Ryoichi seems so pre-occupied the whole ride. Hindi siya umiimik para bang sobrang lalim ng iniisip niya. Ang pag-stay namin sa Pulilan ay sobrang ikling panahon. Literal naman eh.

Tulala siya at para bang iniiwasan na mahawakan ako. Lagi siyang nakahiwalay sa akin na para bang may nakakadiri akong sakit. Ni tignan ako ay hindi niya magawa which is weird from him. Para bang bumalik sa dating cold na siya si Ryoichi.

"Ryoichi?"

"Andito ka na, bumaba ka na. Ikamusta mo na lang ako kay Rin," malamig niyang sabi nang makita ko na nasa harap na kami ng ospital, bumaba na rin si Kuya Dino at pinagbuksan ako ng pinto. "Salamat sa isang gabi," mahina kong wika. Tumango siya pero hindi tumitingin sa akin at patuloy na nakatingin sa kawalan.

Nang lumabas ako ay sinara rin agad ni Kuya Dino ang pinto. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya. "Pagpasensyahan mo na si Ichi, masyado lang yang maraming iniisip," pahinging paumanhin ni Kuya. Ngumiti ako kahit na alam kong nangingilid na ang mga luha ko. Yumukod ang matanda at sumakay na sa sasakyan nila.

Tinignan ko pa si Ryoichi but his face remains stern and emotionless. Parang yung Ryoichi na nakilala ko nung nakaraang linggo lang. Ang misteryosong siya. Ang tahimik at ang Ryoichi na hindi mo maisip kung ano nga ba ang nasa isip.

Habang sinusundan ng mata ko ang papaalis nilang sasakyan ay hindi na napigilan pa na bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko. Hindi ko maisip ano nga ba ang nagawa ko at naging ganon bigla si Ichi?

Tumalikod na lamang ako at unti unti nang naglakad papasok nang alam kong malayo na sa aking paningin ang sasakyan nila. Patuloy pa rin sa paglandas ang mga luha sa aking mata. Hindi ko napigilan na hindi umiyak.

"Bakit ka umiiyak?" Isang mahinang bulong ang narinig ko. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang babae na kasing edad ko lang halos. She looks at me impassively kaya tinignan ko ang likod ko pero walang nakatayo roon.

Iwinagayway ko ang kamay ko sa harap niya pero isang mata lang niya ang sumunod doon. "I can see life in you but it's dark," tinignan ko siya nang may pagtataka pero napansin ko ang teddy bear na yakap niya, at ang isang puting rosas na nakalagay sa isang pulseras.

"Ikaw ang kamatayan— ang katapusan ng lahat. Tama ba?" Ngumiti siya pero nanatili na hindi direkta ang tingin niya sa akin. "Tignan mo ang puting rosas."

Ginawa ko ang sinabi niya at nakita ko na namumukadkad ang puting rosas na ngayon ay nakasukbit bilang keychain sa bag ko. Maliliit lang naman ito na para bang ubod lang. "Ikaw ang kapanganakan at buhay?" Ngumiti siya at tumango.

"Oo, ako nga, babalaan kita nag—"

"Nako, Aether, bakit ka lumabas?" Isang humahangos na nurse ang dumating at siya ang nurse na binalaan ko na dapat ay matagal nang na-aksidente. Nailigtas ko siya? Ngumiti ito sa akin at inalalayan ang babaeng tinawag niyang si Aether.

Lumingon ng bahagya sa akin si Aether at may sinabi pero hindi ko ito narinig. Medyo kinilabutan ako sa kanya. Natagpuan ko na sila. Tatlo na sila, ang kinabukasan, kapahamakan at buhay. Dalawa na lang— ang tagumpay at pag-ibig.

Pumasok na lamang ako sa hospital at sumakay sa elevator patungo sa floor kung saan naroon si Rin. Pagkababa ko sa elevator ay nagulantang ako nang may mga doktor at nurses na humahangos na tumatakbo. Kinabahan ako sa nangyayari dahil papunta sila sa kwarto ng kapatid ko.

Sa kaba ay sumabay ako sa pagtakbo at halos panghinaan ako ng loob nang makita ang nanay at tatay ko na umiiyak sa labas ng kwarto ni Rin. Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko. Hindi pa pwede, shit! Hindi pa oras ni Rin ngayon! No, not now! Rin, please kumapit ka.

Nilapitan ko sila Mama at Papa at niyakap sila ng mahigpit. Sabay-sabay kaming umiiyak habang nakatunghay sa loob ng kwarto ng kapatid ko. Nagkakagulo ang mga doktor may ibang patuloy na nirerevive siya, pinanghihinaan ako ng loob nang makita na ang dapat nagpapakita ng pagtibok ng puso niya ay isang matining na ingay lang at tuwid na linya ang ipinakikita.

