"g/mol ang unit ng molar mass diba?" impit na tanong niya sakin na pilit hinihinaan ang volume ng boses.  Sinenyasan ko siya na sandali lang dahil titingnan ko muna yung sagot ko.  Ayaw ko naman kasi sabihin agad na oo dahil baka mali ako. Baka magalit pa yan sakin. 




Matapos kong tingnan ang sagot ko pasimple nalang akong tumango sa kanya.  Nagsimula na akong magrewrite ng sagot dahil sanay ako na nasa scratch muna nagsasagot.  Gumamit na din ang ako ng lapis paglilipat. Nakakatanga kasi na minsan bigla na lang mamamali yung sulat mo, kaya mas mabuti na kung lapis, pwede pang mabura.  Sabi din pati ng karamihan sa mga teachers, pangit daw tingnan ang may bura.  Kaya lapis ang peg ko ngayon.



"Are you done?" tanong ni ma'am.  Lumingon ako sa bandang likod at medyo madami pa din ang hindi pa tapos. Halatang di nagintindi kanina kaya natataranta na ngayon sa pagsasagot. 

*bell rings*


"Okay please pass your papers quietly.  Right to left " agad kong pinilas ang aking papel at pinasa na sa kaklase ko. Bigla na namang umingay ang paligid dahil lang sa pagpapasa ng papel.  Hindi naman kailangan bg bibig sa pagpapasa eh.




Matapos ang ilang minutong pangongolekta ng papel, tinupon na yun ni ma'am at nilupi. "Good Day Class" paalam niya samin sabay deretsong lumabas ng pinto.  "Good Day and Thank you-"  gulo gulo at hindi sabay sabay na paalam nila kay ma'am.  Hindi na pati sila nagabalang banggitin ang pangalan nito.  Pero buti nalang na hindi na narinig dahil baka nagalit pa yun.




"Yah gutom na ko" ani ni Iggy sa lahat dahil pinaglakasan niya pa ang kaniyang boses na may kasama pang paghikab. "Oo nga nakakagutom na" tugon ng iba ko pang kaklase sa kanya.




Di na ako nagreact bagkus ay nanahimik nalang. Wala na naman kasing ibang magawa dito kundi maghintay.  Walang katapusang paghihintay. Tsk. Nakakasawa na kaya.Lumingon ako kina matt at mga nakatanga lang din sila gaya ko. Nakakawalang gana tuloy. 




Lumipas ang ilan pang minuto ay tila wala pa ding nangyayari sa min.  Wala pa ding teacher.  Gumulo na tuloy ang paligid kaya mas lalong nakakagutom. Mukhang pinaglalaruan talaga kami ng tadhana ngayon.  Kung kailan dapat mabilis ang takbo ng oras lalo lang babagal ng bonggang bongga.  Hays. 




Phoenix's POV



Parang tanga lang akong nakatulala sa kawalan na naghihintay sa mabagal naming guro at nagiisip kung bakit kami ng girlfriend ko kanina na ex ko na ngayon. 



Ako si Phoenix Lee . Isa sa mga estudyante ng worst section at kasalukuyan akong broken hearted ngayon.  Psh.




Pilit kong inaalala kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon na hindi ko inaasahan na mangyayari sa araw din nato. Basta ang alam ko lang gusto kong magwala, sumigaw at umiyak.  Bakla man sa iba pag umiyak ang isang lalaki, pero para sakin hindi.  Pag umiyak ang isang lalaki, ibig sabihin totoo siya sa kanyang sarili. 




Nakakaasar lang na pati si Alex nadamay pa sa sobrang kainisan ko. Totoo na ako ang humigit sa upuan niya at hindi ko din alam kung anong pumasok sa kokote ko para gawin yun.  Basta naiinis ako sa mga pangyayari ngayon. 




Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at tinitigan ang conversation namin ng girlfriend ko kanina na ex ko na ngayon.  Wala akong ideya kung bakit may gana pa akonh tingnan ko kahut sobrang sakit na.  Tao din ako at nasasaktan. 





Pinlashback ko ang mga pangyayari kanina dahil may tanong padin na namumuo sa utak ko.  Basta ang alam ko lang,  nagkamustahan kami kaninang umaga bago ako pumasok.  Di ko inaasahan na biglang sumakit ang ulo ko dahil sa tindi ng sikat ng araw.  Dahil dun, naging cold ang mga katagang lumabas sakin habang kachat ko siya. Di ko na naman kasi kasalanan na sumakit ang ulo nung mga oras na yun dahil wala naman akong super powers para makontrol kung kailan lang pwede sumama ang pakiramdam ko o hindi. 




Dahil nga babae, praning si Carla at kung ano ano na agad ang sinabi sakin,  na kesyo may iba na daw ako at hindi ko na siya mahal dahil nawawalan na daw ako ng gana sa kanya makipagusap.  Ang hirap naman kasi sa mga babae, kung ano ano na agad ang iniisip kahit hindi naman talaga totoong nangyayari. At dahil nga siya na ang unang bumitaw, wala na akong ibang magawa kundi mainis nalang. 



"Bro may problema ka ba?" lumingon ako sa nagsalita at si Lincoln pala.  Nakakawalang gana magsalita dahil broken nga ako. May broken bang hyper pa? Tsk. 




"Good Morning Class. Sorry i'm late" dere deretsong saad ni Sir charmat habang naglalakad papunta sa desk, napansin ko na parang may dala siyang pictures kaya baka may ipagawa na naman siya samin.  Psh. Nga pala, wala ng nagabala pang batiin siya dahil pinaupo na niya agad ang mga kaklase ko na babati palang sana.



"So attendance first" hinintay ko nalang na matawag niya ang apelyido ko. Nakakatamad na kasi talaga dahil ang tagal niya dumating. 

"Lee"



"present" walang ganang saad ko at di na nagabala pang magtaas ng kamay. Narinig na naman niya siguro yung boses ko.




"So magkakaroon tayo ng activity ngayon gaya nitong ginawa ko-" tumigil siya muna at dinikit sa blackboard ang picture na dala niya kanina.  Nakadrawing doon ang isang kapeng barako at may katabing hugot line.




"For example, Sana kasing tapang ka na lang ng kapeng barako!"



"Bakit?" sabay sabay na tanong ng mga kaklase ko kaya nagsimula ng umingay. 



"Para may lakas ng loob kang ipaglaban ako"

'Whooo yun oh'


"So dapat maganda yung hugot niyo. Tagos sa puso" hyper na tugon niya.  Psh daming alam. 



"Kaya kung may pinagdadaanan ka ,  mas maganda" ngiti niya samin.  Psh. Nananadya yata ang isang to. 

Worst Section Where stories live. Discover now