Qoutes.10

9 3 0
                                    

***

Aanhin pa si KUPIDO kung naubos na lahat ng PANA niya sa sobrang MANHID mo.

***

Sa hinaba-haba ng pagtulog ko ikaw parin ang dahilan ng paggising ko.

***

Consistent ang pagmamahal. Kahit magkaaway kayo nyan, nandyan pa diin ang pagmamahal kahit nagbatuhan kayo ng pinggan. Mahal mo pa din yan.

***

Hindi man ako yung pinakaperpektong tao sa buong mundo para sa'yo, sisiguraduhin ko nalang na ako yung taong mamahalin ka ng husto.

***

Kapag nasayo na, wag mo nang PAKAWALAN. Dahil hindi lahat ng bagay pwede pang BALIKAN.

***

Kapag nagmahal ka dahil sa itsura at pananamit nya, ATRAKSYON yan. Kung nagmahal ka dahil sa maganda nitong katawan at makinis na balat, PAGNANASA yan. Kapag nagmahal ka dahil masipag at matalino siya, PAGHANGA yan. Pero kung nagmahal ka at hindi mo alam kung bakit, PAG-IBIG yan. Dahil ang pag-ibig ay may sariling dahilan na hindi natin maintindihan.

***

Hindi mo kailangan maghanap ng perpekto, ang kailangan mo lang ay yung makakapag pangiti sayo sa bawat segundong magkasama kayo.

***

Ang girlfriend MINAMAHAL, hindi binibilang. Kung alam mong GWAPO ka, hindi yun lisensya para MANLOKO ka!

***

Mahirap mag pretend na masaya ka... Kung nagiging miserable ka ng dahil sa kanya...


***

Kung kaya nyang IWANAN ang mahal nya dahil INAGAW mo cya, - MAGAGAWA nya rin yan sayo pag may UMAGAW sa kanya.

***

Ang PAG-IBIG parang HOLDAPAN. Nasa sayo ang desisyon kung ipaglalaban mo ng patayan o bibitaw ka nalang dahil takot kang masaktan.

***

Kahit gaano mo gustong kalimutan ang taong minahal mo, kung siya ang laging nasa isip mo, walang puwang ang salitang MOVE ON sa buhay mo.

***

LAHAT TAYO BINIGYAN NG CHANCE MAGING TANGA. Pero hindi dahil libre ito, AARAW ARAWIN MO NA.


***

Ang pakikipag relasyon ay parang paglalaro ng chinese garter. Kailangan ng sobrang effort para hindi mataya. Dadating yung point na mapapagod ka pero kailangan wag kang umayaw kasi sayang naman ang pinaghirapan mo.

***


Walang dahilan para hindi ka magmahal ulit.. Kung nabigo ka sa una at nasaktan sa pangalawa, malay mo sa pangatlo tadhana mo na.





***********************

+Please Vote & Comment+




Random QuotesWhere stories live. Discover now