Chapter One /

98 3 0
                                    

 Sandy POV

Last two days na 'to ng review class. Hindi pa din ako niyaya ni Paulo mag-commute. Nakakaasar naman oh. Sayang naman  yung commute skills ko. Wala na atang patutunguhan 'to. Besides sa may girlfriend siya na maganda, makinis, sexy, magaling magdrawing, at badminton player pa, wala na talaga akong pag-asa diyan.

Inuntog ko yung ulo ko sa may table--DUG!

"AROUCH~" Sakit. Napalakas yun ah. Hinilot ko muna yung noo ko napakiramdam ko, magkakabukol na.

"Are you okay?" Tanong nung lecturer. Hay kahiya naman 'to oh.

Biglang humarap sa'kin si frontmate. "Bored?" Tanong niya. Eh kinikilig na'ko nun so naka-smile lang akong nag-nod.

Pagkatalikod niya, tinakpan ko yung ulo ko ng papel kasi di ko na matago yung smile ko.

"Hey, paano ka uuwi today?" Napaupo agad ako ng maayos.

"C-Commute."

"Oh. Okay." Akala ko pa naman yayayain na niya ako o gusto na niya sumabay sa'kin. Kaasar.

OK. PAKAPALAN NA NG MUKHA PERO YAYAYAIN KO NA SIYA.

Kinalabit ko siya na parang delicate glass. Di ko nga alam kung naramdaman niya eh.

Yun, lumingon.

"Hm?"

"Gusto mo sumabay?"

"Sabay?"

"I mean, kung gusto mo lang naman kasi..."

"Sige, sabay ako sayo."

Naka-straight face lang akong nag nod ng head ko para mukhang nag-aalok lang talaga ako.

"Oy, bilang na bilang yung beses na pagsakay ko ng jeep. Turuan mo 'ko ha."

"Onaman." Nag-two thumbs up ako sa kanya.

"Sige... 20 more minutes!" Sabi niya pagtapos tumingin sa clock. Excited? Tapos humarap na siya.

AYUN. NAGAWA KO DIN.

Kailangan lang talaga, KAPAL NG MUKHA

Hinalikan muna niya girlfriend niya sa cheek tapos nag-hug sila. Drama. Aalagaan ko naman boyfriend mo, shoonga.

Ang swerte mo girlfriend, kung alam mo lang.

"Let's go?"

Ayun, tumawid muna kami, then nag-para ako ng jeep. Sakay naman kami.

"Hindi tayo magbubus diba?"

"Magbubus. Yun yung only way para makapunta sa bahay mo. Not unless gusto mong lakarin." Pabiro kong sabi.

"Dilekado yung di ba?"

"Nope. Basta alam mo lang kung saan ka pupunta."

"Ahhh." Hala. nabobore na ba siyang kasama ako? Masyado na bang mayabang yung dating ko? Hala. Baka maturn-off 'to!

Nasa may EDSA part na kami kaya nagbabaan na yung mga tao. Last stop kumbaga.

Naglakad kami sa overpass. Sasakay na kami ng bus.

"It stinks. Ang panghi naman." Sabi niyang medyo natatawa habang naka-scrunch yung nose niya.

"Get used to it. Mga lalaki may sala."

"LALAKI?"

"Yes. LALAKI. Tulad mo. Bakit? May nakita ka na bang babaeng umiihi sa kalye or sa pader?" Tinry ko siya asarin. Hihi :")

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon