NGYAW

49 2 0
                                        

Hindi ito kwento, bale isa itong chismis. Chos! Di ako chikadora no? Like duuuu. Pero nabalitaan ko yung kapitbahay namin kakadating lang galing sa Hongkong kala mo kung sinong ma-*toooot tooot tooot* Di talaga ako chismosa pramis.

So eto na nga. Ano bang ginagawa ko ngayon at di pa ako natutulog eh mag aala una na ng umaga. Bale ang totoo nyan eh gusto ko maglabas ng hinaing. Ng hinanakit, ng problema. Uhm actually di sya problema eh, more on sa nararamdaman ko ngayon. (Why so emo?)

Simulan natin sa edukasyon ko. Eto talaga yung ugat eh. Yung pinaka Genesis kumbaga.

Alam kong hindi lang ako ang nakakaranas nito kase syempre, hindi lang naman ako ang koleheyala sa mundo. Diba diba? Pfffft.

Ang napili kong kurso ay napaka hirap. Alam ko naman na sa una pa lang mahirap ang landas na aking tatahakin(bes sobrang hirap ng tinatahak ko ngayon pramis) Pero ginusto ko naman din eh. Gusto din ng magulang ko. So in short, gusto naming lahat. Hahaha nyemas di pa me inaantok.

Sa una exciting, ang saya saya, ang kyot kyot, ang ganda ganda, pero sa paglipas ng mga taon nag fefade yung feelings eh. (Ano daw?) Hahaha. I mean nagfefade yung kagustuhan ko sa kurso ko. Deretsuhin ko na. NAGSASAWA AKO. Pero! Pero at the same time na TH-THRILL AKO. NAGSASAWA ako na palagi na lang may aralin, may quizzes, may kinginang di mawalang reporting, mga walang pusong propesor na pagawa ng pagawa ng kung ano ano na syempre parte ng curriculum. NAKAKATHRILL kase despite sa pagkasawa ko nagugustuhan ko yung feeling na naoovercome ko yung katamaran at nakakapag kamit ng achievements like high scores sa mga examinations quizzes etch. At yung dalawang aspetong yun ang nagpapa ikot sa edukasyon ko. Ibig sabihin may Positive at Negative sides ang sistema ng pag aaral ko na maaring maka apekto sa future ko. Bakit nga ba ako nathithrill? Isa lang ang sagot jan. Kase nahihirapan ako. Nahihirapan ako to the point na kelangan ko gumawa ng effort.  At yung effort? Napaka WORTH IT. Worth it kase nawawala yung pagka sawa ko sa pag aaral. Pag kase easy peasy ang buhay KO ewan ko sainyo magkaiba naman kase tayo ng pananaw eh. Diba diba. Pag kase easy peasy (Grabe inulit ko talaga eh no?) naiisip ko mas lalong boring. Wala yung kaba na shiiit ang hirap gawin pano to tapos madidiscover ko ah ganun pala, wala kang isipin na to the point eh freeng free ka lustay money there and here, wala yung mga last minute works na kelangan tapusin bago mag umaga para makapag submit on time dahil tinamad noong sabado at linggo. Pero once na na accomplish mo yung mga bagay na hate mo, ang heaven sa feeling (although nakakainis kase nakakapressure na eh)

What Im trying to say is, NGYAW.
NGYAW kase ngumingiyaw yung alaga kong pusa si Muning na buntis at feeling ko manganganak na ngayon eh ala una na ng umaga madilim pa it means nasa kama pa ako at matutulog na after neto tapos bukas magsasaulo ng irereport ko tungkol sa Nervous tissue at ngayon eh naprepressure na ako dahil ang hilig magpa upo ng propesor namin dun pag di ka nakasagot sa tanong nya. So another moment na naman ituu. Mabalik tayo kay Muning, may tatlo syang anak si Muning 1, Muning 2, at si Kuting with diperent bioligical fathers. Kaloka hayaena kyut naman silang lahat eh. Sana wag silang ipatapon ni inay.

So what I really want to say is...
Gusto ko lang talaga magkwento tungkol sa edukasyon at kay muning. Yun lang fo. Kbye.

P.S: sana di ako mapaupo ng di tapos ang report ko.

P.p.s: No hates no loves, me no give a damn

ANG MAHIWAGANG UTAK NA WALANG NEURONStories to obsess over. Discover now