3 months

373 6 1
                                    


Alex' POV

3months. 3 months na akong nasa school na ito at mukhang ok naman. Ang dami nga lang requirements. Biruin mo, in a matter or weeks, gaganapin na ang 1st quarter exams namin. Haaaaay grabe naman oh. Pero nako, oks lang yan basta nakikita si idol diba? Haha inspiration ko kasi eh :)

Wednesday ngayon at pagdating ko sa classroom, kita kong busy ang lahat. Nilapitan ko si Gigi ( si georgina yun pero ang haba kasi kaya gigi na lang ) at tinanong kung anong kaganapan ang nangyayari

"Absent ka nga pala kahapon. Sabi ni miss, isisiksik daw ang 1st pageant of the school year this month kaya naman abala lahat sa preparations"
"Ahh ganun ba? Nako sge tulong ako. Teka sino nga pala magrerepresent ng class natin?"
" magvovote palang mamaya"
"Talaga? Haaay sge sge tulong na ako"

Pumasok na si Ms. Santos sa classroom at dali daling nag ayos ang class para sa homeroom.

"Ok class, sisimulan na natin ang pagpili ng candidate na magrerepresent ng class. May gusto bang magnominate?"

Nakita kong nagtaas si James ng kamay

"Maam i nominate Alex Park to be our candidate for this year's 1st pageant"

Ayyy kaya naman pala magnonomin------ TEKA

ANO!?!?

AKO!?!?

BAKIT AKO?!?!

"Ok Mr. Gonzales thank you for that nomination"

Nag taas din ako ng kamay

"Yes miss Park?"
"I nominate Georgina Lopez to be our candidate for this year's pageant"

Georgina's POV

HUH?!!? BAT AKO?!?! OH NO HUHU HINDI KO KAYAAA
AN LAKI NG STAGE FRIGHT KO. HINDI AKO PWEDE MANALO SA VOTES HUHUHUHU 

after kong manominate, may dalawa pang dumagdag. sila Jane and Allyson. Hay nako sana si Alex ang manalo :(. Hindi ko talaga kaya sa harap ng maraming tao. Masyado akong mahiyain. Kaya nga sa classroom tahimik lang ako eh. May mga kaibigan ako pero hindi ako ganun kadalas makipag-usap o makipag-halubilo. Naalala ko nga dati eh, nung kinder palang ako. Graduation nun at inatasan ako na kumanta para sa closing remarks. Pagkaakyat na pagkaakyat ko, hindi ko kinaya ang laki ng audience. Napatulala ako habang tumutugtog na ang kanta. Bigla  na lamang ako bumagsak at dumilim ang paligid ko. paggising ko, nakita kong nasa kwarto na ako ng bahay namin. Hinimatay daw ako kanina. Sabi ko dahil yun sa takot at kaba. Simula noon, hindi na ako nagvolunteer para sa kahit anong performance. Liban na lang kung group. Pero ung ako mag-isa? Hindi ko talaga kaya. 

Ayoko rin naman manalo sila Jane at Allyson. Jusko patawarin niyo na po ako pero totoo naman eh. Masama silang dalawa. Walang silang ibang ginawa kundi mambully ng mga classmates namin. Hindi rin naman sila pinagagalitan ng teachers namin. Ewan ko ba kung bakit lagi na lang silang pinalalampas. Siguro nababayaran :(. Pero haaay. Pagdadasal ko na lang sila. Sana magbago na sila. Wag nila sana hayaan na masira ung buhay nila dahil sa mga bitterness na nararanasan nila. Pero haaay sino ba ako para magdikta ng gagawin nila? Nanay ba? Tatay? Kuya? Ate? Kaibigan? Wala ako sa mga yun. I'm a complete stranger to them. 

Sinabihan kami ni miss na itutuloy na lang daw bukas ung voting since next period na nun. 

Pagka-uwi ko sa bahay, sinalubong ako agad ni mommy. Pinaakyat niya ako sa kwarto kaagad dahil may pag-uusapan daw kami. 

"Anak may kailangan kang malaman"

"Ano po yun ma? may nangyari po ba sa inyo? ginugulo nanaman pa ba kayo nila lola?"

"Hindi ako anak. Ok ako. Ang daddy mo ang may problema. Naaksidente siya at critical ngayon. Nasa ER siya ngayon. Gusto mo bang bumisita?"

"Nandun po ba sila lola?"

"Oo. Pati sila Emily, Blake at si Vivian"

"Bukas na lang ako ma bibisita. Deretso po ako pagkagaling sa school. Pahatid na lang po ako kay Mang Bert. Sang ospital po ba ito?"

"Sa St. Lukes Global nak. Sa pagkaka-alam ko, umaga sila bumibisita kaya ok lang kung sa hapon ka dumaan. Paki daan na rin itong mga prutas bukas. Room 143 siya ah?"

"ok ma sge po salamat po."

"sge anak mag-iingat ka ha? uwi kaagad pagkatapos mo sa papa mo"

"opo"

"sge na magpahinga ka na muna. pasensya ka na ha at ito ang ibinungad ko sayo pagdating mo."

"ok lang yan ma. mas mabuti na po na alam ko kaagad. salamat po sa pagsabi sakin"

"ok lang yun nak. oh siya sge maiwan na muna kita ha? magluluto pa ako ng hapunan sa baba. baba ka mamaya para kumain ok?"

"ok po ma bababa po mamaya"

Pagkaalis ni mama, napaluha na lang ako. Kahit anak ako sa labas, close ako sa dad ko. Lagi kaming magkausap sa phone pag gabi. Sinisigurado niya na kahit 10 or 5 mins nag-uusap kami everyday. He makes sure na ok ako with my studies and my mom. He also asks kung ok lang ba si mom, may kailangan ba kami, kumain na ba kami, mga ganun na tanong. Sobrang grateful ko nga kasi kahit magkalayo kami ni dad, he reaches out to us. In everyway he can. Kaya nung nalaman ko na naaksidente siya, sobrang nalungkot ako. Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng pwedeng maaksidente, tatay ko pa ang napili. Mabait naman siya ah. Mapagkalinga. Mapagmahal. Isang huwaran na tatay. Alam ko na sa likod ng mga pangyayari ay may kadahilanan. Sana lang ay makatwiran ang dahilan na iyon. Sapat para mag-agaw buhay ang tatay ko. 

Pagkarating ko sa school kinabukasan, umakyat ako kaagad sa room ko. Pagpasok ko, nakita ko na nagmamadali na ung classmates ko mag-ayos. Nilapitan ko ung isa naming classmate

"uy ano nangyayari? bat nagmamadali kayong lahat?"

"magvovote na daw kasi eh kaya pinapabilis ni miss ung pag-aayos"

"ahh ganun ba sge sge salamat"

maya maya pumasok na si miss kasabay ni Alex. Hindi ko talaga maiwasan na titigan siya kasi may kung anong something na bumabalot sa kanya na napapatingin ako. hindi ko alam kung ano or bakit basta may something. Pinaupo na niya kaming lahat dahil sisimulan na daw ang pagboto sa mga kandidata.

Pagkaraan ng 15 na minuto, meron ng tally of votes. At ang nanalo ay si...

.

.

.

.

ALEX!!!!!!

Oh diba? sabi sa inyo eh pinakikinggan ako ni Lord hahaha. Laking pasasalamat ko at hindi ung dalawang bruha ang nanalo. Pag-kaalis ni miss, nilapitan ko si Alex para icongratulate siya. Papunta palang ako ng makita ko na ginugulo na siya nila Jane at Allyson. 

Allyson: ano bang meron sayo?

Jane: oo nga bakit ka nanalo? hindi ka naman maganda ah. 

unti unting lumapit si Allyson kay Alex habang nakatingin ng matalim sa kanya sabay sabi "hindi ko alam kung anong ginawa mong gayuma para manalo ka sa botohan pero sisiguraduhin ko na mapapahiya ka ng sobra sa harap ng maraming tao"

Nilapitan siya ni Alex in an intimidating manner at sinabi "hinay hinay ka sa mga plano mo. baka mamaya, sarili mo ang mapahiya mo." Sabay smirk at alis sa harap nilang dalawa. SOBRANG COOL NG GINAWA OMG kaya naman nilapitan ko na siya. Pagkatawag ko sa kanya, naghairflip siya at biglang bumagal ang mundo. HUMAYGASH ANU ITU?


MinsanWhere stories live. Discover now