Habang si Maymay ay nagsasaya dahil sa kanyang bagong gupit na buhok, si Edward naman ay nakatingin lang sa isang sulok.
Bakas sa kanyang mukha ang isang masayahing tao na parang lumulutang ang kanyang totoong ganda at ningning nang kanyang puso.
Sumasayaw habang kumakanta na parang walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya basta yon ay siya.
Hindi niya napanpansin na may isang tao sa sulok na laging nakatingin sa kanya. Habang patuloy sa pag-ikot, napansin ng dalawang mga mata niya ang hindi masayang mukha ng kanyang kaibigan.
Hindi siya makatiis at nilapitan niya ito sabay sabing, "Ano ba Edward, bakit hindi ka nalang maging masaya para sa akin? Hinintay pa ang ilang minuto bago siya nito sinagot. "I'm always happy for you." Hindi man lang ngumiti ni magpakitang enteresado siya sa kanilang usapan.
Ayaw niya man itong itanong sa kanya pero pinilit niya ang kanyang sarili na makipag-usap sa hindi maintindihang kaibigan. Hindi niya gustong nakikita na nalulungkot ito dahil sa kanya. Alam niya sa sarili niya na importante sa kanya si Edward pero hindi niya ito masabi sabi nang harapan dahil maraming taong nakatingin sa kanilang paligid.
"Ano pa bang gusto mo Edward?"
Hindi na naman siya sumagot at nakipagtitig lang kay Maymay. "You, Ikaw ang gusto ko Maymay."
YOU ARE READING
Mayward
FanfictionMaymay Entrata 19 ay isang simpleng babae na nangangarap nang isang magandang buhay para sa kanyang pamilya at gagawin ang lahat para matupad ang mga pangarap na kanyang inaasam-asam sa buhay. Ano kaya ang kaya niyang gawin para makatungtong hanggan...