Bakit Lists

408 3 0
                                    

Masaya akong naglalaro noon sa aming farm kasama ang childhood friend kong si Teddy. Teddy is a stuff toy by the way. Sa nakalatag na tela sa damuhan kinakausap ko sya na parang totoong tao. Binabasahan ko sya ng story. Pagkakaalala ko I'm 5 years old that time walang kaibigan, walang kalaro dahil hindi ako pinapayagan ng Daddy ko na lumabas ng bahay. Tanging si Teddy lang ang naging kalaro ko simula ng magka muwang ako. Dapat nga nag aaral na din ako nyan sa school pero mas pinili ni Daddy na kuhaan na lang niya ako ng tutor.

"Uy! Wala kang kalaro?"

Bati sa akin ng isa batang halos kaedaran ko lang din moreno ito at... hmmmm? May pagkacute din kung titingnan mo ng maigi. Ngumiti ako.

"Ito oh si Teddy." Sagot ko. Napangiti ito.

"Gusto mo samahan kita dito?" Sabay upo nito sa tabi ko.

"Gusto mo magbasa may mga books pa ako dito."

Tumingin ito sa akin na parang humihingi ng pag intindi. Sabay ngiti na parang nahihiya.

"Hindi pa ako marunong magbasa eh konti lang."

"Gusto mo turuan kita tulad ng ginagawa ko kay Teddy?"

"Sige ba."

Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Dylan. Katiwala ng Daddy ko ang ama ni Dylan sa farm. Kumbaga yung papa nya yung pinaka kanang kamay ng Daddy ko sa lahat ng kanyang mga tauhan. Nagtataka kayo bakit Daddy ko lang ang parati kong nababanggit? Yung Mommy ko kasi namatay ng ipanganak ako yun ang sabi. Lumaki akong busog sa pagmamahal ng daddy ko kahit wala akong mommy hindi ko kailan man naramdaman na may kulang sa pagkatao ko.

Balik na tayo sa kuwento namin ni Dylan. Ayon madalas na kami magkalaro at magkasama ni Dylan. Hindi man ako pinapayagang lumabas ng daddy ito naman ang kusang pumupunta sa bahay namin. Hindi naman iyon tinutulan ng daddy. At sa palipas ng panahon mas lalo pa kaming naging malapit sa isa't isa.

"Cyrus!!!"

Natutulog pa ako nun nang pumasok si Dylan sa kuwarto ko. Ang aga naman nito makikipaglaro.

"Cyrus! Cyrus!" Gising nya sakin.

"Bakit?" Naalimpungatan kong tanong. Hindi pa ito nakakasagot dinugtungan ko agad yung sinabi ko. "Matulog ka na lang muna sa tabi ko inaantok pa ako."

"Sige na nga!"

Hindi na ito nangulit pa naramdaman ko na lang itong humiga sa tabi ko at niyakap ako dala ng antok hindi ko na ito tinutulan pa.

"Gising na nga anak." Malakas na tawag ng yaya ko. "Tinanghali ata ng gising ang alaga ko. May kalaro na kasi kaya napapagod na."

Pinabangon na ako nito at ginising si Dylan.

"Maligo na muna at mag almusal na. Halina kayong dalawa sabay na kayong maligo at anong oras na."

Sabay na kaming pumasok ng cr. Si yaya naman lumabas na ng kuwarto. Pareho kaming hubo't hubad dala ng aming murang isip hindi na namin alintana ang ganung sitwasyon. Una akong pinaliguan ni Dylan sya yung nagbubuhos sakin ng tubig. Hindi na namin ginamit yung shower. Habang nagsasabon naman ako saka na din sya nabuhos para sa sarili. Tapos shinampuhan nya ako bago ang kanyang sarili tapos pinaglaruan nya yung bula ng shampoo ginawa nya ito bigote na parang si Santa Claus pati ako nilagyan nya din.

"Tubig!!! Tubig!!!"

Sigaw ko ng mapasukan ng shampoo ang mata ko. Mabilis naman ako nitong sinabuyan ng tubig. Napasinghap ako ng tumama ang tubig sa mukha ko. Kumuha din ako ng isa pang tabo at nagsabuyan kami ng tubig sa loob.

"Tama na! Tama na! Halika dito gawin mo toh."

Sumadok sya ng tubig saka mabilis na pinatong ng nakataob ang tabo sa kanyan ulo. Sinunod ko naman ang ginawa nito. Masarap pala sa pakiramdam yun para sinisipsip ng tabo yung ulo mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit listsWhere stories live. Discover now