Sa gitna ng kadiliman ng mundo, nanahan ang pagkataong hindi ko maaninag kung kanino. Nais ko itong masulyapan. Nais kong makita ang taong sa pakiwari ko'y nakatitig sa akin ng napakatagal. Pinagmamasdan akong mabuti. Alam ko. Nararamdaman ko.
Pilit kong iminumulat ang aking mga mata, ngunit tila hindi ito sumusunod sa aking ipinag-uutos. Nais kong igalaw ang aking katawan, ngunit hindi ito sumusunod. Sa pagpupumilit, isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, dahilan upang marinig ko ang mga bulang hindi ko alam kung saan nanggaling.
Pinakinggan ko ito ng maigi, at sa pagpapatuloy ng aking paghinga, sa wakas ay naigalaw ko ang aking noo at kilay. Bahagyang naramdaman ko ang pagkunot noon at gayon na rin ang unti-unting paggising ng aking ulirat. Muli kong pinakinggan ang mga bulang nagsisitunugan sa aking paligid. Malinaw. Malinaw itong naririnig ng aking mga tainga.
Teka. Nasaan ako? At waring nakalutang ang aking katawan sa tubig. Ngunit bakit hindi ko nararamdaman na nababasa ang aking katawan. Bakit? Nabatid ko ang pagsinghap ng taong nakatitig sa akin at tila may sinasabi ito, ngunit hindi ko marinig ng maayos ang mga salitang kaniyang binibitawan.
Pinilit kong makagalaw. Pilit kong iminumulat ang aking mga mata. Ngunit, wala talaga akong lakas upang maisakatuparan ang nais ko at tanging paghinga lamang ang kaya kong gawin.
Sa aking pagpupumilit, tila may narinig akong tunog, kasunod ang unti-unting pagbaba ng tubig sa aking kinalalagyan. Batid ko at naririnig ko ang pagbaba ng lebel ng tubig at gayon na rin ang unti-unting pagdampi ng hangin sa aking katawan, gayon na nga marahil. Hanggang sa narinig ko ang marahang pagbukas ng aking kinapapalooban at kasabay nito ang pagbagsak ng aking katawan. Bahagya kong naramdaman na may mga natatanggal na kung anong nakakabit sa aking katawan. Ngunit bakit ganito? Bakit bahagya ko na lamang nararamdaman ang mga bagay-bagay at waring napakabagal ng pakiramdam na ito? Bakit?
Gusto kong tumayo, subalit kahit na anong pagpupumilit ko ay hindi ko magawa.
"What are you doing?" Boses ng isang lalaki ang aking narinig. Marahil ang taong nagbukas ng aking sisidlan ang tinutukoy nito.
"What do you think?" mapang-uyam na tinig ng isang babae. Babae ang narinig kong nagsalita sa aking tabi. Sino ka? Gusto kong iusal ngunit hindi ko maibulalas. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng nasa tabi ko. Subalit, kahit na anong gawin ko, walang mga salitang lumalabas sa aking bibig. Kahit na bumuka man lang ang aking mga labi ay hindi ko magawa.
"Alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari sa ginagawa mong 'yan, Number 5!" Pagpapaalala ng lalaki.
"I know!" Wika ng babaeng nasa tabi ko. Hinilig ng babae ang aking katawan at sinandal ito sa salamin. Hindi man ako tiyak, subalit mula sa akong hinuha'y waring paikot na salamin ang aking kinaroroonan. "At hindi mo ako mapipigilan, Number 4."
"Sa tingin mo kaya?" Narinig ko ang mahinang pagtawa ng tinatawag na Number 4 at kasabay niyon ang marahan nitong paglapit. Dinig ko. Naririnig ko ang bahagyang pagtapak nito sa sahig at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit waring nakikita ko ang kanilang galaw sa aking isipan.
"Don't move!" Pagbabanta ng babae.
"Then what?" mapang-uyam pa rin ang boses ng lalaki. Tila sinusubok ng tinatawag na Number 4 ang babaeng kausap na gawin kung ano man ang gusto nitong gawin.
Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit wala akong maalala sa lahat-lahat? Bakit, kahit anong pilit kong alalahanin, tila nagiging blangko lamang ang aking utak, maliban sa nangyayari ngayon. Maliban sa pagbabagong naganap sa aking katawan.
