Chapter 75

792 26 20
                                    

Anne's POV

Bumaba na ako mula sa kwarto ni vhong. dito nalang ako mag aantay sa pagdating ni vice.

Habang nag iisa ako naisip ko lahat nung nangyari samin kani kanina lang. pakiramdam ko ay parang panaginip pa rin ang lahat dahil sa tagal tagal na pagsuyo ko kay vhong ngayon nya lang talaga ako pinansin, ngayon nya lang ako kinausap, kinamusta etc. Ang sarap sarap lang sa pakiramdam na kahit paano maayos kami. parang nagkaron ng closure? pero ewan ko. ayoko naman umasa na ganun na nya ako ituturing ng tuluyan baka kasi hanggang ngayon lang tapos the next day balik na naman sa dedma at cold na pakikitungo sakin..

But then suddenly i felt sad knowing that he has now a girlfriend. ang swerte swerte naman ng girlfriend nya sa kanya. Napaisip ako, paano kaya kung kami pa rin hanggang ngayon? paano kaya kung naging matapang ako noon at di ako nagpatalo kay erwann.. Siguro ngayon masayang masaya kami ni vhong, siguro ang sweet sweet namin, kumbaga relationship goals.

Pero wala eh, nagpatalo ako noon at nagpadala ako sa takot ko kaya kami nauwi sa ganito.

Kanina yung nanonood kami nung horror nung napayakap ako bigla sa kanya. kahit ako ay nabigla rin noon pero nung ginawa ko yun sobrang saya lang ng katauhan ko.. when i hugged him kanina i feel safe para bang walang sinong pwedeng gumalaw sakin kasi yakap yakap ko sya. And kanina while i am hugging him again tears run down again from my eyes. Kasi after so many years ngayon ko lang ulit sya nayakap. yakap na sobrang higpit para bang ayaw ko na syang pakawalan kanina gusto ko akin lang sya ganun.

Pero lahat nung kasiyahan na nadama ko kanina ruined when he answers a phone call.. Rinig na rinig ko lahat yung usapan nila. magmula sa sweet talks nila. May girlfriend na pala sya, may iba na pala sya. yung hope ko noon na matagal kong itinayo bumagsak eh.. bumagsak para bang ang siste eh nabagsakan ako ng mga malalaki at mabibigat na bato yung mundo ko biglang gumuho dahil sa mga narinig kong yun. At ang sakit sakit para akong sinaksak ng paulit ulit damang dama ko yung sakit.

Kaya naman nung magkausap kami kanina wala di ko napigilan. nagsilabasan na naman yung mga luha ko. Minsan naitanong sa sarili ko. Hindi ka pa ba napapagod? Im stuck between "Pagod na ako tama na" pero "Mahal ko to kaya laban pa" minsan i admit napapagod ako sa kakasuyo sa kanya , sa pagpapansin sa kanya higit sa lahat pagod na akong umiyak. palagi nalang akong umiiyak kasi.. Tao lang rin naman ako napapagod. Pero dahil mahal ko sya kahit napapagod na ako, kahit na minsan dumadating sa point na susuko na ako. Lumalaban pa din ako eh, kasi nga mahal ko. na kahit pa na magmukha na akong tanga ayos lang basta para sa taong mahal ko.

Kaya naman nung malaman ko about his girlfriend. I asked god kung eto na ba yun? is this the sign na sukuan ko sya? kasi meron ng nagmamahal sa kanya eh, nahanap na din nya yung babae na mamahalin sya na di katulad ng sa akin. Mahal na mahal ko ng sobra si vhong kaya naman ito pa rin ako standing strong. Kahit na may iba na sya sabi ko sa sarili ko na di ko sya susukuan. I know someday everything will fall into place and everything will be worth it. Sabi ko sa sarili ko na kaya ko pa. Laban pa. Lalaban in a good way. Not in a bad way

Laban in a way na maging masaya ako sa kanila kahit masakit. laban in a way na susuportahan ko sya sa kahit anong maging desisyon nya man. Laban in a way na mabuti at wala akong natatapakan na tao.

Sa pag iisip ko naman ay bigla nang dumating si vice. hay finally

"Hi sister" bati nya sakin at saka bumeso. Ibinaba nya naman yunh mga bitbit nyang gamit nya sa may sofa at saka umupo

"So kamusta? ano nangyari?" Ngiting ngiting tanong ni vice sakin.

"Weird nga eh. ang bait nya sakin ngayon. alam mo yun? parang hindi si vhong yung kasama ko kanina" paliwanag ko sa kanya. Lalo namang lumapit sakin si vice at lalong nagkainteres na chikahin ako sa mga nangyari habang wala sya

My Celebrity Boyfriend (VhongAnne)Where stories live. Discover now