"Hala. Panong weird? bilis sabihin mo agad" excited na saad ni vice sakin.

"Ang bait nya lang. nanood kaming movie kanina, tapos nayakap ko sya sa sobrang takot ko. tapos niyaya nya ako sa kwarto nya nagkwentuhan kami hanggang sa makatulog sya. Ayun lang hehe" nakangiti kong kwento sa kanya. Di ko nalang minention yung about sa new girlfriend ni vhong kasi baka din alam nya na yung about dun eh.

"Wow! Naks. iba din anne eh hahahaha. masaya ako para sayo. hmm teka yun lang? di nyo napag usapan yung about dun sa alam mo na"

"Uh about that. hindi pa eh.. today's not the right time i think. ang mahalaga eh kahit paano nagkaron kaming closure kanina. Well closure nga bang masasabi na yun? basta ayun. sana nga hindi magbago yung pakikitungo nya sakin eh"

"Bakit naman" nagtatakang tanong ni vice sakin. bakit nga ba? baka kasi ngayon lang naman to tas the next day wala na diba? mahirap din umasa.

"Baka kasi ngayon lang naman to. Ayoko namamg umasa na kada magkikita kami maayos nya akong pakikitunguhan diba. dun lang tayo sa totoo haha" Natatawang kong paliwanag. Tama naman kasi diba? i dont want to give myself a false hope. Mahirap na, kasi kung ganon sasaktan ko na naman sarili ko diba.

"Haha. sira, basta ako happy ako for u. "

"Thankyou vice" Pagpapasalamat ko. if di dahil sa kanya baka wala kaming gantong moment ni vhong

"Sus. ikaw pa ba. Anyways kumain ka na ba? Wala pa naman mga kasambahay dito ni vhong. walang magluluto. Magpadeliver nalang tayo" Sabi ni vice

"Sige lang" sagot ko

"Teka. ano ba gusto mo?"

"Kahit ano hahaha"

"Jollibee nalang nga hahaha"

Nagtungo naman si vice kung saan ang telepono at saka tumawag at nagpadeliver

Nang matapos na sya makipag usap ay tumabi na ulit say sakin tapos ay binuksan nya ang Tv nanood muna kami habang nag aantay.

Lumipas ang ilang minuto ng pag aantay ay dumating na rin sa wakas ang delivery namin.

Si vice ang lumabas upang kunin ang ipina deliver namin. Maya maya pa ay pumasok na rin sya at bitbit na nya ang mga ito

"Yey! Ito na" excited nyang saad.

"Ano ano yang inorder mo?" tanong ko

"uhm. we got here. spaghetti, yum burger, burger steak and ofcourse 1 bucket of chicken joy yahooo" parang batang sabik na sabik na sagot sakin ni vice

"Ang dami naman." sabi ko. kasi dalawa lang naman ata kaming kakain non.

"Syempre si vhong pa! tatabihan ko yun ng burger steak favorite nya yon gaga ka hahaha" ohh favorite nya pala yun.. nice. pareho kami

"Ah hahaha" sabi ko nalang

At nagsimula na kami kumain. habang kumakain kami ay panay lang ang kwentuhan namin sa kung ano anong bagay.

"teka lang ah. silipin ko lang si vhong sa taas. dyan ka lang" paalam sakin ni vice. tumango naman ako at napatingin sa orasan ko. 6pm na pala. ang bilis naman ng oras, i guess sa sobrang sarap ng kwentuhan namin.

Habang nagmumuni muni ako nakita ko na si vice at vhong na pababa. naka jacket naman si vhong at medyo magulo ang buhok. halatang kagigising lang.

Dumaan naman na sila aa harap ko si vhong naman ay tinanguan lang ako at naupo ng tahimik sa kabilang side ng table katabi ni vice.

"uy brad kumain ka na. nagpadeliver kaming jollibee nandyan yung gusto mo. teka microwave ko lang ah" tinititigan ko naman silang dalawang magkaibigan at napangiti ako ng palihim. nakakatuwa lang yung samahan nila. alagang alaga ni vice si vhong.

My Celebrity Boyfriend (VhongAnne)Where stories live. Discover now