Chapter 16: Love and Anger

Magsimula sa umpisa
                                    

Wala na. Wala na lahat.

Bakit sila hanggang ngayon, masaya? Bakit sila nakayanang tumagal nang ganito katagal?

"Candice?"

"Ha?" Napatingin ako kay Juan Paulo na nasa harapan ko na.

"Kanina ka pa namin tinatawag." Tiningnan ko sila. Oo nga, lahat sila nakatingin sa 'kin. "Ayos ka lang ba?"

"Oo naman. Pagod lang siguro ako." Ngumiti na lang ako para hindi na sila mag-alala sa 'kin. "'Wag niyo na ako intindihin. Ituloy na natin 'yong celebration."

"Okay! Tara, kainan na!"

Lahat sila naupo na sa mesa. Paupo na rin sana ako kaso hinawakan bigla ni Lucas 'yong kamay ko. Tiningnan ko siya. Kakaiba 'yong tingin niya sa 'kin. Hindi ko mabasa kung anong naiisip niya. "'Wag mo muna siyang isipin para hindi ka nagkakaganyan."

Hindi ko siya sinagot. Inalis ko 'yong kamay ko sa kamay niya. Dumiretso na lang ako sa upuan ko. Nakangiti pa rin ako. Oo, pilit na ngiti. Araw 'to ni Kuya Charles at Ate Serina kaya ayokong sirain.

"Yehey! Kain na. Happy anniversary, Kuya at Ate Serina!" masaya kong sabi.

"Thank you, Candice," sabi ni Ate Serina.

"Aba, bigla ka 'atang sumaya riyan, Manang?"

"Syempre! Ang daming pagkain e!" Pinilit ko pa rin na ngumiti. Ayokong maging makasarili at lalong ayoko na nag-aalala sila sa 'kin. "Kain na tayo?"

Mukha namang naniwala silang lahat sa 'kin. Masaya lang kaming kumain. Kahit kailan, hindi ako binibigo ng mga luto ni Mama. Gumaan na 'yong pakiramdam ko dahil sa mga pagkain. Bakit ba naman kasi ako nalungkot? Dahil ba sa nakita ko? Dahil ba kay Jeydon?

Bakit ko pa ba iniisip at inaalala 'yong taong wala namang pakialam sa 'kin?

'Yong taong matagal na akong kinalimutan.

Umakyat agad ako sa kwarto ko pagkatapos namin kumain. Sinabi ko na lang sa kanila na pagod na ako. Gusto ko lang muna na mapag-isa.

Humiga lang ako sa kama ko. Paulit-ulit ko pa rin nakikita si Jeydon na nakahiga sa sahig. Hindi ko kayang hindi siya isipin.

Candice, hindi mo na siya mahal.

"Siguro nga kahit na hindi na kita mahal, hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala sa 'yo..."

Ipipikit ko na sana 'yong mga mata ko pero narinig ko 'yong boses ni Lucas..

"Candice..."

Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko. Bago ko pa man siya buksan, nagsalita ulit si Lucas.

"Mahal mo pa ba siya?" Sa tono ng boses niya, alam kong malungkot siya.

Mahal ko pa ba si Jeydon?

Hindi na, wala na. Wala na akong kahit anong pagmamahal na nararamdaman para kay Jeydon dahil lahat ng pagmamahal ko sa kanya, napalitan na ng galit.

"'Wag mo na siyang mahalin. Ako na lang... Ako na lang 'yong mahalin mo."

Kung nauna lang sana kitang nakilala, Lucas. Sana nga ikaw na lang 'yong minahal ko. Alam ko naman na hindi mo ako kayang saktan e. Hindi mo ako hahayaan na masaktan.

"Candice, maghihintay ako. Maghihintay ako na mahalin mo rin ako. Maghihintay ako kahit na gaano katagal."

Lucas, patawarin mo ako. Patawarin mo ako kasi hindi ko maibalik sa 'yo 'yong pagmamahal na binibigay mo sa 'kin ngayon. Sana kaya rin kitang mahalin katulad ng pagmamahal mo sa 'kin.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon