Chapter 2

25 3 1
                                    

~Rhea Elise P. Ridge~

Finally, nakarating narin kami. Nandito na kami sa Cebu, ang hometown namin.

Hey, ako pala si Rhea Elise P. Ridge! You can call me "Rhea" or "Elise". Im 15 years old at galing kami ng America.

Gusto ko sana doon nalang kami mag stay kaso ayaw ni mama dahil wala akong maaalala doon. Sabi niya pupunta kami dito sa Cebu para magsink in sa utak ko ang mga nangyari.

Ewan ko ba kung bakit wala akong naalala eh sa wala namang sinabi si Mama sa akin. Sabi niya lang, kailangan may maalala ako and that's it. Uuwi na kami at doon titira ulit.

Maganda din naman dito sa Cebu, inenroll narin ako ni mama sa isang university. Bukas narin pala ang pasukan kaya eto ako, bumibili ng school supplies para bukas.

I hope to meet new friends, I hope walang mangyaring masama. Sana nga...

Then bigla akong natapilok, buti nalang nasalo ako ng lalaking nasalubong ko.

"Oops, okay ka lang" tanong niya.

"Oo okay lang ako, salamat" sagot ko sa kanya

He looks so familiar, hindi ko alam kung saan pero parang nakita ko na siya.

Parang nashock ata siya, bakit naman?

"Eli- I mean I need to go, bye" sabi niya.

I just nodded and continued finding those things I need for school tomorrow.

Habang namimili ako ay biglang sumakit ang ulo ko, jusko po. Nahihilo ako at medyo nandilim ang paligid, parang anytime mag co-collapse na ako.

Humawak muna ako sa may shelf, futek bakit ngayon pa ba to nangyari!

Visions...Mga vision ang nakikita ko, isang batang lalaki at isang batang babae. Tila naglalaro silang dalawa.

Napaupo ako sa sakit pero hindi ako sumisigaw.

Medyo blurr yung mukha nila kaya hindi ko makita, pero one thing im sure is yung batang babae ay ako.

"Ollie! Halika laro tayo doon!" Sabi nung batang babae

"Ano namang lalaruin natin?" sagot ng batang lalaki.

"Tago-tagoan ang gusto ko!" Sabi nito ulit.

"Ayoko, mahirap hanapin ang mga babaeng gaya mo" sabi ng lalaki

Ay grabe siya oh, mukhang 6 years old lang ang mga bata eh!

Sobrang liit nalang ng nakikita ko, ang iba madilim na. And suddeny, bumalik yung lalaking nakasalubong ko kanina.

"El--Miss, okay ka lang ba?! Anong masakit?!" sabi ng lalaki with a concerned voice.

Ang tanging nagawa ko ay itinuro ang ulo ko at nag collapse na talaga ako.

(At a small clinic somewhere)

Idinilat ko ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ay yung nurse.

My Amnesia GirlWhere stories live. Discover now