Chapter eighteen(Coward and Brave)

Start from the beginning
                                    

Natamaan ako ng sobra sa sinabi ni Larry.Tama siya.Hindi ko alam na ang taong minsan inapi at sinaktan ako ay ang taong magmamahal at magpapaunwa sa akin ng totoo.Hindi ko napigilan ang mga luha ko.Hindi ko parin kayang sabihin  ang totoo kay Taylor.Hindi ko pa kaya.Pero dapat kakayanin ko.Sa tamang panahon.

Pumunta na ako sa susunod kong klase.Pagkadating ko sa room naabutan ko si Leah may hawak hawak na roses.Nagpanggap nalang ako na masaya at okay..

"Kanino galing yan?"Tanong ko kay Leah.

"Hindi ko rin alam.... Pero nakakatawa ang nilagay niyang code name..."-Leah

"Ano"-Ako

"Boy Negro version 2.0 hahahaa"Sabi ni Leah sabay tawa pa.

"ANO?????????Nakakatawa naman talaga kasi ang code name niya.."

Natigil ang usapan namin ni Leah ng dumating si Prof.Declaro.At ayun.Nagsalita ng salita si prof. at ako walang naintindihan.Thank you.Hay.Natapos ang klase namin napuro tanong yung nasaisip ko.May quiz pa naman bukas.

"Ah Cely......Hindi muna kita masasamahan ha? Gusto kasing makipagkita ni Boy Negro eh?"-Sabi ni Leah sa akin sabay tayo.Talaga?Makikita pa ba niya yung negrong yun?

"Ewan ko kung safe yang Boy Negro"-Ako

"Siguro.Don't worry pag may ginawa siyang masama alam niya na ang kalaban niya.."Sabi pakita ng kamao niya.

"Sige.Praktis na ako."Paalam ko naman sa kanya.

"Good luck Cely I love you."-Pshhh si Leah talaga.Kahit papaanu na bawasan ang lungkot ko.

Cody's POV(wow!!!!!!! your back?)

"Dude ok ka lang?"Pahabol na tanong ko kay Larry habang nakita ko siyang nagmamadali sa Boy's C.R.Pupuntahan ko sana siya sa pictorials niya sa Hall..Malay kailangan niya ng moral support kaso pagdating ko doon tapos na.Hinanap ko siya at ayun nandoon na siya sa loob ng cubicle sa C.R.Parang babae naman ang arte ng isang to.Pero hinayaan ko na.Kilala ko si Larry pag ayaw niya ng kausap.Wag mo siyang kausapin.Sayang magtatanong pa sana ako kung paano manligaw.

May dala ako ngayong bulaklak.Pink roses ang binili hindi dahil sa bakla ako.Hindi ko alam pakiramdam ko pag red roses ang binili ko parang ko naring sinabi na mahal na mahal ko siya.Nanliligaw palang naman ako diba?Pumunta na ako sa room nila.Pagkadating ko doon.Wala pang tao good.Nilagay ko yung bulaklak sa desk at hinintay siya.Kaso ang tagal.Three minutes nalang magstastart na ang klase ko..\Sa kabilang building pa naman yun.Nilagyan ko nalang ng note.

To: Lenika Allison,

Can we meet at the school canteen.At 3:00 pm.This is your secret admirer.

 From------Inisip ko ang bagay na code name kaso baka malaman niya agad na ako to mawawala ang thrill.Ano kaya kong..BOY POGI Baduy.Obvious masyado.(Ano daw?)Boy Negro? hindi.Masyado namang  nakakatawa...At dahil parating na sila. At hindi pwede na maabutan niya ako dito dahil ang totoo..Naduduwag akong yayain siyang lumabas.At dahil doon..

Ito ang nalagay ko.......From: Boy Negro version 2.0

Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang nasulat ko.Ganoon talaga ako eh natataranta kapag kinakabahan.Habang nasa klase ako hindi ako makafucos.Hanggang sa tinanong ako ni Prof. at ayun natameme lang ako..Hay naku.First time kung manligaw.Hindi ko alam ang ginagawa ng nagdadate.At may isa pa akong malaking problema.Paano kung hindi siya sumipot?Sa tingin niyo anong iisipin niya sa taong Boy Negro version 2.0 Ang code name aber?Hay naku naman.Coernellio Diosdado.

"Ok class dismiss."

At heto na.2:45 pm may ilang minutes pa ako.Binilisan.ko ang punta sa canteen.Kaso wala akong nadatnan na Leah.Lumabas ako na laylay ang balikat.4:45 na kaso wala pa siya.Halos isang oras din akong naghintay.Dahil sa dismayado ako....Hindi ko namalayan na may babaeng padaan at nabangga ko..Nong makita ko ang itsura nagulat ako.

"Leah?" Gulat na tanong ko...

"Cody anong ginagawa mo dito?"-Leah

"May hinihintay."-Cody

"Ako din."-Sagot niya.

Anak ni Boy Negro anong sasabihin ko.!!!

"Hmm........Cody........"-Leah

"Bakit?"-Ako

"May kilala ka bang gumagamit ng code name na Boy Negro version 2.0?"-Leah

"Yung nagpadala ng bulalak sayo?"Haay naku...Ang duwag  ko.

"OO!!!"-Leah

"Yung yumayaya sayong lumabas?"-AKO

"Oo paano mo nalaman.?"-Leah

"Kasi-si........K-kasi........"Naku!! Na uutal pa ako.

"Cody, please.Kailangan ko siyang mameet."-Leah

"Leah..Wag ka sanang magagalit."-Ako

"OO naman.Ba't naman ako magagalit?"-Leah

"Leah kasi .........Ano..........kAsi......Ako si---------"

"Oi!!!!!!!! Kayong mga bata kayo.....Diba ang siling ko(sabi ko)........Eh bawal magistambay dito pag alas singko na?!!!"Sigaw ni manang Kaye(Crazy  Kaye.Lab you.)May plano bang sumunod sa yapak ni Taylor si manang Kaye.......Moment wrecker.......

"Ah sige alis na po kami" sabi ni Leah.

Umalis na kami Leah at pumunta sa bench at umopo."Hay nakakainis talaga yung canteen staff nayun."-Pagmamaktol ko.

"Hahaha!!! Eh tayo naman kasi ang may kasalana diba?"-Leah

"Sabagay."Sabi ko at nag buntong hininga.

"Tungkol doon kay......Alam mo na?"-Leah

"Ah.....Tungkol doon.....Yong si boy Negro ay si.".-Ako

"Sino...Please.......Cody nakikiusap ako."-Leah

"Si...................

.......................

.......................

.......................

......................

.......Nyke.......Pinsan ko........"

"Teka......Hindi ko naman kilala.? Paano niya ako nabigyan ng Bulaklak.? Eh diba hindi siya dito nag-aaral?"-Leah

"Ah kasi.Nakita ka niya sa facebook ko.Tapos nagtanong siya kung kilala kita kaya ayun.Baka na love at first sight."-Ako

"Ah....Eh bakit hindi siya dumating sa canteen? Baka siguro dahil late ako nuh?"-Leah

"Siguro?"-AKO

"Sige Cody mauna na ako."Pagkasabi niya nun umalis na siya.

At isa lang ang nasabi ko.Duwag ka Cornellio Diosdado.

This can't be LOVE.Where stories live. Discover now