Chapter 5

177 5 0
                                    

Limang araw na akong pabalik-balik sa 7-Eleven. Limang araw na pumapasok ng mas maaga sa eskwelahan. Limang araw na ang lumipas ngunit wala pa rin si Bryle.

Ang akala ko, sa loob ng mga araw na hindi ko s’ya nakikita ay sabay ring mawawala ang kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. I was wrong, those days of loneliness only made me fall for him even more but I decided to ignore it. Higit sa paghahanap ko sa kanya, mas kailangan kong mahanap yung sarili ko.

Mabuti na rin na lumipas na ang limang araw na yun at hapon na naman ang klase ko, wala na rin talagang pagkakataon para magkita pa kaming dalawa.

Lumipas pa ang tatlong araw at maaga na naman ang pasok ko sa eskwelahan. Ayoko na sanang dumaan pa ng store pero wala na akong ibang mabibilan ng CD-R ng ganito kaaga. Kinakabahan ako. Natatakot ako na makita ko s’ya pero natatakot din akong hindi ko na s’ya makita dun kahit kailan.

Pumasok ako sa loob at dumiretso sa shelf kung nasaan ang mga CD-R. Sa sulok nun, sa may bandang dulo, nakita ko si Bryle naka-upo, nakayuko, humihikbi. Biglang sumikip ang dibdib ko.

Tama na! Ayoko na . . . Ikaw kasi eh hindi ka lumalaban! You’re weak!” He gulped, sniffing.

But don’t I deserve to live a normal life?? I never want to be like this!” He exclaimed. Ang boses n’ya, ang pananalita n’ya, para bang panaghoy ng nag-aagaw na bulong at sigaw. Kami lang dalawa ang customer sa loob.

“Miss, pagpasensyahan mo na s’ya. Ganyan na s’ya dati pa… hindi ko na lang pinapalabas kasi hindi naman nanggugulo. Isa pa, bumibili din naman s’ya dito at naaawa talaga ‘ko d’yan eh.” Sabi ng staff ng store na lumapit sa akin.

I know him po …” Sabi ko sa staff at iniwan n’ya na rin ako sa sulok kasama si Bryle.

Gusto ko sanang kausapin si Bryle at tanungin kung bakit ganun ‘yung inaarte n’ya pero hindi ko nagawa. Tahimik akong umupo sa tabi n’ya nang walang pangambang sisigawan n’ya ako o itataboy papalayo. Nararamdaman kong mabuti s’yang tao.

Pinagmamasdan ko s’ya habang nakayuko at humihikbi nang bigla kong napansin na may pasa s’ya sa kaliwang braso at para bang pilay ito dahil hindi n’ya maigalaw. Lumipas pa ang ilang saglit bago n’ya ako napansin at bago s’ya napalingon sa akin. Nabigla ako nang makita kong may pasa s’ya sa mukha!

Nagulat din s’ya nang makita ako at hindi n’ya malaman kung ano’ng gagawin. Nag-sorry s’ya sa’kin na para bang naistorbo n'ya ako at nagpautal-utal ang mga salita n’ya. Mabilis n’yang dinampot ang mga gamit n’ya sa sahig at patakbong umalis sa store.

Tumayo ako at nilingon kung saan s’ya patungo pero napansin kong tumayo lang sa labas, sa tapat ng pintuan. Pinagmasdan ko ang kilos n’ya dahil nag-aalala pa rin ako sa kalagayan nya.

Ilang saglit pa, bigla s’yang napaupo habang hinahawakan ang ulo n’ya na para bang sasabog ito sa sakit. Pinagtitinginan s’ya ng mga taong dumadaan.

Paalis na sana ako nang mapansin kong parating ‘yung grupo ng mga estudyante na laging gumugulo sa kanya kaya’t dagling nilapitan ko s’ya.

Bryle, halika na…” Ang sabi ko kasabay ng pag-alok ko ng kamay sa kanya para tulungan s’ya sa pagtayo. Kinuha n’ya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad papalayo.

Napansin ni Bryle yung grupo at kahit pa nagmamadali na kaming maglakad palayo, tinitingnan n’ya pa rin ang mga ito. Ang sabi ko sa kanya ay huwag s’yang lumingon dahil baka mapansin lang s’ya ng mga ‘yun at paglaruan na naman.

