Chapter 18- Reconciliation

ابدأ من البداية
                                    

"Eh kasi after nung 'nalaman mo' siyempre alam kong nagagalit ka sakin" sabi ko "Importante sakin ang pagkakaibigan natin Yna...kaya sana patawarin mo ko, sana wag mo na kong iwasan kasi ang hirap mawalan ng kaibigan na parang kapatid tulad mo" sabi ko

"Alam mo Sky, aaminin ko nagalit ako sayo siyempre kuya ko yung sinaktan mo eh, tsaka parang hindi mo pinahalagahan yung pagkakaibigan natin pero ok na ko alam kong wala naman akong karapatan para makihalo sa hindi niyo pagkakaintindihan, di ba?" sabi niya

Pagkatapos nun ay hindi ko na napigilan at niyakap ko si Yna

"Namiss kita" sabi ni Yna sa pagitan ng pagyayakapan namin

Tristan's POV


Hi guys medyo uptight ako ngayon masyado akong masaya. Right now eto I'm sitting here sa loob ng faculty kakabalik ko palang from the auditorium, hindi pa naman tapos yung program kaya lang bored na ko eh. Kasama ko ngayon si Sir Medrana na kasalukuyang nakaupo rin.

"Sir Velasquez, sigurado ka bang ok na tayo?" tanong niya

"Oo naman bakit?" sabi ko

"Kung ganon bakit mo pinapain sa iba si Yna?" tanong niya na ikinabigla ko

"Huh? Sir Medrana, ano ba yang pinagsasasabi mo?" tanong ko

"Nakita ko kayo nina Yna at Jerome sa chapel last sunday" sabi niya "Bakit mo hinayaang sumama si Yna kay Jerome?"


"Tss.. yun lang ba? Hindi ko kasi pwedeng samahan si Yna kaya-"

"Alam ko yun, ang ibig kong sabihin hindi mo ba alam na may gusto si Sir Perez kay Yna?!" sabi niya na may pagtataas ng boses

"No, hindi ko alam yun" sagot ko "Kaya ko siya pinasamahan kay Jerome dahil may tiwala ako sa kaibigan ko at kung iniisip mo na nilalapit ko siya kay Jerome, pwes nagkakamali ka. Baka nakakalimutan mo na minsan din akong na sulutan ng girlfriend at masakit yun kaya kahit kalian hindi ko ipapasulot ang kapatid ko kahit kanino" sinabi ko na may pagtaas ng boses din


"Sir Medrana pwede ba wag mo idamay dito si Sir Velasquez dahil kung manunulot man ako hindi ako manunulot pailalalim kundi harapharapan" sabi ni Sir Perez na kasalukuyang nakasandal sa may pintuan ng faculty

"P*t*ng *na mo!" sabay suntok niya kay Sir Perez

"SIR PEREZ, SIR MEDRANA KUNG PAG-AAWAYAN NIYO LANG SI YNA SA TINGIN NIYO BA MAGIGING MASAYA SIYA?" pag-awat ko sa kanila " Sa tingin niyo ba matatahimik siya? Kung ganun lang ang mangyayare sa kapatid ko mas mabuti pang ilayo ko nalang siya sa inyo!"

"Eh bakit kaya hindi mo pagsabihan tong' kaibigan mo?!" sabi ni Sir Medrana

"Eh bakit kaya hindi mo alisin yang selos sa katawan mo?" sabi ko

Akmang susuntokin na ko ni Sir Medrana pero biglang dumating si Dean

"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?!" tanong ni Dean

"Umm nothing Dean" sagot ko

"Nakakahiya kayo, kapitag pitagan pa naman kayo dahil isa kayong guro at hindi kung sinu-sinong konsiyo pilato lang tapos haharap kayo sa maga magulang ng mga batang tinuturuan niyo na may marka ng kabulastugan niyo!" bulalas ni Dean sa sobrang inis "What do you think you're doing, huh?"

"I'm sorry Dean" sabi ni Sir Medrana

"AND YOU SIR MEDRANA ANOTHER RED CARD FOR YOU WHICH MEANTS SUSPENDED KA FOR ONE WEEK" sabi ni Dean

"Dean naman, three days lang yun" angal ni Sir Medrana


"One week na para magtanda ka!" sabi ni Dean "You may go now"

Binuksan ko ang pinto at lumabas na....hay grabe naman lakas talaga ng karisma ng kapatid ko mana sakin. Dalawang lalaki nababaliw sa kanya.

"Kuya na saan si mommy?" tanong ni Yna

"Nasa classroom na yata kinukuha yung card mo" sagot ko



"Eh si Sir Medrana?" tanong niya ulit

"Sa faculty or sa classroom na niya" I answered



"Ah ok" sabi niya, naku Yna kung alam mo lang kakagaling lang namin sa faculty room at umuusok ang galit ng boyfriend mo

Yna's POV

"Sir Medrana, may I speak with you, please" sambit ko mula sa may pintuan ng classroom ni Christoph- ay este Sir Medrana.

"Is it important?" tanong niya na medyo naiinis yung tono

"Umm yes Sir" sabi ko naman, actually di naman talaga importante yung sasabihin ko ang gusto ko lang naman sabihin ang salitang I love you.

"Wait for me at the faculty" he said

Habang naglalakad ako, nakasalubong ko ulit si Richard

"Huy Yna ok ka lang?" tanong niya

"Ha? Oo naman bakit?"

"Para kasing pinagsakluban ng langit yang muka mo"

"Ah ganun ba? Di ko kasi napapansin eh"

"Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" tanong niya

"Hindi naman"

"So totoong may boyfriend ka na?" tanong niya

"Ha? Oo, pano mo nalaman?"

"Tss.. kalat na kaya dito sa buong campus" sabi niya

"Eh kanino daw?"

"Sakin" sagot niya na ikinabigla ko naman

"What?!"

"Joke lang, sana nga sakin eh pero sabi nila isa daw sa mga teachers"

When We Fallحيث تعيش القصص. اكتشف الآن