Gab's POV

Makalipas ang ilang minuto nakarating na din kami sa XH. Walang manlang nagsalita saming dalawa sa biyahe dahil pakiramdam ko lutang ang utak niya.  Sino na naman kaya ang nasa isip ng mokung. 

"BEST!"

Lumingon ako sa sumigaw at si Hailey pala yun.  Kababa ko lang kasi ng sasakyan kaya di ko agad napansin ang presensya niya. Lumingon ako sa likod ko, pero wala na si kuya.  Ang bilis naman niya maglakad. Wala manlang paalam. 

"Bakit?" kalmadong tanong ko.

Kasalukuyan pa din kaming nasa car park ngayon kaya nagtataka ako kung bakit kailangan pa niya akong puntahan dito gayong medyo malapit na rin magtime.  Ano na naman kayang nasa utak niya. 

"May kailangan kang makita" excited na sabi niya. 

Nadala na ako ng aking emosyon kaya nakita ko nalang ang aking sarili na natakbo na rin. Masyado na rin akong naeexcite sa mga posibleng mangyari. 

Makalipas ang ilang minuto ng pagtakbo namin. Medyo nahingal din ako dahil malayo ang room namin sa car park.

Nandito kami ngayon ni Hailey sa tapat ng room at nagtataka kung bakit di pa kami pumapasok. Sumilip ako ng bahagya sa room at nakitang nagkakagulo na sa loob.  Nandon sina Chloe na may kanya kanyang istorya at sina Cassandra na akala mo ay nanalo sa lotto.  Tapos si vince kalalaking tao, ang lakas makatili na parang wala ng bukas. Lalaki ba talaga ang isang to?. Lalo tuloy akong nagtaka. 

Sumilip pa ako ng konti at sinilip kung nasan sina kuya at matt. Nandon silang mga lalaki sa gitna at naguusap habang natawa pa. 

Ugh.Naalala ko na naman tuloy yung chat namin ni Matt kagabi.  Masyado akong nabadtrip kaya pinatay ko na yung wifi at laptop ko.  Bakit kasi binagalan ko pa yung reply ko.  Tyloy naglog out na siya.  Pero di bale, tatanungin ko nalang uli siya mamaya.  Hihihi

"May balak ka bang pumasok?" takhang tanong ko kay Hailey.

"Wala na sana eh.  Pero dahil baka mapagalitan tayo dito. Papasok na tayo hahaha" natatawang sabi niya na parang inuto niya lang ako.

'Kyaaaahhhh'

'Sasali talaga ako jan'

'Walang makakapigil satin friend'

'Chance na natin to'

Kabi-kabilang pagtili at sigaw ang bumungad sakin pagpasok ko palang ng room namin. Ano naman kayang meron!.Baka kung ano ano namang pakana ng head ng university na to ang pinauso. 

Napansin kong wala pa kaming guro sa unahan kaya malakas ang loob ng mga kaklase ko na magingay kaya pati mga bangko sa harapan ay nangangatumba.  Grabe na sa pagka OA. 

"Gabby audition tayo" lumingon ako sa nagsalita at nakitang si Ate mika pala yun.  Ang kapatid ni Matt.  Masasabi kong maganda siya dahil gwapo  si matt, nasa dugo na nila yun.  Naging magkaklase sila dahil tumigil ata ng 1 year si Ate.  Di ko alam kung bakit. 

"Saan ate?" clueless na tanong ko. 

"Jan oh" turo niya sakin sa may blackboard.

ANNOUNCEMENT!
     To all Xander High Students,
               We will having a audition for
     our upcoming brass band in this university.  Those people who wants to participate please coordinate with our Ssg officers.  Please Spread. Thank you:)

Tahimik lang akong nakatulala matapos kong mabasa ang nakasulat sa blackboard.  Di ko tuloy alam kung ano ba dapat ireact ko.  Magugulat ba? O wala lang.  Nakakahiya naman na sobrang saya nila tas samantalang ako kahit 1% di manlang naenggangyo.

Worst Section Where stories live. Discover now