Tinanong ko s’ya kung saan s’ya sumasakay, ang sabi n’ya nagko-commute din daw s’ya pero jeepney ang sinasakyan n’ya. At dahil papuntang Dapitan yung jeepney na sinasakyan n’ya na dumaraan din naman ng Vito Cruz, nagpasya akong sumabay na lang sa kanya para na rin makausap ko pa s’ya ng mas matagal.

Pumara s’ya ng jeep at nang makasakay na kami, para bang nagulat ang mga pasahero sa loob at biglang umusog palayo sa kinauupuan ni Bryle. Para bang ayaw s’yang makatabi. Ano ba’ng nangyayari dito? Kaya ba sila nagsilayuan ay dahil puro pasa si Bryle?

Napansin kong napakatahimik ni Bryle at nakatulala lang sa kawalan kaya’t kinausap ko s’ya.

Ako nga pala si…” Napatigil ako nang si Bryle na ‘yung nagdugtong nito.

Jillian…” He said. Ang akala ko ba ay nalimutan n’ya na ang pangalan ko?

I know you, lagi kitang nakikita.” Sabi n’ya habang kinakagat ang mga kuko n’ya sa kaliwang kamay at ipinangkakamot naman ng leeg ang kanan.

Napakabilis ng takbo ng jeep, hindi ako sanay sa ganitong paraan ng pagmamaneho ng driver kaya natakot ako. Ang sabi ko kay Bryle ay humawak s’ya at baka kung ano pang mangyari sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit umiral ang pagiging madaldal at pagiging pakialamera ko at hindi ko matiis na hindi itanong sa kanya kung kailan s’ya napilay.

Last week…” Medyo mahina s’yang magsalita. Ang akala ko nga ay hindi n’ya na sasagutin ang tanong ko.

Ah. Kaya pala hindi kita nakikita dun sa… Uhm pa’no ka napilay?” Muntikan ko nang ibuko sa kanya na hinahanap-hanap ko s’ya dun sa 7-Eleven kaya nagtanong ako ng panibago.

Matagal s’ya bago sumagot at ayoko na ring ulitin pa ang tanong ko baka kasi ayaw n’ya talagang sabihin.

Naipit… s-sa door ng 7-Eleven.” Nagulat ako sa sinabi n’ya. Imposible namang mangyari yun, alam kong nagsisinungaling lang s’ya.

Don’t tell me pati ‘yung nasa face mo?” Hindi ko talaga mapigilang magtanong.

Sinuntok ko.” He said. Hinintay ko s’yang tumawa at sabihing nagbibiro lang s’ya pero seryoso s’ya. Naguguluhan ako.

Dagli n’yang iniba ang usapan. Tinanong n’ya ako kung bakit daw ako sumabay sa kanya gayong pwede naman akong sumakay ng bus sa Baclaran dahil sa Parañaque naman ako nakatira. Ang sabi ko sa kanya, nakasanayan ko na kasing doon dumaan sa EDSA-Taft.

Sabagay. Mahirap talaga iwan yung nakasanayan mo na.” Sabi n’ya na tila may tinutukoy na bagay. Alam kong may gusto pa s’yang sabihin kaya’t tumahimik ako.

Parang 7-Eleven.” Pagkatapos n’yang idugtong ‘yun, unti-unting gumuhit ang ngiti sa mukha n’ya at saka s’ya tumawa ng malakas. Sa wakas, nakita ko rin kung anong itsura n’ya kapag masaya s’ya.

Kakaiba s’ya ngumiti, nawawala ang mga mata n’ya. Habang minamasdan ko s’ya, pati ako napangiti rin. Huminto s’ya sa kakatawa, tumingin sa ibang direksyon at biglang nagsalita.

Program Name: Fileman. PRG . . . Set Talk off, Set Talk off… Set Stat Off… Set Stat Off. Answer: 1…” Ang bulalas n’ya. Nagsasalita s’ya mag-isa.

Napansin n’yang nakatingin ako sa kanya at bigla s’yang nahiya. Nag-sorry s’ya sa’kin kahit hindi naman kailangan. Lagi na lang s’yang nag-so-sorry sa tuwing inaakala n’yang nakakaistorbo o nakakaabala s’ya. Sabi ko ayos lang pero ginulat n’ya ako nang bigla na lang s’yang pumara at bumaba s’ya sa Buendia. Umalis s’ya nang hindi man lang nagpaalam sa’kin, para lang sumakay sa ibang jeep.

Pag-AgosUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum