kainis

15 0 0
                                        

Ayoko na!! Ayoko na talaga sa kanya! Iiwasan ko na talaga syaaa hays. Pero as if. Nun last kong sinabi yun, kinulit lang nya ko ulit wala na FAIL nagpapansin ka na naman ann! Yan problema sayo eh! Bat ba di mo magawang iwasan o di kausapin yun magulong lalaking yun. Pinapaikot ka lang nun. Lol wait. Anong pinapaikot? Eh ako lang naman tong nagbibigay ng kahulugan sa lahat ng ginagawa nya. Wala naman kasi syang paki sakin. Yun ang totoo. ... pero yun nga ba talaga ang totoo? Talaga? Eh bakit dati, nun nagkaleche leche ang lahat bigla syang nangiwas as in IWAAAS na para lang akong hangin at lahat ng pangungulit nya nawala na parang bula. Hay! Kung di lang naman kasi nagkaganon di ako maoobssess ng ganto. Promise yun lang yun. Yun lang bigla nyang pagiwas at di pagpansin. Nakakapagtaka kasi. Nung oras kasi na yun parang huli naming pagkikita kinukulit pa nya ko tapos ANYARE sunod na araw wala kulang na lang magwave ako sa mukha nya at sabihin "hello yuhoo ann nga pala parang nakakalimutan mo eh" kasi ba naman kay mael todo pansin na parang normal lang pero ako SNOB hala wow koya ano ginawa ko sayo may problema ka sakin?? Tas wala pagkatapos nun tuloy tuloy na, mga isang week din ganon ang lumipas na iwas sya so eventually umiwas din ako sabay all of a sudden ok na ulit, namamansin na sya nangungulit pero di na yun tulad ng dati. Diba ang gulo nya?? Hahahahah. Kaloka eh. So ang happening nga nagbalik ulit sa normal, namamansin na sya pero di na talaga yun tulad ng dati pero ok lang sakin aba basta walang umiiwas sakin pero bigla ba naman syang iiwas ulit!!! As in kaasar!! Sa sobrang asar mapapaiyak ka na lang na parang ewan. Lol. Ayoko na talaga! Hindi ko sya maintindihan! Di ko na talaga sya papansinin pramis. Bahala sya sa buhay nya :)

02 12 17 // 11.48 pm

hayDes histoires addictives. Découvrez maintenant