"Okay!" pagpayag ko. Lumawak lalo ang ngiti niya sa sagot ko.

"Great! See you later!" tumayo siya sa kinauupuan niya at nagsimula nang maglakad papalayo.

Inubos ko na ang isang slice ng pizza ko nang bumalik siya. "Oh! Forgot to tell you! North will also be there."

Nabilaukan ako bigla sa sinabi niya. Hindi niya na nakita 'yon dahil nakatalikod na siya sa akin. Napainom ako bigla sa lemonade ko at sunod-sunod na napaubo pagkatapos.

Malas naman!

Wala ako sa mood habang nasa klase ako. 'Yung utak ko lumilipad sa mangyayari kaagad sa party mamaya. Hindi 'yon nawala sa utak ko kahit na nakasakay na kami ni Jamila pauwi.

Gusto ko nga siyang pigilan at yayain na huwag na kami sumama kaso kailangan 'tong scene na 'to. This scene would help their love for each other build up. Importante na hindi 'to ma-skip.

Bumuntonghininga ako. Bahala na! Edi iiwas na lang ako sa vision ni North. May mga iba rin namang mga tao doon. Makikihalubilo na lang din ako sa kanila.

Carmela already informed Don Tiago about the said party. Kaya hindi ko na rin kailangan magpaalam. Ako na mismo ang pumili ng damit na dadalhin ko. Hindi ako komportable na magsuot ng two-piece, kaya one-piece na lang ang pinili ko. Si Jamila rin naman kasi talaga dapat ang magsuot no'n.

Hinatid kami agad ni Kuya Niño sa manor nila Austin. Naglalakad pa lang kami papalapit sa pool area ay nakakarinig na kami ng mga nagtatawanan. Napatingin ang mga tao sa amin pagdating naming pero hinahanap ng mga mata ko si Austin para bumati.

"Brielle. I'm glad you came," bumungad sa harap namin si Austin na walang pantaas.

Agad na namula ang mukha ko dahil unang beses akong nakakita ng katawan ng lalaki.

Grabe ha. May abs.

Umiwas ako ng tingin dahil baka sabihin manyak ako at titig na titig ako sa kanya. Kaya lang lumapag naman ang mga mata ko kay North na parang haring nakaupo sa isang sunbed habang mariin ang titig sa akin.

Tumikhim ako. "Bihis lang kami ni—"

Sasabihin ko sana na magpapalit lang kami ni Jamila pero nakita ko na siya na kasama ang mga ibang babae na nasa party rin. Umirap pa sa akin ang isa na ipinagsawalang bahala ko na lang.

"Bihis muna ako," wika ko at naghanap ng banyo.

Suot ko naman na ang one-piece ko kaya hinubad ko na lang ang dress na suot ko. Itinabi ng isang katulong nila ang mga gamit ko sa kwartong ginamit ko dati.

Paglabas ko ay namangha ako kay Jamila. Naka-suot na siya ng two-piece. Black 'yon at string type ang top. Napilit na pala nila siya.

Simple lang ang suot kong one-piece. Red na backless 'yon at may naka-cross na tali sa may bandang tiyan kaya medyo exposed ang balat ko doon.

Tinitigan ko ng maigi si North at hinintay ang gagawin niya. Ilang minuto akong nanatili sa ganoong posisyon pero kumunot lang ang noo ko dahil parang wala lang sa kanya na naka-two-piece si Jamila.

Tayo, North! Ibigay mo 'yang t-shirt mo! Sigaw ko sa utak ko.

Pero napasinghap lang ako at lumikot ang mga mata ko dahil nakita niya akong nakatingin sa kanya.

Bakit ba hindi nakiki-cooperate 'tong si North?

"Jamila," tawag ko sa kanya pero hindi niya yata ako narinig dahil busy siya makipag-usap sa mga kasama niya kanina.

I shrugged and just went to the food table. Kumuha ako ng garlic chicken at naglagay sa isang plate. Nilagyan ko rin 'yon ng french fries.

Inaabot ko ang baso na may orange juice kaso ang layo no'n. Hindi naman ako makaikot kasi nakaharang ang isa sa mga bisita ni Austin.

Reforming the Villainess (Reincarnation #1)Where stories live. Discover now