Chapter 16: Love and Anger

3M 63.2K 31.5K
                                    

"Candice?"

Hinawakan niya 'yong magkabilang braso ko. Tiningnan niya ako sa mga mata ko. Kahit 'yong mukha niya 'yong nasa harap ko ngayon, si Jeydon pa rin 'yong nakikita ko. Si Jeydon na walang malay at nakahiga sa sahig.

"Noona, sagutin mo ako. Ayos ka lang ba?" Mas lalong humigpit 'yong hawak sa 'kin ni Lucas. "Damn, are you okay? Why are you crying?"

Natigilan ako ng panandalian.

"Umiiyak ako?" Hinawakan ko 'yong mukha ko. Oo, may mga luha nga. Bakit ako umiyak? Bakit ganito 'yong inaasal ko ngayon? "Napuwing lang siguro ako."

"Tinawagan ako ni Marky. Puntahan daw kita rito."

Tiningnan ko 'yong paligid. Gabi na pala. Ibig sabihin, simula no'ng dinala ni Marky si Jeydon sa kotse niya, kanina pa ako nakatayo rito. Kanina pa rin pala kumakahol si Cholo pero hindi ko man lang siya naririnig.

"Candice, ano ba?" tiningnan ko si Lucas. Bakas sa kanya 'yong pag-aalala. "Iuuwi na kita."

Tumango lang ako. Hindi ako makapagsalita nang maayos. Dinala na ako ni Lucas sa kotse niya. Kasama namin si Cholo.

Hindi ako nagsasalita. Tahimik lang kaming dalawa ni Lucas. Kahit si Cholo, tahimik din.

Bakit gano'n? Naiisip ko si Jeydon. Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nawalan ng malay? May sakit ba siya?

Ano ba 'tong naiisip ko?

Candice, wala ka nang pakialam sa kanya.

Tama, ano bang pakialam ko kay Jeydon? Hindi ko na dapat siya iniisip pa. Matagal ko nang kinalimutan lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Ano naman sa 'kin kung nawalan siya ng malay? Ano kung may sakit siya?

Narinig kong nagsalita si Lucas pero hindi ko naintindihan kasi wala ako sa sarili ko. "Ha? Anong sabi mo?"

"Sabi ko, nandito na tayo sa inyo."

Napatingin ako sa labas. Oo nga, nandito na pala kami. Kung ano man 'yong nangyayari sa 'kin ngayon, kailangan ko nang itigil dahil nakakatakot. Natatakot ako.

Natatakot ako na lumambot ulit 'yong puso ko at bumalik ako sa dati dahil lang sa nakita ko siyang gano'n. Ayoko na, ayoko nang bumalik sa dating ako.

"Lucas, pumasok ka muna. Naghanda sila." ngumiti siya sa 'kin pero alam kong nag-aalala pa rin siya sa 'kin.

Pagpasok namin sa loob, naririnig ko na 'yong boses ni Kuya Charles. May hawak siyang gitara, nakatayo siya sa harap ni Ate Serina na nakaupo naman sa tabi ni Mama. Sinimulan niyang patugtugin 'yong "Just A Kiss" ng Lady Antebellum.

Wala sa tono si Kuya Charles. Hindi rin maganda 'yong boses niya pero sobrang nakakatuwa. Kahit na hirap siya kumanta at kahit na hindi siya magaling, kumanta pa rin siya para maharana lang si Ate Serina. Hindi ko tuloy napigilan na matuwa, and at the same time, mainggit. Ang saya-saya nilang dalawa at makikita mo na lang sa mga mata nila na mahal na mahal nila 'yong isa't isa.

'Yan 'yong gusto kong relasyon. 'Yong magandang relasyon na sinira lang niya.

Lumulutang na naman 'ata 'yong utak ko kasi the next thing I know, tapos na 'yong kinakanta ni Kuya Charles at magkayakap na sila ni Ate Serina.

"Ang sweet naman o!" pang-aasar ni Juan Paulo kina Kuya. "Kiss naman diyan!"

Napangiti si Kuya pagkatapos ay hinalikan niya si Ate Serina. Gusto kong maging masaya para sa kanilang dalawa pero hindi ko mapigilan na malungkot. Ganito na 'ata talaga ako. Kapag nakakakita ako ng mga magkasintahan na masaya, para bang nalulungkot ako. Ganyan din kasi kami dati e. Ganyan din kami ka-sweet at kasaya ni Jeydon pero...

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon