Pag-Agos

666 13 0
  • Dedicated to Kean Cipriano
                                    

Prologue

January 12, 2005. Isang malamig na madaling araw ng Miyerkules (5:07 am) nang magpababa ako kay Pierra sa 7-Eleven EDSA-Taft branch dahil sa sobrang gutom ko. Kagagaling lang namin ni Pierra sa album launch ng paborito naming banda at heto, inabot na kami ng umaga.

Ayaw pa sana ako payagan ni Pierra na bumaba ng kotse dahil delikado pa, madilim pa kasi at kung gusto ko raw, bumili na lang kami ng pagkain at sa kotse na lang namin kainin.

Nang mga oras na ‘yun, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para ipilit na dun na lang ako mag-a-almusal sa 7-Eleven at uuwi na lang ako kapag maliwanag na. Siguro kasi nahihiya ako sa kanya dahil ihahatid pa n’ya ako o siguro gusto kong mapag-isa o siguro nagugutom na talaga ako at ayoko nang makaabala pa. Sabi nga n’ya, I’m so difficult to fathom.

Pagkalipas ng ilang minuto, nakumbinsi ko na rin si Pierra umuwi na at iwan na ako, halata ko rin kasi sa mga mata n’ya ang sobrang antok. Nang maglaho na ang sasakyan n’ya sa paningin ko, pumasok na ako sa 7-Eleven at dumiretso sa section ng mga steamed goods. Kumuha ako ng hotdog sandwich at hot chocolate. Pakiramdam ko, lahat ng pagkaing nakikita ko sa harap ko ng mga sandaling ‘yun ay gusto kong kainin sa sobrang gutom.

Wala pa ‘kong tulog at may klase pa ako ngayong araw na ‘to… Well, who cares? Mamaya pa naman yung tanghali.

I’m Jillian Fausto. Sa BF Homes Sucat, Parañaque ako nakatira. I’m turning 19 this coming July 18. I’m taking up Bachelor of Science in Business Administration major in Human Resource Management in College of Saint Benilde (CSB). I’m a sophomore student there. Just an ordinary face in our campus… hindi sikat, hindi Dean’s lister at lalong hindi head turner. I’m the so-called “Average Jane”.

Wala akong Organizations na sinasalihan sa campus dahil takot ako sa mga responsibilidad at ayokong gawin ang isang bagay na hindi ko naman kayang panindigan hanggang sa huli, ayokong mapahiya lang. So I chose to be a wallflower.

Honestly, I don’t know what I am passionate about. Hindi ko alam kung may natatago nga ba akong talento. Wala rin akong maisip na dahilan kung bakit BSHRM ang kinuha kong kurso sa college dahil sa totoo lang, hindi ko pa nakikita kung saan ang interes at linya ko. Siguro ay hindi ko pa talaga nahahanap ang sarili ko.

Personal kong kagustuhan ang mag-aral sa CSB dahil hindi naman ako gano’n katalino at ayokong mabigo ko lang ang mga magulang ko kung sakaling pinangarap ko pang kumuha ng Entrance Examination sa top State Universities sa bansa dahil alam kong babagsak lang naman ako. Hindi na ako nagtangka pa dahil alam ko naman kung hanggang saan lang ang kakayahan ng utak ko.

In class, I’m neither active nor attentive. Hindi ako pala-recite at ayokong tumatayo sa harap ng klase para magpapakilala, magsalita o mag-report sa mga taong hindi naman nakikinig. Nakaka-ilang, pakiramdam ko lagi akong napapahiya kapag ginagawa ‘yun.

When it comes to my appearance, I’m really simple. I’m 5’4 in height, petite, straight na shoulder length ang buhok, at naging morena na ang kulay ng balat ko simula nang pumasok ako sa kolehiyo.

Sobrang pangkaraniwan ng itsura ko kung ihahambing ako kay Pierra. Pierra’s popular, heartthrob, talented, active, sophisticated and really attractive at ako naman ang kabaliktaran n’ya. But as a saying goes, “opposites attract”. Pierra is my one and only best friend!

So more or less, that’s how I live this devil-may-care life—that’s my life, there’s nothing really special.

Pag-AgosWhere stories live. Discover now