" Herion itigil mo na ito. " Tinig na nagmumula sa isang napakagandang nilalang na kaharap ngayon ng tinatawag niyang Herion.
" Kayo ang dapat tumigil, marami man kayo pero hinding-hindi niyo ako mapipigilan. Tama na ang isang daang taong pananahimik ko, sobra na ang pagtitimping ginagawa ko. Ako na natitirang anak ng Diyos na lumikha na pinatapon ninyong lahat sa Adamon. Ngayon matitikman ninyo ang nararapat sa mundong ito. " Galit at puno ng pagkamuhing litanya ni Herion.
" Herion alam mo ang dahilan kung bakit namin ginawa iyon. Masyado kang nabulag sa kapangyarihan matapos mawala ang iyong ama. Alam kong may natitira pang liwanag sa puso mo, gugustuhin mo ba talagang mawala na lang ang mundong nilikha ng iyong ama? Itigil mo na ito at magbalik ka na sa Adamon, alam mong bilang lang ang oras na maari kang mamalagi dito sa Mythria wag mong sayangin ang buhay mo para lamang sa isang walang kwentang hangarin. " Mula naman sa isang lalaking may malalim na tinig na nag tataglay ng nakakatakot na presensiya.
Siya ay isa ring diyos kagaya ni Herion at ng mga nilalang na kasama rin nila.
Si Herion ay ang natitirang anak ng Diyos na lumikha sa Mythria ngunit ng dahil sa pagkabulag sa kapangyarihan ay napagdesisyunan ng mga katulad niyang Diyos at mga Diyosa na ipatapon siya sa Adamon.
Ang Adamon ay ang mundong nilikha ng mga Diyos at Diyosa sa pamumuno ng Diyos na lumikha para sa mga nilalang na hindi kayang kontrolin ang kanilang kakayahan, pati na rin ang mga nilalang na ginagamit ang kanilang kakayahan para sa kasamaan.
" Wala ng makakapigil sa akin, At kung ano man ang mangyari sa mundong ito ay kasalanan ninyong lahat. Kayong lahat na lumapastangin sa akin. " Unti-unting lumutong si Herion na napapalibutan ng mga itim na usok.
" Kung iyan ang iyong desisyon wala na kaming magagawa. " Malungkot na litanya ng isang Diyosang kararating lang.
" Buti naman at sumuko na kayo at natanggap niyo ng wala kayong laban sa akin. " Nakangiting huling talampati ni Herion bago siya tuluyang pumikit at inahanda ang sarili para sa isang incantasiyon.
Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay naghanda rin ang mga Diyos at Diyosa kasama pa ang mga bagong dating nilang kasapi para rin sa isang incantasiyon.
Unang kumilos ang Diyosang unang nagtangkang pumigil kay Herion.
" Patawad Herion. "
Huling tinig na nagmula sa Diyosa bago niya simulan ang isang incantasiyon.
I being a goddes use my devinity to bind this thy creature
Matapos ang incantasiyong binitawan ng nasabing Diyosa ay napalibutan ng isang napakanipis na tila isang nagliliwanag na salamin si Herion.
Napumulat ng mata si Herion. Pinilit niyang gumalaw ngunit tila may pumipigil sa kanya na gawin ang kanyang nais.
Pinalibutan ng mga Diyos at Diyosa kasama pa ang ilang hindi kilalang nilalang si Herion.
Matapos bumuo ng isang magical circle ang mga ito, ay maririnig ang iba't ibang incantasiyon mula sa kanila.
" Mga lapastangan talaga kayo. " Hirap man ngunit naisatinig ni Herion ang unang pumasok sa kanyang isipan ng marinig ang mga incantasiyon.
YOU ARE READING
Mythria Online (Herion's Curse)
Science FictionA world of Fantasy in a Virtual Reality where true adventure begins. Red Artemia Mion - Siya ay isang ulila at fresh graduate. Mahigit isang buwan na rin ng siya ay grumaduate ngunit di pa rin siya nakakahanap ng trabaho. Ito ay dahil sa kanyang nag...
