Ang aga kong nagising. Siguro dahil excited lang akong pumasok at makahanap ng mga bagong kaibigan. Kinakabahan ako ngayon dahil Hindi ko alam ang ugali ng mga kaklase ko. Nag bihis na agad ako pagkatapos kong kumain at maligo. Nag madali akong pumasok sa school.
------------------------------------------------------
School
Haysss. As expected late ako. (-_-)
Agad akong pumunta sa classroom ko pero Sarado na Ito. Nasa quadrangle na ang mga istudyante. Nagsimula na ang Flag Ceremony. Pag tingin ko sa flag pole si Dane ang nakita ko. Ang aking kaklase/ kaibigan for 7 years. Siya ang nagtataas ng watawat ng pilipinas. At sa wakas Natapos ang Flag Ceremony. Dumeretso na ako sa classroom ko.
Classroom
Nakita ko ang isa sa aking mga kaklase noong elementary, si Jlaw. Kaibigan ko rin for 7 years. Siya ang katabi ko sa upuan
Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang mga ugali nila. May magiging kaibigan kaya ako dito? Ayan ang tumatakbo sa isip ko. Isa isang tinawag ng teacher ko ang mga pangalan namin para i- introduce ang sarili namain sa harap. Now it is my time to introduce myself. I step forward as I go infront .
Oh my god. Kinakabahan ako. Pero kailangan kong maging maayos at umaktong Hindi kinakabahan. "Hi my name is Merlyn Leondale Arcron. I live in San ildefonso Bulacan. I am 12 years old." Habang sinasabi ko yan ay napukaw ang atensyon ko ng isang lalaki. Isang gwapo, matipuno, at mukhang mabait na lalaki. Ngayon oras na ng mga lalaki upang magpakilala. Excited na akong malaman ang pangalan niya. Ngayon time na niya upang magpakilala.
" Hi my name is Lorthan Martin Horland. 13 years old. Live in San Miguel bulacan."
Gosh ang Ganda ng pangalan niya. Ang tangkad niya. Ang tangos ng ilong niya. Tama lang ang katawan niya. Jusko inoobserve ko na pala siya. Pero mukhang snob. Di man lang ngumiti. As usal sa sumunod na subjects namin puro introduce your self. Kaimbyerna paulit ulit na lang. Nakasundo ko agad ang isa sa mga babae kong kaklase si Vianie. Siya ang seat mate ko.
Tumunog na ang bell ibig sabihin recess na. Kasabay ko nag recess si jlaw, jastine at dane. Bumili lang kami ng burger then balik sa classroom. Ung mga kaklase ko may mga kaibigan na magkakasundo na. Samantalang ako iisa pa lang ang kasundo.
Lunch
Hayss mag isa na lang ako sa row 1. Dumating na si papa at binigay sa akin ang lunch ko. Habang kumakain ako nilibot ko muna ang aking paningin sa buomg classroom. Nang makarating ang paningin ko sa likod napako ito sa mga kaklase kong nag lulunch. Uy gusto mo ba sumabay sa amin mag lunch? Tanong sa akin ng kaklase kong sofia? ata ang pangalan. Sige na lang ang tugon ko nahihiya ako eh. Im so shy hahahahaha.
Pagkatapos kong mag lunch nag datingan ang iba kong mga kaklase. 1 pm na at nag simula na uli ang klase namin. At introduce your self uli. Nung uwian na sinundo ako ng papa ko. Naka motor lang kami.
Bahay
Pag uwi ko sa bahay sumalampak agad ako sa sofa. Pagod na pagod ako sa pag papakilala sa harap ng klase. Naalala ko nanaman si lorthan haysss. Nakatulog ako sa mga naalala ko.
