Namulat ang aking mata sa isang lugar kung saan kadiliman lang ang iyong makikita. Pinilit kong luminga-linga at maghanap ng liwanag ngunit nabigo ako. Napakatahimik sa aking kinaroroonan. Sinubukan kong tumakbo sa iba't ibang bahagi nito ngunit ako'y nagtatapos sa isang matigas na bahagi ng aking kinaroroonan. Lumipas ang ilang minuto, biglang lumiwanag ng napaka-liwanag na.
"Caten, gising!" ani sa akin.
Agad akong napamulat dahil sa pagtawag at pagyugyog sa akin.
"Nananaginip ka na naman." ani ng aking ina.
Napatulala na lamang ako sa kisame namin at hinayaang lumisan ang aking ina sa aking tabi.
Ilang gabi na din ako ginagambala ng mga kakaibang panaginip na ito. Nagtataka na ako sa bawat araw na nananaginip ako. Tuwing aking sinusubukan itong pagtagpi-tagpiin wari'y wala akong mabuo. Ang naalala ko lang ay nagsimula ito ng…
Nagpunta kami sa lumang bahay sa kabilang barrio. Nagkaayaan kasi kaming magkakaibigan. Di ko na maalala kung pano nila ako napasama pero sa aking tanda ay ang bahay na yun ay nasunog pagkatapos naming pumunta doon. Ang bahay na iyon ang sinasabing bahay ng isang namatay na estudyante sa aming lugar.
VOUS LISEZ
Sa Likod ng mga Alaala #Wattys2020
Mystère / ThrillerAng alaala ng isang tao ay nakabase lamang sa buhay na mayroon sya ngayon. Ngunit pano kung sa mga nakaraang buhay mo ay nababalot ka pala ng mga alaalang nagtatago sa tunay mong pagkatao. Pano kung ang mga alaala pala na iyon ang syang sisira ng mg...
