Camila's POV
"Oh sige guys, naprint niyo na ba?"
"Teka lang, malapit na. Ini-edit ko pa."
"Dalian mo Kate, ang bagal-bagal mo naman!"
"Heto na nga oh! chill nga lang kayo!"
"Print mo na agad dali!"
"Oo na, Oo na, apurada kayo! psh."
at prinint na niya ang picture.
"Oy Magna, nasaan na yung jar?"
"heto."
"HA HA HA magiging masaya to guys."
sabay apir nilang dalawa habang pinapasok ko sa loob ng jar ang larawan.
"Cams, paparating na yung dad mo!"
"Bilisan mo na Cams!" sambit ni Kate
Dali-dali kong sinarado ang jar at inilagay ito sa refrigerator namin.
Bumaba kami upang salubungin si Dad.
"Hey dad" sabay kaway ko sa kanya na parang walang nangyari.
"Hey girls, what's up?" sagot ni dad at tinignan kami na panay kunot at ngiti.
"Hi uncle, umm lalabas sana kami para bumili ng soda?" sabi ni Kate
Tinignan kami ng masama ni dad na may kasamang maliit na ngiting parang nakasuksok sa kanyang mga labi.
"besh nehehelete ne teye ene ke be.." bulong naman ni Magna kay Kate.
"Ah so lalabas na muna kami dad" sambat ko agad, "tara na guys!"
"May soda sa fridge, di niyo ba nakita?"
"petey ne dis beshies.. helete ne teye." sabi ni Kate.
"sshh." sabay siko ko kay Kate.
"Umm we decided na mag ice cream nalang kami?" sabi ko kay dad.
"bala nandito sa fridge ayaw niyo ba talag...." habang binubuksan ang ref namin
"takbo na guys dali, labas!" bulong ko sa kanila. "umm so bye dad!"
"okay bye gir......"
Nag-unahan kaming lumabas sa pintuan habang tumatawa.
"lagot ka Cams."
"psh." sabi ko sa kanila habang patuloy na tumatakbo
nang biglang narinig ko ang sigaw ni dad.
"AAAAAAAARRGHHH!" parang baklang sumisigaw kasunod ay tunog nga mga nababasag na bote ng beer at soda ang narinig namin mula sa labas.
"CAMILA ROSE COMUARTE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Hi, I'm Camila Rose Vallente-Comuarte. 16 years old na ako at nag-aaral ako sa A-University.
YOU ARE READING
Prankster X Prankster
Teen FictionCamila Comuarte is a 16-year-old girl na hinahanap ang ina niya na iniwan sila for the past 10 years of her existence. Fun of playing jokes to escape from sadness and depression, students consider her as the queen of pranks. Planning to wreck her li...