Chapter 2 [Jealous]

Start from the beginning
                                    

“Manong wag nyo na po sunduin mamaya si Diego na lang po ang maghahatid sakin”

“Okey po mam” tapos ngumiti na lang kaya Manong.

Na eexcite na talaga ako. Ano kaya magiging reaksyon ni Daniel pag nagkita sila ni Kath? Napapangiti na lang aka iniisip ko.

Ilang minuto lang ng makarating kami sa bahay nila Diego. At nagulat ako ng mapansin nasa tapat lang ng bahay nila ang bagong bahay nila kath. Teka bakit hindi ko napansin yun nung magkausap kami ni Kath?

Bumaba na ako ng sasakyan at nag doorbell na sa gate nila Diego. At saktong si Daniel ang nagbukas nun.

“Wow ang gwapo” pagbibiro ko.

“Alam ko. Don’t state the obvious”

“Ang kapal talaga ng mukha mo” tapos tinawanan niya lang ako. Siraulo talaga ‘to si Daniel.

“Babe! Nandyan ka na pala” Lumabas na din si Diego at bumeso sakin.

“Saan ba yung party? Don’t tell me eto nasa tapat namin  ah Haha!”

“Oo nga” at unti unti na wala ang ngiti niya. At natawa si Diego. Bago pa siya sumagot ay naglakad na kami papunta sa bahay nila Kath.

Daniel’s Pov

Literal ako napanganga sa sinabi ni Julia. Seriously dyan talaga sa tapat namin ang party? Edi sana nagpambahay na lang ako. Sayang pa ‘to polo ko! Tss.

“Julia sana man lang sinabi mo para-“ Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko si Kath na papalapit sakin.

0_____0

Don’t tell me party nya ‘to? Tiningnan ko si Julia at nginitian niya lang ako. So totoo nga party ‘to ni kath! Sabi ko na eh. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa pagyaya ni Julia.

Amnesia Love (Revising)Where stories live. Discover now