One

1.2K 34 5
                                    

"Ui Jubi pa-photocopy tayo sa assignment ni Amos sa Computer Science. Wala akong nagawa eh, meron ka ba?" Tanong ni Anna sakin habang nagbabasa ako ng librong The Beginning of Everything ni Robyn Schneider. 

"Ah .. meron bang assignment? Wala ako din akong nagawa eh. Sige pa-photocopy din ako!"

Nang matapos kong sumagot sa tanong niya ay nagsalita si Reinier. "Pa-photocopy din ako."

Isipin mo kung paano niya sinabi yon. Sa pinaka dry na paraan. 

Sumagot naman si Anna. "Nasaan ang pambayad mo? Alanganamang pambabayad kita. Swerte mo!" Pagkasabi ni Anna ay umiling iling siya. "Ayan oh, palibre ka sa asawa mo.. luu..." Dagdag na sinabi ni Anna.

Napalingon ako. Malamang, dahil halata namang ako ang tinutukoy na asawa, hindi ba? Guilty lang.

"Uhm.. eto oh." Yun nalang ang nasabi ko at nilabas ko ang pitaka ko para kumuha ng piso. Nang biglang...

"Eto na oh!" Ang sabi ni Reinier na mahinhin na pasigaw. Gets mo? At inabot nya ang hawak nyang piso.

***

"Hindi ko alam ang iisipin ko. Gusto kong umiyak... magtago.. at hindi na ako mag papakita habang buhay!"

"Ang O.A. mo! Para sa isang snob lang?!" Yan ang sabi ni Krissa. Habang nagdadrama akong naglalakad. Papunta na kami sa library kung saan merong Xerox machine.

"Nakakahiya naman talaga yun ha! Baka isipin nya feeling ako." Eh nakakahiya talaga.

"Nakakahiya naman talaga yun Krissa! Siya na nga tong pinapahiram ng piso, siya pa itong maarte.." Ang siningit na sabi ni Elijah. "Atsaka mahirap din yung hindi ka papansinin nung Love of my Life mo. Hindi ba Jubi?"

"Oh tama na! nakakahiya na.. baka saan pa humantong yan. Jubilee ganyan talaga ang mga lalake... di lang pahalata pero gusto ka nun." Di nalang ako nagreact sa sinabi ni Amos dahil hindi naman totoo. Nagkaroon ng konting katahimikan nang biglang nagsalita si Elijah. "Siguro gusto mo din si Anna no? Kaso di ka lang pahalata?" natahimik si Amos.

"Ayieeee!" ang sabi namin ni Krissa at Elijah.

"Sira!" ang tanging nasabi nalang ni Anna dahil alam din naman nyang may gustong iba si Amos... si Lucy. Hindi rin naman din ako sigurado kung may lihim na pagtingin si Anna kay Amos eh.

Nakarating na kami kung saan dapat kami makarating. Sakto! Wala masyadong nag papaphotocopy. Sa panahon ngayon di na uso ang libro bilang reference sa pag aaral. Puro photocopy nalang.

Bakit kaya wala masyadong estudyante.. Oo nga pala lunch break na.. Lol. Patawa lang. Di effective.

Grabe gutom na rin ako. Iniabot na ni Amos ang papel na papaphotocopy kang Aling Nagpapaphotocopy. Naghintay kami siguro ng mga 5 minutes at natapos na ang pinaphotocopy.

Nakaupo kami sa may hagdan papasok ng library.

"Jubi, ikaw nang kumuha." Sabi ni Amos. Ginawa naman akong utus utusan neto. Pero dahil sa sobrang bait ko ay kinuha ko na lang at ipinamigay sa kanila.

"Teka! Sobra ng isa!" Nagtaka ako dahil dalawa pa ang hawak ko at nabigyan ko na sila lahat.

"Haha! Nakalimutan mo na ba? Di ba nagpaphotocopy din si Reinier?" sabi ni Anna.