Hindi ko na rin makita ang oras ni Rin, tanging itim na lang na letra hindi pula. Hindi na rin ito tumitibok. Umiling ako. "Hindi, Rin."

Patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. God, please. If you could hear me, let me see my sister's life span again, please. Wag ngayon, hindi pa ngayon, hindi pa kami handa.

Tila nawawalan na rin ng pag-asa ang mga doktor nang hindi na nila mairevive si Rin. Ang itim na pangalan niya ay unti-unti nagmumukhang abo. "Hindi pa niya oras, Mommy! Hindi pa dapat ngayon mamatay si Rin, may isang taon pa siya! Mommy bakit ganito?" Halos hindi ko mapigilan ang mga salita mula sa akin, sobrang naguguluhan ako.

Nagkakamali na ba ako ng nakikita? Panaginip lang ito. Oo panaginip lang ito, hindi ito maaring maging realidad lalo at isang taon pa si Rin. "Mommy, hindi pa pwede, masyado pang bata si Rin." Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Hindi na tumitibok ang life span niya, wala na rin ang mga numerong nakasulat doon.

Bakit? Nagkamali ba ako ng basa? Mali ba ako ng tingin? Fuck! If this is a dream I want to wake up now! Nahihirapan ako.

Pero.. Shit!

"Revival, doctors, oxygens, nurses, flat line, white linen and black out." I mutter. Tinignan ko si Rin, unti-unti nang tinatanggal ang mga aparato na nakakabit sa kanya at maging ang oxygen mask, flat line na lang ang makikita sa monitor at wala nang iba kundi ang maingay nitong tunog.

"Rin Wendolyn Tyler, Time of Death: 2:31 PM," unti-unti nang tinabingan ng puting kumot si Rin. Hindi ko na kaya pa ang tagpo na iyon kaya sumiksik ako kila Papa at Mama. Kailangan ko ng masasandalan dahil baka hindi ko kayanin pa. Saan ako nagkakamali? Saan ako nagkulang?

Isang taon pa dapat ang itatagal niya pero bakit ganto? Bakit halos ilang linggo na lang pala? Kaya ba patuloy na nababawasan ang life span niya noon? Kaya ba para bang lagi siyang nanghihina?

Ni hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya. Hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya, na lagi akong andoon sa likod niya para samahan at tulungan siyang tumayo oras na nahirapan na siya? Na lagi akong magiging andoon oras na hindi na niya kaya pa ang sakit. Fuck! It hurts like shit!

Wala nang ibang salita ang tumakas sa aking labi kundi mga hikbi. Hindi ko kaya na makita ang kapatid kong wala na at tuluyang mawalay sa amin. Okay lang sa akin na nakaratay siya at nakukuhang ngumiti pero ang mawala siya ay hindi ko kakayanin.

I instinctively reach for my phone and phone him. After three rings he picked up. "Hello?" His baritone voice somehow calmed the chaos inside me but the agony is killing me and my whole family. Before I say any word a muffled sob escaped from me.

"Hey, ano nangyari?" Kahit pa kanina ay tila ayaw niya akong kausapin, sapat na sa akin ang marinig na tila nag-aalala siya. "Ryoichi.. Si Rin.. Si Rin," I can't stop myself from sobbing and I even whined like a child who dropped her ice cream on the ground.

I heard him curse at the background. "Kuya Dino, balik tayo sa ospital," I heard him ordered Kuya Dino. Hindi ko na kaya pa ang nararamdaman ko, my mind now is a blur. Unti-unti nang naglalabasan ang mga doctor at nurse sa kwarto ni Rin. Chattering and even shaking their heads for another death, probably.

Kahit nanginginig pa sa pag-iyak ay pumasok si Mama at Papa sa loob. I heard Mama's whines and sobs as she hugged my sister's body. "It's too early, Rin. Why you have to leave us?" I asked. There was a warm air that seems to hugged me. Again tears started to trickle from my eyes.

"Rin, you're probably an angel now. You can go now wherever you want, go to Cebu. Travel there, be good. Fly as high as Icarus who wants to be with the sun, don't be scared your wings aren't made of wax but light."

"Reed!" I saw Ryoichi running towards me, he's panting and sweats trickled his forehead, his hair ruffled. I don't know what happened but all I know I jumped unto him the time I saw him near me and cried on his shoulder. His comforting hands caress my back and he mutter comforting words.

"It's too early, Ryoichi. She's too early." I said. Masakit man ang mata ko pero hindi ko na yon ininda pa. Hindi ko matanggap ang pagkawala ng kapatid ko.

"It started."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerWhere stories live. Discover now