"You don't know what I'm capable of!" Ngayon ay seryoso na ang tinig ng babae. Marahil ay batid ng babaeng ito ang kakayahan ng lalaking kaharap kaya naman biglang nagbago ang boses nito. Gayon din ang kaniyang aura, kahit hindi ko maimulat ang aking mga mata nakikita ko sa aking isipan ang kanilang mga aura. Ito na nga marahil ang akmang sabihin sa nakikita ko sa aking isipan.
Mula sa aking isipan, nababanaag ko ang paglabas ng isang mahabang sandata sa braso ng lalaking kaharap ng babae. At unti-unti itong tinatahak ang kinaroroonan namin. "I kno..." Subalit, bago pa man natapos ng lalaki ang kaniyang sasabihin, bigla na lamang nasilaw ang aking isipan sa kadilimang bumalot sa buong kapaligiran. Hindi ko na alam kung anong nangyari. Hanggang sa ang nakakasilaw na kadiliman ay biglang nagbalik sa dati. Tanging ang aura na lamang ng babae ang nababanaag kong nakatayo. At ang lalaking kanina lamang ay tahak ang aming kinaroroonan ay unti-unting naglalaho ang kaniyang aura.
What happened? What happened to him? Ano ba talaga kasi ang nangyayari? Gustong kumawala ng mga salitang ito sa aking mga labi, ngunit wala akong magawa. Darn it! Bakit walang kakayahan ang aking katawan na sumunod sa pinag-uutos ko? Bakit? Nagugulohan na ako sa nangyayari. Para akong tanga na hindi nakikita ang nangyayari sa kapaligiran, yet I am aware. I feel like I am an imbecile.
Hanggang sa napagtanto ko na lamang na unti-unti akong umaangat. Sino kaya ang may gawa nito? Marahan lamang na umuusad ang aking katawan sa hangin. Na para bang isa akong ulap na nililipad sa kalangitan. Siya kaya ang may gawa nito? Ang babaeng nasa tabi ko kanina?
"Don't move!" May narinig na naman akong boses ng isang lalaki. Napatigil kami saglit.
"Then!?" Malamig na usal ng babae. Sandaling naghintay ang babae sa kung ano ang ituturan ng bagong lalaki at nang walang salitang narinig ang babae'y muli narinig ang ang pagtapak ng kaniyang mga paa.
Sinilip ko mula sa aking isipan ang aura ng lalaki subalit hindi ko makita ang aura nito at sa di-kalayoan, narinig ko ang pagkalabit ng gatilyo. Isang baril ang pumutok. Marahil ay galing ito sa lalaki na aking narinig kanina lamang. Subalit, nasaan kaya siya? Pilit ko man aninagin ay hindi ko pa rin mahagilap kung saan naroroon ng lalaking may hawak ba baril. At yaong batid kong ang liwanag na bumabalot sa babaeng ito ay ang aura nito. Subalit, bakit hindi ko maaninag ang aura ng lalaki? Bakit?
Hindi ko man maramdaman ng buo, ngunit pinilit ko pa rin na pakiramdaman ang buong paligid. Pinakiramdaman ko ang ingay na likha ng babaeng tumulong sa akin. At kung bakit ako nito tinutulongan ay hindi ko rin alam. Hanggang sa narinig ko ang kaniyang pagpalahaw. Isang sigaw ng pagkabigla, galit, at pag-aalala.
Hanggang sa pakiwari ko'y bumabagsak ako sa kalupaan, at kasunod niyon ang pagbaon sa aking katawan ng tila isang malamig na bakal. Naramdaman ko ang pagbaon nito, subalit marahan itong napapawi hanggang sa naglaho ang lahat ng aking pakiramdam. Unti-unting naglalaho ang kaninang ingay na aking naririnig. Ang pagsigaw ng babae sa isang pangalan. Hindi ko marinig kung ano ang kaniyang iniuusal, subalit, pakiwari ko ay ako ang kaniyang tinatawag. Bakit hindi ko man lang marinig ng maayos? Bakit, kahit na wala akong nakikita, ang kadilimang bumabalot sa aking paningin ay unti-unting nilalamon ng makapal na kadiliman na tila kahit hangin ay waring kaniyang ring sinasakop.
Bakit?
YOU ARE READING
Barong Itaoy (New World)
Science FictionThis is New World. Ang mundo na kung saan nag-e-evolve na ang mga tao sa pagiging mutant. Some abilities are rarely mutated, at marami sa mga iskolar ang gustong malaman ang lahat sa evolution ng tao. Subalit, bukod pa rito, marami pa rin ang gusto...
