"Vaughn!"

"What?"

"Ilayo mo si Alexia kay Earl. They're getting close alam mo ba 'yun? Kaibiganin mo si Alexia! Court her an show Earl na dapat ako lang ang babaeng magugustuhan at mamahalin niya!"

I wasn't really gonna help her that time pero nang marinig kong involved ang pangalan ni Alexia ay doon na nagsimula.

I would benefit too. Magiging close ko si Alexia at magiging sila Earl at Christine pa rin. Damn it, ayokong nakikitang nagwawala ang kapatid ko.

She's really creepy when she's mad and desperate. Ang sabi ni daddy ay may sakit daw sa utak si Christine pero hindi naman daw ganoon kalala kaya hindi na siya ipinagamot. I mean, she can understand and communicate to people.

Kung tutuusin nga ay parang wala siyang sakit.

So the plan started. Ginawa ko naman ang pakikipagkaibigan kay Alexia na para bang hindi 'yon parte ng plano and nang ma-realize ko, I was already befriending her out of my own will at hindi na dahil sa plano ni Christine para mapasakanya lang si Earl.

Alexia is a smart girl. Hindi ko alam kung bakit naging tanga siya kay Earl. Can't she see me? Naandito naman ako lagi para sa kanya pero hindi niya magawang maramdaman ang pagmamahal na pwede kong ialay sa kanya.

So when I got the chance to get out with her, alam ko na kung saan kami unang pupunta. Sa church. Gusto ko na doon ko siya unang dalhin para ipakita siya sa Diyos.

Gusto kong hilingin si Alexia sa Kanya at gusto kong sabihin sa Kanya na sa'kin na lang sana ang babaeng 'yon. Dahil ako, iingatan ko siya.

"Lord, if it's in your will, then give Alexia to me. Mahal ko po siya, Panginoon and I will love her, only her kapag dumating na ang tamang oras na mapasa'kin siya. Lord, please take care of her heart first and give it to me when You know that she's finally ready..."

Ganon lagi ang dasal ko. At hindi ko naman inakalang magkakatotoo.

When her relationship with Earl was revealed, doon ako pinakanag-alala sa kanya. They were trying their best to keep it kaya naman noong nalaman kong pinalayas siya sa kanila at saktong wala ang mama ko sa bahay ay agad ko siyang tinawagan. Offering help.

Sa oras na 'yon ako naging mas vocal para sa nararamdaman ko sa kanya. Pinaalam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal sa pamamagitan ng kilos at paulit-ulit na pagsabi sa araw-araw ng mga salitang 'Mahal Kita'.

Every night before I sleep, I would always check on Alexia. Kung okay lang ba siya sa kwartong 'yon at kung maayos ba siyang nakakatulog. Sa ilang araw na nag-stay siya sa bahay namin, laging ganoon ang ginagawa ko.

Kung pwede nga lang na tabihan ko na lamang siya sa kama at sa pagtulog ng palihim ay ginawa ko na pero ayoko din namang gawin 'yon.

Wala pang kami. I respect her. I respect her but damn me for not stopping myself from secretly kissing her on her forehead and at the side of her lips every time she's asleep.

I'm smitten! Seriously smitten.

When her mother died, alam kong kailangan kong manatili sa tabi niya. All those sleepless nights para matulungan siya sa burol ng kanyang nanay ay ayos lang. Ayos lang na hindi ako makatulog dahil gusto ko siyang nasisilayan. Kahit pa ganoon ang lungkot sa mga mata niya, basta nakikita ko siya ay lalakas ako. Gusto ko siyang samahan sa isa sa pinakamahirap na yugto sa buhay niya.

It was hard for her to move on and I was a witness for all of her tears, her sobs and her wailing dahil sa lungkot at pagsisisi sa pagkawala ng nanay niya. I don't want her like that pero wala akong magagawa. All I could do was stay by her side until she becomes happy again.

Nang matanggap niya lahat, I was really happy dahil nakikita ko ng muli ang kislap sa kanyang mga mata. Kislap na isa sa mga dahilan kung bakit ganito katindi ang pagkahulog ko sa kanya.