Aw! Na set up yata ako. Bakit nawala sa isip ko 'yon. Pinagtutulungan yata ako ng mga kaibigan ko. Hindi lang yata... Oo nga!

"Ano ba Anna? Ikaw nalang magbigay sakanya oh!"

"Ayaw nga bleh! Ikaw nalang."

At walang gustong kumuha. Ano pa bang choice mo Jubilee! Lakasan mo nalang ang loob mo. Para ibigay lang naman ang isang papel. Goodluck nalang sa akin.

Hinawakan ako sa balikat ni Anna at sabay sabing "The Power of Cross Fingers with Faith!" Wow, ka inspired Anna. Pero mas pinili ko ng hindi sumagot. Ang O.A. noh? Parang nasa Telenobela lang yung tipong magkaaway kayo ng kasintahan mo at may dapat kang sabihin sakanya o may pinapabigay kaso di mo magawa sa sobrang awkward ng setting.


So eto naglalakad na kami pabalik ng classroom. Sa sobrang panic ko hindi nalang ako nagsasalita habang sina Anna at Krissa ay nagtatalbugan sa knock knock jokes.

"Knock!Knock!" Ang sabi ni Anna. "Who's there?" Ang tanong naman namin.

"Coca-cola lasagna!"

"Coca-cola lasagna who?"

"COCA-COLA LASAGNA ang iyong minahal, di kana muling mag iisa..."

Tumawa ang lahat maliban sa akin, ngumiti lamang ako. Madalang lang talaga ako tumawa kung nakakatawa na talaga.

Syempre hindi naman papatalo si Krissa.

"Knock! Knock!"

"Who's there?"

"Medicine!!!!" Halata sa pagsigaw nya ang excitement sa sariling banat.

"Medicine who?!"

"Bayang Magiliw....

ME-DI-CINE!

Bayang magiliw perlas ng silanganan...."

Grabe ang kakornihan ng mga barkada ko. Nakaka FACEPALM!

***

Dugdug, dugdug... Papasok nakami ng Building kung saan yung Classroom namin. Hayan na! nakapasok nakami. Malapit na sa Room 2. Nagpahuli ako ng kaunti. Ayokong makita nila akong ibigay ko ang papel kay Reinier. Nakapasok na sila at... ayan na nakapasok na din ako. Natatanaw ko na siya mula sa kinatatayuan ko malapit sa pintuan.

Nakaupo siya sa arm chair. Tahimik lang siya at mukhang hinihintay si Anna na ibigay sa kanya ang pinaphotocopy nya.

Ibibigay mo lang naman itong photocopy, kaya mo yan! Wag mo nang isipin yung nangyari kanina.Yan nalamang ang sinasabi ko sa sarili ko.. pamapalakas ng loob!

Nang papalapit na ako, nakaharap siya sa akin. Napansin nya rin siguro na hawak ko yung copy nya. Nang kaharap ko na siya binigay ko na yung copy sa kanya at dumeretso na ako sa upuan ko. Habang papunta ako sa upuan ko napatingin ako kay Krissa, nginitian niya ako at ngumiti rin ako pabalik. Nakita nya siguro ang nangyari pero mas pinili nyang manahimik. Ngunit saktong pagkaupo ko sa aking upuan...

"Ayieeeee!!! Ahi! Ahi! Inabot ni Jubi yung photocopy kay Rei!!!! Ayieee!" At... ang buong klase ay nag hiyawan. Sa lakas ba naman ng boses ni Anna, hanggang kabilang building! 

Ayy naku naman pati pala si Anna nakita niya.



***

a/n: Nagagalit na sakin yung friend ko si Jenalyn Joy (Siya pala ang naging inspirasyon ko kay Jubilee.)  bakit di daw ako nagtatapos ng story.. OH AYAN ! TAPOS NA ! haha. Dedicated to sayo friend sana magustuhan mo :)


Sa bandang simula lang ang author's note XD asahan nyo yan.

My Non-Existent Love StoryWhere stories live. Discover now