng mga panahong iyo. Or maybe, it's just a puppy love.

Magkaibang tao na yata kasi kami ngayon. Ako, isang kapita-pitagang guro dito sa isang pampublikong paaralan. Elementary teacher na ako ngayon. Sumasahod ng nakakasapat para sa aming dalawa ni nanay. Level up na rin si nanay ngayon dahil meron na itong hindi kalakihang sari-sari store sa ibaba ng bahay namin. Oo, up in down na ang bahay namin ni inay. Yun sa baba ginawang grocery store at ang itaas ang naging bahay namin. Marami ng nabago sa buhay ko simula noong pitong taon na ang nakakaraan.

Nabasa nyo naman di ba, seven years na ang lumipas. Masaya na ako mga friends, nag-move on na nga kasi ako. Tinanggap ko na talaga sa sarili ko na kung hindi ukol, ay sadyang hindi bubukol.

And guess what, I found my true love already. Isa siyang magaling na enhinyero at galing sa buena familia ng mga Yanghasben dito sa amin. And six months from now ay ikakasal na ako sa two year boyfriend kung si Phil. And I am so excited for that day to happen! So sa sobrang excitement ko, naiiyak ako.

"Gandang morning, nay!" Bati ko kay nanay na sumisimsim ng kape at nakaharap sa flatscreen tv. Daily routine niya ang manuod ng balita sa umaga habang nagkakape.

"Good morning, nak! Gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas?" Tanong nito sa akin at akmang tatayo na mula sa pagkaka-upo.

"Si nanay naman, ako na po." Sagot ko rito habang kinukuha ng paborito kung tasa sa lagayan.

Nilagyan ko ng mainit na tubig mula sa thermos ang aking tasa at tsaka nagsimulang magtimpla ng gatas.

"Ikaw bahala. Nagluto na ako ng sunny side up diyan, mag-almusal ka na rin." Anito at patuloy sa panunuod.

Mukhang hindi maganda ang gising ni nanay ngayon. Bad mood yata.

"Mother Earth, may problema ba tayo?" Umupo ako sa tabi ni nanay habang tangan sa kamay ko ang tasa ng gatas na choco. Hindi pala, choco na gatas!

"Hindi ko nagustuhan ang nakita ko kahapon." Panimula ni nanay. Nakakunot ang nuo nito kung kaya kitang-kita ko ang mga gatla sa mukha nito.

"Ano po bang nakita nyo kahapon?" Kyuryoso kong tanong rito.

Humarap si nanay sa akin at seryosong nagsalita.

"Ikaw ba talaga ay sigurado na sa pagpapakasal mo dyan kay Phil Yanghasben?" Tila ba nakainom si nanay ng isang galong Datu Puti suka habang binabanggit ang pangalan ni Phil.

"Opo, nay." Sigurado na talaga akong maging isang Mrs. Julliana Andrea H. Yanghasben. No scratch on that!

"Mahal mo ba siya?" Grabedad naman si mother parang husgado kung makapag-tanong sa akin.

Kahit napapantastikuhan ako sa tanong nito ay sumagot pa rin ako. "Opo nay, mahal ko si Phil."

"So dahil mahal mo siya hahayaan mo na lamang siya na lokohin ka niya?" May bahid ng pait ang mga salitang binitiwan ni nanay.

"Ano pong ibig sabihin niyo nay?"

Bumuntong-hininga si nanay.

"Nakita ko siya kahapon na may kahalikan sa bayan. And guess who anak?"

"Sino po? Nay, naman huwag ng pa-suspense please."

"Si Myda. Yung co-teacher niyong malandi." Walang pakundangang sabi ni nanay sa akin.

Alam kong malandi Myda Milagrosa, uy hindi yun imbento. Milagrosa talaga ang surname niya. Sikat siya dito sa lugar namin kasi andami niya papabols. With s yun mga friendship kasi nga madami talaga. Teacher siya sa P.E. kaya laging seksi ang suot. Balita nga dati ay naging dyowa nito si Principal Leo De Carpo, yung principal namin dito na panot at mataba. Kapag nga dumadaan yun sa harapan ko hindi ko maiwasang mag-hum ng Humpy Dumpy.

"Nay, baka naman po hindi si Phil yun?" Pagtatanggol ko sa aking fiancé.

"Sigurado ako anak." With conviction na sagot ni nanay.

"Panu niyo po nasiguradong si Phil nga talaga yun, nay?"

"Nilapitan ko sila at sinampal ko yung malanding si Myda. Tapos yung boypren mo sinuntok ko sa panga ng tatlong beses. Ayun at nagtatakbo pauwi sa kanila." Ang intense ng kwento ni nanay with matching actions pa kasi kaya nadadala ako.

"Sinasabi ko sayo Andeng, never kong magugustuhan yang Phil na yan. Asawahin mo na si Mang Canor, huwag lang ang lalaking yun." Nanggagalaiting sabi sa akin ni nanay.

"Nay, alam kong byudo si Mang Canor pero sana naisip nyo na wala pang anim na buwan na patay si Aling Tilda bago ka nag-suggest." Yamot na sagot ko rito. Si Aling Tilda ang namayapang asawa ni Mang Canor.

"Ah basta! Ayoko kay Phil, tapos! Kung aasawahin mo ang lalaking iyon, mabuti pang umalis ka nalang rito." Padabog itong tumayo at bumaba sa hagdan.

Ako naman ay pumasok na muli sa aking kwarto. Nanghihinang napa-upo ako sa kama. Nag-unahang pumatak ang mga luha ko. Masakit pala ang maloko. Pinulot ko ang cellphone na binalibag ko kanina sa sahig.

MyLoves: Bi, usap tayo pls.

Simula kahapon yun lang teks niya sa akin?

Dinial ko ang numero nito. Sa ika-limang dial bago ako nito sinagot.

"Hello, bi."

"Pumunta ka sa bahay ngayon din."

"Bi, let's meet somewhere else."

"Pag hindi ka pumunta dito, walang kasalan na magaganap." Matigas kong sabi rito. And I mean it talaga. Kung mapapatunayan ko talagang niloloko lamang niya ako ay wala na akong balak pa na ituloy ang kasalan.

"Pero bi nandyan yung nanay mo." So natatakot siya sa nanay ko? Kaya ko nga siya pinapapunta para makita ni nanay na sincere siya sa akin.

"Bakit ka natatakot sa nanay ko? Dati naman hindi di ba?" Tanong ko kay Phil.

"Bi, kaya nga gusto kitang makausap in person para makapag-explain ng side ko. Mali ang nakita ni nanay." So sinungaling pala ang nanay ko? How dare him! Kung nandito lamang ito sa harapan ko malamang nasampal ko na ito.

"Hindi pa tayo kasal kaya wag mong tawaging nanay ang nanay ko."

"Okay bi, kung yan ang gusto mo. Mali ang nakita ni Tita kahapon." Ulit niya sa sinabi kanina.

Ambait ng ulupong pahibhasa may kasalanan. Kung naiba lang ang scenario pagtatawanan lamang ako nito.

"Bakit kayo magkasama kahapon ni Myda Milagrosa?" May himig pag-aakusa na tanong ko rito. Magkamali lang talaga siya ng sagot at malilintikan siya sa akin.

"Aksidente lang ang pagkikita namin sa bayan, bi. Mali ang nakita ng nanay mo na naghahalikan kaming dalawa." At ang ulupong, nadulas na nga ayaw pang umamin sa kalokohan.

"Paanong aksidente? Nagkita kayo sa daan tapos nagkabungguan at saktong lumapat ang mga labi niyo sa isat-isa?" Naiiyak kong tanong rito.

"Parang ganun na nga, bi." At napaka-siraulo talaga!

Bwisit siya! Aksidente pala ha!

One SHAMEFUL Summer (Completed)Where stories live. Discover now