Napatingin ako sa kanya habang nakaluhod siya at pinagmamasdan at kinakausap ang puntod ng mga magulang niya. I crossed my arms over my chest and a little smile appeared on my lips.

She's really adorable. In a second, she will cry because of how much she miss her parents at pagkatapos non ay tatawa siya dahil magke-kwento na siya sa mga ito.

Para siyang baliw sa lagay niyang iyon pero it's all okay for me. Kung baliw siya ay mas baliw ako.

I'm so crazy and so hopelessly in love with her. For God knows how long.

Tumayo siya at tahimik na nagdasal. Ganon din ang ginawa ko and when she opened her eyes, sinalubong nito ang mga tingin ko.

"Salamat sa pagsama..." ani niya saka hinawakan ang kamay ko.

Tumango ako at ngumiti. "For you. Tsaka pupunta rin naman tayo sa wedding organizer..."

Nakita kong lumamlam ang kanyang mga mata at kinagat niya ang kanyang mapulang pang-ibabang labi pagkatapos ay bahagya iyong umawang.

Napalunok ako. I squeezed her hand and narrowed my eyes while staring at her.

"Are you seducing me?" tanong ko sa kanya.

She raised her brow and stared at me. Damn, she looks really hot when she's raising her eyebrows at me. So feisty, so... so lovable.

"No, I am not."

"Then stop biting your lip..." ani ko bago ngumisi. Nakita ko namang namula ang kanyang mga pisngi. Mabils ko siyang hinalikan doon.

"Vaughn, ano ba!" saway niya sa'kin nang mapunta ang kamay ko sa kanyang beywang.

"I so love you, Alexia..."

She sweetly smiled at me and gave me a short sweet kiss. "I so love you too, Vaughn Darren..."

Mahigpit ko siyang yinakap at isinubsob ang aking mukha sa kanyang leeg. My hands moved down from her waist down to her butt at marahan 'yong pinalo.

"Vaughn!"

"Sorry. I cannot stop myself..." ani ko bago hinalikan ang kanyang tainga. Napahagikgik siya bago hinawakan ang aking kamay at yinaya na ako paalis.

"Excited ka na ba?" tanong niya habang pinaglalaruan ang daliri ko. Lalo na yung daliri kung nasaan ang engagement ring naming dalawa.

Tumango ako. "Yes. Kung alam mo lang. Kung pwedeng ngayon na lamang tayo magpakasal, I could do it in a heartbeat!"

Malakas siyang tumawa at kinurot ang aking pisngi. "Thank you for loving me this much, Vaughn..."

Lumamlam ang mga mata ko. "Hindi kita mamahalin kung hindi ka dumating sa buhay ko thank you. Thank you for coming into my life, baby..."

I gave her another long passionate kiss. Bago kami tuluyang pumunta sa wedding organizer ay saglit din kaming dumaan sa simbahan. Nagdasal at nagpasalamat.

Lalo na ako. I have a lot of things to be thankful for. Dahil tinupad ng Diyos ang tangi kong hiling. Kahit na hindi pa rin kami nagkakausap ni daddy hanggang ngayon ng maayos, I know the issue is over.

He is still my father.

Ngayon, si Alexia na ang buhay ko. My life will always depend on her, it may be a bad thing but I don't care. This is how much I love her.

After years of secretly loving her, after six years of courting and recognizing confused feelings, I finally got her as my girlfriend. The time that I can call her officially and only mine. Only mine.

And after three years of being together, now she is the girl that I going to marry.

No doubts. No excuses.

Just only one right reason.

It's because I love her.

***
a/n: sorry it's lame and sorry for the typos. ganito lang talaga kaiksi ang epilogue na pinlano ko sa h'wag magtaka. thank you for reading and hope you'll support my other stories. maraming maraming salamat! say goodbye to vaughn and alexia! Hahaha.
Twitter: @jeweeelwrites

For All The Wrong Reasons (COMPLETED)Where stories live. Discover now