"Kamusta lovelife?" tanong ko sa aking kapatid dahil ang tahimik niya.  Hindi ko din alam kung bakit ko ba tinatanong pero kasi parang di na ako updated sa buhay ng isang to. 
Hindi ito sumagot at tila parang lutang ang utak.

"Si Gab-"

"Hindi ah" mabilis na sagot niya.


"Yan na nga ba sinasabi ko, may gusto ka sa kanya no" panghuhuli ko sabay ngiti ng nakakaloko. 


Sinamaan niya lang ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Kilala ko ang kapatid ko kaya alam ko kung may tinatago ba siya o wala .  Pero ngayon sa tansya ko, mukhang meron. Kaya di ko talaga to palalampasin. 


"Nakakapagtampo ka na ah.  Wala ka ng sinishare sakin about sayo " pagmamaktol ko. 



Simula kasi pagkabata, iba na ang closeness naming magkapatid. Yung tipong walang secret ang bawat isa.  Ultimo mga epic na nangyari, crushes, lovelife, at buong pangyayari sa maghapon nalalaman ng bawat isa samin.  Pero ngayong mga teenager na , unti unti ng nagbabago.  Kagaya ngayon



Kumagat muna ito ng hotdog na hawak niya bago ako nilingon.


"Eh kasi naman ate, wala naman akong feelings kay Gabby. Di ko siya type" walang pagaalinlangan na sagot niya sakin sabay simsim ng gatas. 



"Hay nako.  Bagay sana kayo kaso lang kalalaki mong tao ang arte mo.  Complete package na kaya si Gabby. Mabait, maganda, medyo matalino, may talent, mayaman, caring, at nandy-"



"Ang sabihin mo may gusto ka sa kapatid niya , kay Gabriel" putol niya sa sasabihin ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. 


"Wag mo ngang ilipat sakin.  Ikaw yung tinatanong ko eh" pagalit na tono ko pero nanatiling nakangiti ang mokung.


"Makaligo na nga"


Agad akong tumayo at umakyat sa kwarto para maligo ,baka kasi lalo pa akong asarin ng magaling kong kapatid sa Gabriel na yun.  Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay pag inaasar ako sa isang lalaki.  Kasi nga diba, pag lalo kang tinutukso parang lalo ka lang nagkakakagusto.  Pero sa lagay ko, wala naman akong gusto kay Gabriel, nagagwapuhan lang. 



Anyways, kumuha na akong damit sa closet para magbibihis nalang  ako mamaya. Plain white tshirt, jeans and rubber lang ang susuotin ko para mas komportable gumalaw.  Wala namang sinabi samin na required suotin kaya na samin ang desisyon. 


Dumako ang aking mata sa aking cellphone na nasa side table. Di ko alam kung anong nagudyok sakin na icheck yun kung may nagtext ba pero wala naman.  Yan tuloy, dahil sa bwisit kong kapatid maya't maya na akong naasa na may text message na galing kay Gabriel.  Tsk.  Makaligo na nga. 



Matt's POV


From: Gabriel

Bro, asan na kayo?


Mabilis akong nagtype ng irereplay kay Gabriel dahil kanina pa siya nagtetext kung nasan na kami. Masyadong excited.

To: Gabriel

         Bahay pa.



Pinatay ko na ang aking cellphone matapos itap ang send button.  Nandito nga pala ako sa may sala namin, at naghihintay sa napakabagal kong ate. Halos mga 20 minutes na akong nakahilata dito sa sofa at wala pa ring nagbabago.  Kanina pa ako nakabihis at mauuna na sana, kaya lang baka magalit yun kaya eto hinihintay ko na.


Worst Section Where stories live. Discover now