Date: started (August 24, 2016)
----
Have you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it means that someone can get inside you and mess you up.
Nature na ng pag-ibig ang masaktan. Kaya asahan mo na kapag nagmahal ka. Laging may kapalit at yun ang salitang sakit.
Buong akala ko iba siya. Oo iba naman talaga siya. Pero bakit niya pa kailangan itago? Bakit niya pa hindi sinabi sakin?
Nagmukha lang akong tanga sa harap niya.
Ilang ulit ko ng inikot ang buong campus pero kahit saan ako magpunta ay hindi ko siya makita.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit, inis at sakit. Mangiyak-ngiyak na ako dahil sa ginawa niya.
"Kisha?" Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa tumawag sa akin.
Isa sa mga kaibigan ng putchang lalaking yun. Matalim na tingin ang binigay ko sakaniya. "Nasaan siya!!?" galit na galit na ako. Nararamdaman ko na ang pagkiskis ng ngipin ko sa itaas at ngipin ko sa ibaba.
"S-sino ba h-hinahanap mo?" nauutal niyang sambit.
"Maglolokohan pa ba tayo!? Alam mo naman kung sino tinutukoy ko!" Nakita ko ang paglunok niya ng laway niya. Napakuyom na ako ng palad ko.
Konting-konti na lang sasabog na talaga ako!
"N-nasa Room 303."
Matapos ko marinig ang sagot niya. Naglakad na ako papunta sa classroom na sinabi niya.
Walang ano-ano ko itong binuksan at pumasok sa loob.
Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat habang nakaupo siya sa silya.
"K-kish?" Naglakad ako papunta sa kaniya.
"Bakit hindi mo sinabi!?" Nanginginig na ako sa galit. Konti na lang sasabog na ako.
Tumayo siya at hinarap ako. Hahawakan na sana niya ako ng tapikin ko yung kamay niya na palapit sa akin. "Huwag na huwag mo ako mahawak-hawakan!" Tumulo ulit yung luha kong nagbabadya na kanina pa.
"Please Kish, let me---" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at wala ano-ano ay sinampal ko siya ng buong lakas ko.
"Let me mo mukha mo!" Nakita ko ang pagbabakat ng palad ko sa mukha niya.
"Bakit ba hindi mo muna ako pakinggan!" Kita ko sa mukha niya ang nagbabadyang mga luha.
"A-ayoko ng m-makinig pa sa kasinungalingan mo!" sambit ko habang hagulgol at galit ang nararamdaman ko.
"Please Kish, pakinggan mo muna ako." sabi niya at lumuhod sa harap ko.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin sa binti. "Ayoko na nga!!!" Ani ko habang pinupunasan ang luha ko na patuloy lang sa pagtulo sa pisngi ko.
Hindi ko na kaya pa. Ayoko na maniwala pa. Ayoko na!
Nakita ko na lang yung sarili ko na tumatakbo. Hindi ko na alam kung saan pa ako dadalhin ng mga paa ko.
Hanggang sa isang bagay na narinig ko ang dahilan ng pagkahinto ko.
*Beep!.Beep!!.Beep!!!.*
YOU ARE READING
Over and Done
Teen FictionHave you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it means that someone can get inside you and mess you up. Nature na ng pag-ibig ang masaktan. Kaya asahan mo na kapag nagma...
