Chapter 1

48 3 0
                                    

"Should have listened"

"Poised. Punctual. Demure. Reflect before you act." Pagkatapos kong maisulat ang mga katagang iyan sa aking kamay ay tumayo na ako at bumaba upang kumain.

"You'll be late, Ophelia. Alam mo namang strikto ang etiquette teacher mo. Namemorize mo na ba yung mga pinapakabisado sayo?" Tanong ni Mommy. Well, ganyan naman sila they expect too much on me even though alam nila na hindi lahat magagawa ko ng tama. Aaminin ko na ako ang  tinuringang 'good girl' sa pamamahay na ito dahil simula nang naglayas ang aking Ate lahat ng burden napunta sa akin. Yung burden na iyon is dapat lagi akong kasama sa Honors, dapat lagi akong sumasali sa mga competitions, dapat masunurin ako at dapat disiplinado raw ako. Wala akong kaibigan dahil naweweirduhan sila sa akin, I know right. Alam ko namang masyado akong 'good girl' never akong nakapunta ng parties o kahit makatikim man lang ng alak kaya naweweirduhan sila sa akin kesyo nasa right age na naman daw ako eh sa anong magagawa ko? Hindi naman sila yung nasa situation ko.

"Yes po, Mommy. Si Kuya Mark po?" Tanong ko.

"He left early. Magba-basketball raw sila ng mga friends niya." Sagot ni Mommy at napatango na Lang ako. Pagkatapos kong kumain at maligo inayos ko na ang gamit ko. Kinuha ko na ang clutch ko na may tanyag na brand dito sa pilipinas ang pagkakaalala ko nagsisimula iyon sa P at bumaba na.

"Where's that from?" Napatingin ako sa tinuturo ni Mommy at dress ko pala iyon. Backless kasi ito at kulay peach.

"I bought it last week po." Sagot ko at alam kong na-disappoint ko na naman siya.

"Bakit Hindi mo sinuot yung binili ko sa iyo? Maganda naman iyon ah? Formal iyon. Nababagay iyon sa pupuntahan mo ngayon hindi yan, mukha kang pupunta ng club." Ugh. Napatungo na lang ako at nagpalit. See? This is what I'm telling about. Ang itinutukoy niya kasi ay ang Gold Dress na ibinili niya sa akin which is hindi ko type dahil masyadong nakaka-caught ng attention nagmumukha akong mayaman, oo mayaman kami pero simpleng tao lang ako. Pagkababa ko ay nakita ko nang ngumiti si Mommy and that made me relieved. Umalis na kaagad ako gamit ang sasakyan ko, it was a gift from Daday although its not expensive like Kuya Mark's Porsche still thankful na niregaluhan pa rin ako. I played my iPod and listened to Leona Lewis' song called 'Bleeding Love' she is my idol until now.

"Ophelia!" Tili ng kaibigan ko pagkababa ko ng sasakyan, well siya lang ang tanging kaibigan ko she finds me gorgeous daw kaya nakipagkaibigan sa akin alam niya yung issues sa buhay ko kaya nakipagkaibigan siya sakin. Madami kasi kami ditong tinuturuan para siyang Princess Charm School ng Barbie pero hindi ito school at tuwing saturdays lang ito.

"Hindi naman halatang namiss mo ako?" Natatawa kong biro sa kanya.

"Once a week lang kasi tayo nagkikita buti sana kung parehas tayo ng eskwelahang pinapasukan." Saad niya. Niyakap ko na lang siya uli at nakita ang mata ni Juana na umirap. Nahalata ni Georgina dahil nakita niya na bumitaw kaagad ako sa yakap.

Sa totoong buhay, may mga tao pa rin na walang magawa sa mundo kaya pati buhay ng ibang tao pinapakielamanan nila. Hindi ba nila kayang asikasuhin na lang ang sarili nila? Wala rin naman silang mapapala. Lahat naman ng tao nagkakaroon ng insecurities pero hindi mo kailangang mang-away ng tao dahil lang sa naiinsecure ka sa kanya kung naiinsecure ka edi mainsecure ka pero dapat alam mo yung limitations mo na hindi lahat nakukuha mo. Alam kong naiinsecure siya sa akin dahil kaibigan ko ang anak ng isang sikat na artista.

"Huwag mo na lang siyang pansinin, Ophelia. Btches like her won't get anything." Pagkasabi niyang iyon ay sinamaan ko siya ng tingin at nag-reply siya ng 'what?'

"Don't speak like that. Naiinggit siya kasi may kaibigan akong anak ng artista. Like hello? Minsan ka lang magkakaroon ng kaibigan na anak ng artista. Ewan ko kung bakit nga sa akin naiinsecure yun eh kala mo naman kagandahan ka." Sabi ko at siya naman ay nag-pout.

Trust Nobody (Kennicot Series)Where stories live. Discover now