Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

CP4:The Incident

344K 6.1K 1.1K
                                    

Nabalot ng takot ang mga studyante matapos ang pagkamatay ni Bianca. Hindi makapaniwala si Erika na si Bianca ang napiling pagkatuwaan ng taong gumagawa sa kanila nito. Si Bianca kasi ay yung tipo ng kaklase na halos walang kibo sa lahat ng bagay. Kaya naman lahat sila'y nagulat sa sinapit ng dalaga.

Alas-nueve na ng gabi ngunit gising pa rin si Erika. Mahimbing nang nagpapahinga sina Arsela't Xyza sa kanilang mga sariling kwarto. Hindi mapakali si Erika sa kakaisip ng mga plano para malaman kung sino ang nasa likod ng mga patayan. Napadungaw siya sa bintana nang makita niya si Tiffany, nakaupo ang dalaga sa isang bench katapat ng dorm nila.

"Oh? Bakit hindi ka pa yata natutulog?" Pamungad na tanong ni Erika sa kaklase. Umupo siya sa tabi ni Tiffany't napangiti nang makitang nakapangalumbaba ang dalaga.

"Wala. Naalala ko lang si Bianca. Masyado siyang insoente para gawin sa kanya 'yon." Malumbay na sagot ni Tiffany. Hindi na sumagot pa si Erika't nakayuko lamang. Bahagyang napangiti si Tiffany at mahinahong tinapik sa gilid si Erika. Tumayo na siya't nagpaalam para magpahinga. Pabalik na sana si Tiffany nang bigla siyang nakaramdam ng malakas na hangin sa kanyang tagiliran. Bumilis ang tibok ng puso niya nang maramdama't makita sa kanyang peripheral vision ang kutsilyong dumaan sa gilid ng kanyang taenga.

"E-Erika..." Nanginginig na bulong niya sa pangalan ng kaklase. Mariin siyang napalunok na makita ang kutsilyo sa sahig. Nilingon niya agad ang kaklase't nakitang nanginginig siya sa kaba. Hindi makapagsalita si Erika at tila gulat na gulat sa nangyari. Napalingon ang dalawa nang makitang bumukas ang pintuan sa dorm nila Erika.

"Erika? Bakit hindi ka pa pumapasok? Let's have our beauty rest na..." Anyaya ni Xyza sa kaklase na nasundan ng paghikab. Halatang inaantok ang dalaga dahil sa kanyang pagkusot sa kanyang mga mata.

"Ah----Sige, mauna na 'ko, Tiffany." Paalam ng dalaga sa kaklase't dumiretso papasok ng dorm. Hindi makagalaw si Tiffany sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig sa kutsilyo sa sahig. Muli, lumingon siya sa bintana at nakita si Erika na nakangiting pinagmamasdan siya mula sa loob. Nanlaki ang mga mata ni Tiffany't nagdesisyong kumaripas ng takbo palayo sa dorm ng kaklase.

Ilang metro mula sa dorm nila Erika, abalang nag-iikot sina Jacob at Grace sa dalawang dormitories. Sinisigurado nilang lahat ay sumusunod sa curfew ng school. Upang mapabilis ang pag-iikot, nagdesisyon silang maghiwalay. Si Jacob ang bahala sa dorm ng mga lalaki, at si Grace naman sa dorm ng mga babae.

"Let's split-up para matapos na natin ang pag-iikot. Inaantok na rin kasi ako. Magkita na lang tayo rito sa ilalim ng punong balete ha?" Suhestiyon ni Grace na agad ding sinang-ayunan ng binata. Tumungo sila sa magkasalungat na direksyon upang agad masimulan ang kanilang trabaho.

Tapos na si Grace sa kanyang pag-iikot nang maramdaman niyang mayroong sumusunod sa kanya. Sinubukan niyang tumakbo't magtago nang marinig ang malalaking hakbang mula sa kanyang likuran. Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang may umakap sa kanya patalikod at tinakpan ang kanyang bibig.

"Let's play a game." Mapanghibong bulong ng binatang nakamaskara. Sinubukang manlaban ni Grace ngunit sadyang malakas ang pagkakayakap sa kanya ng binata. Kinagat ni Grace ang nakatakip na mga palad sa kanyang bibig dahilan para mapaatras ang binata.

"Aray!" Sigaw ni Maki habang yinuyugyog ang kanyang kinagat na palad sa hangin.

"Arghh! Hindi ka nakakatawa Maki ha!" Napipikong sigaw ni Grace sa binata.

"Joke lang naman 'yon babe eh." Paliwanag ni Maki. Binilisan ni Grace ang kanyang paglakad ngunit pilit siyang sinundan ni Maki.

"Get lost Maki! And please, 'wag ka ngang maingay. Alam mo namang delikado if may makaalam na may relasyon tayo." Naiinis na bulong ni Grace.

Class PictureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon