"Kami ni Aecee, Florante at Laura." Sagot ni Jigs.
Napalingon naman kami kay Kira, sila kase ni Shiela ang mag partner. Tapos si Zein at Jena.
"Pinagawa kami ni maam ng sariling ipeperform." Sabi naman nya. Bumaling kami kay Zein.
"Bridge to terabithia."
"Eh, diba lalaki yung isa don?" Tanong ko naman skanya.
Napanuod ko na kase yun dati sa tv. Tapos lalaki yung isa.
"Gagawin naming babae pareho."
Tumango lang naman ako. Tapos bigla silang bumaling saken lahat.
"Romeo and Juliet, kami ni Blaze."
Naayos na naman namin kagabi, na perfect nga namin e. Sana nga lang hindi nya nakalimutan yung line nya. Mas mahaba kase yung kaniya.
"Here's the order." Nilapag naman ni Shiela ang tray sa table, kaya naman naputol ang pag-uusap namin.
Tahimik lang kaming kumakain, napapansin ko habang nakain ako, nakatingin dito si Blaze. Oh baka naduduling lang ako? Nakikita ko kase nag grupo nila sa side ng mata ko.
Matapos namin kumain ay lumabas na kami ng caf. Nagpaalam naman muna ako sakanila na may kukunin lang ako saglit sa locker ko. Maaga pa naman kaya hindi pa ako malelate.
Kinakalikot ko yung cp ko habang naglalakad ako papuntang locker. Paano ba naman nagtext si Kuya.
*blag*
"Ouch!"
"Ay! Hala, sorry." Dali-dali kong tinayo yung babaeng nabangga ko. Hindi ko kase napansin na nasa daan sya, kaya naman nabangga ko sya.
"Ano ba! Bat kase ayaw mo tumingin sa dinadaanan mo ha?!" Sigaw nya saken.
"Sorry. Di ko sinasadya." Paghingi ko ng paumanhin sakanya.
"Anong sorry! Hindi ako natanggap ng sorry!" Tapos bigla nya nalang ako nilampasan. Hindi ko naman naintindihan ang huli nyang sinabi.
Buti nalng at unti lang ang nakakita samin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
At kung dinapuan ka nga namn ng malas, may linta pa akong nakita. Nakita ko si Apple na nakatayo.
"Tsk. Tsk. Tsk. You mess with wrong person Siri. Mali ang banggain si Korine." May halong mapangasar ang boses nya. Nakangisi pa sya. Tapos bigla nya nalang ako nilampasan.
Korine? Siguro yun yung babaeng nabangga ko. Tss! Ano na naman ba ang problema netong si Apple?!
Kinuha ko lang naman ang book ko sa locker. Tapos umakyat nako sa taas. Buti nalang at wala pa ang lec namin. Phew!
"Antagal mo ata?!" Bungad saken ni Jigs.
"Trapik." Pagbibiro ko naman. Maya-maya rin ay dumating na ang lec namin.
"Okay class! Yung performance nyo ay bukas na i-peperform."
Announce ni miss. Marami ang nagprotesta sakanya.
"Miss naman! Wala pa po kami! Sa friday nalang po." Sabi ni Leya, isa sa mga kaklase kong babae.
"No! Bukas na. Sa ayaw at gusto nyo! Now, get 1 whole sheet of paper....number 1!"
Hays! Hindi pa man nagsisimulang mag tanong si miss ay biglang pumasok sila Blaze. Napabuntong hininga nalang si miss, sa mga inasal nitong mga to.
----
"Alam nyo! Kung ako sainyo, nagpapractice na kayo."
"Sa Sabado nalang siguro."
Nandito kami ngayon sa caf at kumakain ng lunch. Lunch break na kase namin ngayon. At eto nga pinag-uusapan namin ang tungkol sa Boy and Girl Group. Hindi na kase kami nag audition nun, dahil isang grupo na naman kami ay nagpalista nalang kami.
ESTÁS LEYENDO
Just A Memory
AcciónIsang Ordinaryong Babae, Hindi lahat ng katangian ng isang babae ay sakanya mo makikita. Unique sya---Kakaiba sya sa lahat, Maganda pa sya sa maganda, Mabait pa sya sa mabait, IBA PA SYA SA IBA. Wag na wag mo lang susubukan saktan ang mga taong mala...
Chapter 10
Comenzar desde el principio
