TULONG!!

802 15 7
                                    

Jasper's POV

Kasama ko si Joey ngayon. Nagrereview kami para sa entrance exam para sa college. Ang bilis ng panahon. Sa sobrang bilis, hindi ko namalayang nahulog na pala ako. Alam kong talo na ako sa pustahan pero nagpapanggap pa rin ako sa harapan nina captain. Kapag nalaman niya, wala na nga akong scholarship, masisira pa ang future ko.

Lintek na Dean yan! Pasimuno!

Nasa library pala kami. Si Dean din kasama namin.

Si Dean, tuloy pa rin siya sa 'Joey, pano 'to?'. Nagpapatutor kasi kami sa kanya.

"Punta muna ako sa restroom."

Pumunta na si Joey sa restroom.

"Dre, sabi ni Josh. Ibababa na daw ang hatol sa'yo mamaya."

"Ano sa palagay mo ang resulta?"

"Hindi ko alam pero siguro tanggal ka."

"Tsk."

"Ano gagawin mo."

"Wala."

"Edi, inlab ka nga tol!"

"Shhhhhhhh!!!"-saway ng naghihikap na librarian.

"Hindi ka ba natatakot?"

"San naman?"

"Picachu naman oh. Yung mga gang?"

Ahh. Naalala ko na.

"Oh. Ano naman?"

"Baka ikaw ang resbakan."

"Hindi yon."

"Sinong reresbak?"-bigla na lang sumulpot sa tabi ni Dean si Joey.

"A-ah. Wala naman."-Dean.

*tingin sa wristwatch*"Uuna na ako. Malapit na mag-6:30"-Dean.

"Geh. Layas na."

"Sama mo tol. May araw ka rin. Salamat Joey sa libreng tutor."

"FYI, hindi yun libre."

"Friends naman tayo kaya utang. Bye."

Itong school namin kasi ay may college department kaya ang main library ay open 6 am to 7pm.

At exact, 7 umalis na kami sa library at napagdesisyunang umuwi.

...

Napadaan na kami sa isang fastfood chain kaya kumain na muna kami. Wala na kasi si tita at si Paolo na hindi nakatagal sa Pilipinas. Nasa Korea na. May katulong siya pero uwian.

"Jaz, wait. Kukunin ko lang sa loob yung notebook ko."

"Sige, intayin na lang kita sa parking lot.

---

"Long time no see."-bungad na bati ni Phil, ang leader ng gang na huli naming nakalaban.

Hindi ako gangster pero basta na lang silang nangharang sa dinadaanan namin. Pinagbigayan namin sila kaya naman nakatikim sila ng pagkatalo.

Leche. Bakit ngayon pa nagparamdam ang mga mokong na 'to kung kailan out na ako sa team at kasama ko si Andrea. 

"Kayo na naman. Ang dami mong alipores ah."

Talagang naghahamon ako. Tsk. Isa laban sa lima na may baseball bat. Patay na.

"Di ko gusto yung tabas ng dila mo bata."-sabi nung nasa kanan ni Phil. Bagong recruit yata.

"Buruhin na natin 'to"-sabi naman nung nasa kaliwa. Kamukha nung nasa kanan. Ayos ah.! Kambal sa isang gang.

"Ge, dalhin yan."-utos ni Phil sa mga alipores niya.

Perfect TwoWhere stories live. Discover now