thirty-one

1.6K 54 8
                                    

Thirty-One: Kimberly

HINATID KAMI NI TITO RICARDO sa bahay saka nagpaalam na rin ito para umalis. Alam kong pupuntahan nito si Tita Gemma.

Samantala, tila hindi pa rin nakakamove on si Ate sa nangyari. Tulala pa rin siya kahit matapos uminom nang tubig. Hindi niya rin napansin kanina si Hope na kanina pa umiiyak, at nakatulog na lang dahil siguro sa pagod.

Naramdaman ko nang may mangyayaring hindi maganda bago pa man magsabi si Ate na pumunta ng mall para bumili ng mga bagong gamit ni Hope. Lalo na nang tawagan niya si Tito Ricardo para sunduin kami doon. Kaya nga laking takot ko nang makitang nandoon din sina Miles at si Tita Gemma.

Si Tita Gemma. Dama ko ang galit niya kanina. At nasasaktan ako, naaawa. Kung pwede nga lang, gusto kong pumunta sa kanila ngayon, lumuhod, humingi ng tawad. Pero alam kong hindi pa ngayon ang tamang panahon. Siguro, sa susunod na araw, kapag alam kong medyo kalmado na ang lahat.

"Huh," singhap ni Ate. At alam kong ang nangyari kanina pa rin ang nasa isipan niya. Tumingin siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. "Ikaw, matagal mo nang alam, 'no?"

Marahan akong tumango at napasinghap na naman siya. Iniwas niya ang tingin at inisip ko kung magpapaliwanag pa ba ako pero itinaas ni Ate ang parehong mga kamay. "Okay lang, hindi mo na kailangang magpaliwanag."

Hindi naman parang galit ang boses niya. Bagkus ay mababanaag doon ang pagod. Tumayo si Ate Kath. "Maliligo lang ako. Pakitingnan na lang si...nasaan pala si Hope?"

At naalala niya na rin ang anak niya. "Nandoon po sa kwarto, natutulog na."

Tumango siya. "Sige, pakibantayan muna." Saka siya dumiretso na sa banyo.

Naiwan naman ako doong mag-isa, papapunta na dapat ang isipan sa kawalan nang marinig kong mayroong tumunog. Napatingin ako sa cellphone ni Ate Kath sa ibabaw ng mesa. Mayroong tumatawag pero hindi nakasave yung numero. Ilang sandali ko yung tinitigan, iniisip kung kukunin ko ba o sasagutin o hahayaan na lang na si Ate Kath ang sumagot mamaya.

Hindi pa ako nakakapagdecide nang tumigil iyon. Pero ilang sandali lang at tumunog ulit, parehong numero. Baka importante. Hindi naman siguro ito tatawag nang maraming bese kung hindi.

Inabot ko na ang cellphone ni Ate saka tinap ang answer button. Ngunit hindi pa ako nakakabati nang agad nang nagsalita sa kabilang linya. "Buti naman at naisipan mo nang sumagot Katherine," sabi ng isang boses lalaki. "Hanggang kailan mo ba balak itago sa akin ang anak ko, ha?" Suminghal ito at napatutop naman ako ng bibig. Anong sinasabi nito?

Nagpatuloy ito. "Baka nakakalimutan mo, kasama mo ako ng ginawa siya. Kaya ipakita mo sa akin ang anak ko kung ayaw mo nang gulo!"

Tumaas na ang boses nito at napasinghap ako. Alam kong dinig iyon sa kabilang linya. "Hello? Katherine, nakikinig ka ba sa akin? Hello? Hello?"

Pinatay ko na ang tawag at saka tinitigan yung cellphone pagkatapos. Totoo bang narinig ko iyon? Pero...sino yung tinutukoy nung lalaki? Wala namang ibang anak si Ate maliban kay Hope.

Pero kung totoo nga yung sinasabi ng lalaki, bakit pinalabas ni Ate Kath na anak ni Tito Ricardo si Hope? Sino bang nagsasabi ng totoo?

Isa lang ang paraan para malaman 'yun.

Dinampot kong muli ang cellphone ngunit nanghihingi na ng password. Mabuti na lamang at ilang beses ko nang hindi sinasadayang nakikita si Ate na nag-iinput ng password. Madali lang naman iyon – birthday ni Hope. Inilagay ko na iyon at nagkaroon na ako ng access. Agad kong tiningnan ang call logs at kinopya ang numero nung lalaking tumawag sa cellphone ko saka ko binura yung history.

Good to Me (GU #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें