"Ano bang nangyayari sayo jan?" tanong ni Hailey kay dito na bigla na lang nagsenyas na wag daw kaming maingay. 

Kinabahan nalang ako bigla ng pumikit ang loko. Di ko alam kung ano bang meron sa kanya dahil nananatili itong nakatayo habang nakapikit.  Nasisiraan na yata ng ulo. 

Lumingin ako kina kuya at nakatanga lang ito kay Iggy na parang naghihintay lang ng susunod na mangyayari. 

"Ano ba ka-"

"Wag kayong mai-"



"Hay hahaha.  SUCCESS"

Bigla akong nagtaka sa sinigaw niya na success.  Ano ibig niyang sab-.

"F*ck ang baho"

Napatawa nalang ako ng sumigaw si Kuya at halatang iritang irita sa kung ano mang naaamoy niya.
Napatakip nalang ako ng ilong ng maamoy ang mala imburnal na utot ni Iggy.  Grabe lang, ilang araw kaya yun nakapreserve. Nangangamoy bulok na eh. 

"Yackk. Kadiri ka.  Wag ka ngang lumapit samin. Wala manlang pasabi eh" naaasar na sambit ni Hailey habang may nakatakip na din sa ilong niya. 

"Grabe naman. Parang di kayo nautot ah" bulyaw niya samin.

"Singhutin niyo nalang kasi para mawala" ani ni ate mika na parang walang pake kahit mabaho ang hangin na nakapaligid samin.  Wala kasing taklob yung ilong niya eh. 

"Tara na nga.  Eeksena pa kasi.  Gutom na ko eh" parinig ni Hailey sa gilid ko. 

Wala ng nagsalita samin matapos ang nangyari kanina at nagpatuloy nalang sa paglalakad.  Tiningnan ko ang aking relo at quarter to 11 na pala.  Deretso lang akong naglalakad hanggang sa tumigil nalang sila bigla sa harap ko.  Sumilip ako ng bahagya kung nasan na at nandito pala kami sa tapat ng Shakey's?

"Dito ba tayo kakain?" ngiting tanong ko sa kanila pero walang sumagot.  Hangin ba ko?


"Oo kaya bilisan na natin. Gutom na din ako eh" sagot sakin ni matt.  Hays.  tanging siya nalang talaga ang may ganang sagutin yung tanong ko. 

"ANO!? SINONG LALABAN SAKIN.  MGA TARANTADO KAYO"

Biglang akong kinabahan ng may biglang sumigaw sa harap namin. Punit punit ang damit at wala manlang tsinelas.  Halatang lasing din dahil may hawak siyang alak. 

"KAYO?"

Napaatras nalang kami ng bigla siyang humarap samin . Jusko, gutom na din ako eh. Bakit may ganito pa.

"SINONG LALABAN SAKIN?" bulyaw niya samin na walang pagaalinlangan. 

Nasinghap nalang ako ng biglang lumakad paunahan si Iggy at tinapatan ang pwesto kung nasaan yung baliw. 

"Ano na namang gagawin mo?" ani ni Ate mika.  Sa itsura niya palang halatang naaasar na. 

"Tama na nga yan Iggy.  Di mo ba nakikita na may sapak yan tapos papatulan mo pa" sigaw naman ni Hailey. 

Hindi na kami nagsasalita nina matt at naghihintay nalang ng susunod na mangyayari.  Parang tanga kasi eh.  Kakain lang ang dami pang problema.  Buti nalang hindi na naming kailangan bumalik mamaya.

"Try kaya nating kausapin ng maayos baka naman nakakaintindi pa din siya" suggestion ko. 

Hindi sila nagsalita bagkus ay lumingon nalang sakin.  May mali ba sa sinabi ko!?

"Bes. Pare pareho tayong gutom dito kaya naiintindihan kita" ani ni Hailey sabay akbay sakin. 

"Bayaan niyo nalang.  Wag na nating pansinin"

Worst Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon