Chapter 1

272 5 0
                                    

Habang kumakain ako ng hotdog sandwich, may napansin akong lalake sa bandang kaliwa ng store at nagbabasa ng librong “Loch Ness Monster”. Sa tingin ko ay kanina pa nakaupo and lalakeng iyon doon sa sulok. Siguro mas nauna pa s’ya sa’kin dito.

Magulo ‘yung buhok ng lalakeng yun pero mukha naman s’yang malinis. Hindi ko maipaliwanag kung singkit ang mga mata n’ya o natatakpan lang ang mga ito ng magulong buhok n’ya. May itsura naman s’ya pero hindi ko masabi kung s’ya ba ‘yung tipong heartthrob o wala lang.

Maputi yung lalake at may maliit na nunal sa ilalim ng kanang mata n’ya malapit sa pisngi. Hindi s’ya payat, hindi rin mataba, katamtaman lang ‘yung katawan n’ya. At sa palagay ko ay estudyante rin s’ya na tulad ko. Nakasuot s’ya ng isang pamilyar na uniform, parang yung uniform sa UST.

Sa totoo lang, nararamdaman kong napakalalim ng pagkatao ng lalakeng ito dahil malungkot at maputla ang mga labi n’ya at para bang may sarili s’yang mundo. . . Hay, heto na naman ako, lahat na yata ng tao pinipilit kong basahin sa isang simpleng tingin lang. Ganito na ‘ko dati pa at isa ‘to sa pinaka-kakaibang ugali ko.

Nang maubos ko na ‘yung kinakain ko, tumayo ako para kumuha ng siopao dahil nagugutom pa rin ako. Para bang napakalaki pa ng espasyo sa tiyan ko para paglagyan ng pagkain.

Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang hindi pagmasdan ang lalake sa sulok, para kasing hindi s’ya gumagalaw, kahit yata mag-iba ng posisyon o pwesto ay hindi n’ya ginawa. Kanina pa s’ya nakaupo ng parang tuod dun sa sulok.

15 minutes to 6 am. I grabbed my phone and clicked the camera option. Wala akong magawa kaya kinuhanan ko ng stolen shots yung lalake sa sulok. Sinubukan kong palabasin sa mga larawan ang emosyon na nakikita ko sa kanya ngayon, baka sakaling sa photography pala talaga ang linya ko at may tinatago akong talento dun.

Pero matapos kong kunan ng letrato yung lalake, nalungkot lang ako, hindi ko kasi naipalabas sa larawan yung bigat ng emosyon na nakikita ng mga mata ko sa kanya.

I zoomed the pictures and noticed how good that guy really looks. Naging interesado tuloy ako lalo. Pero hindi rin eh, hindi yun sa itsura n’ya…. Ewan! Frustrated lang siguro talaga ako maging photographer.

Itinigil ko na ang pagkuha ng letraro at nakinig na lang sa iPod ko habang tine-text si Pierra. Nakauwi na pala s’ya at tinatanong n’ya ako kung nakauwi na rin ako. Ang sabi ko kay Pierra tinatamad pa akong umuwi at kapag nakaramdam na siguro ako ng antok ay tsaka ako aalis dito.

6:30 am nang makaramdam ako ng antok at napagdesisyunan kong umuwi na. Lumabas na ako ng store at kasabay nun, pumasok naman ang isang grupo ng mga estudyante. Siguro mga lima o anim silang lahat. Maiingay at nagtatawanan ng malakas ang mga ito.

Tumayo lang ako sa labas ng store habang hinihintay ang buwelo na sipaging maglakad at pumara ng taxi. Sa kanan ko kung sa’n katabi ko na halos yung pintuan ng store, napansin kong gumagawa ng eksena ‘yung grupo sa loob.

“Hoy! Abnormal! Kulang bayad mo!!!” Someone said, laughing hard.

Ilang sandali pa, may isang lalakeng nagmamadaling lumabas ng store habang bumubulong-bulong pa. “H-hindi kulang bayad ko…”

At kahit nagmamadali nang lumabas ‘yung lalake yun, hinabol pa rin s’ya ng sipa nung isa sa mga estudyante kanina. Halos sumubsob na s’ya sa kalsada at hindi s’ya makalakad ng maayos dahil siguro sa sakit ng sipa sa likod n’ya. Ang lalakas naman ng loob ng mga binatang iyon para gumawa ng eksena sa isang pampublikong lugar.

Hindi naaalis sa pagka-yuko ang ulo ng lalake habang naglalakad ito papalayo. Siguro, kung hindi lang masakit ang likod n’ya at wala s’yang hawak na kape, kanina pa s’ya tumakbo para makatakas.

Tumatawa pa rin ng malakas ‘yung mga estudyante at nag-ambang hahabulin ‘yung lalake.

Bigla kong naalala ‘yung lalakeng sinipa sa likod, s’ya yung nagbabasa ng “Loch Ness Monster” sa loob kanina.

Dalawang oras s’yang tahimik na nagbabasa ng libro sa loob at umalis lang s’ya nang dumating na ‘yung mga estudyanteng ‘yun. Parang takot na takot s’ya sa kanila.

Kanina habang bumubulong s’ya, nanginginig ‘yung kamay n’ya na parang matatapon na ‘yung kapeng hawak n’ya sa sobrang takot at kaba.

Bigla akong nakaramdam ng awa sa lalakeng ‘yun dahil pinahiya at kinawawa s’ya ng mga estudyante sa harap ng maraming tao kanina.

I sighed and then I yawned. Inaantok na talaga ako kaya’t nagsimula na akong maglakad para humanap ng taxi.

Pag-AgosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon